Chapter 27

7.7K 169 0
                                    

"Honey, water?" Agad na tanong ko nang matapos ang scene ni Cathy.

"Nope, okay lang di pa naman ako nauuhaw" agad na naupo si Cathy sa nakahandang chair para sa kanya.
Agad na pinunasan ko ang mga pawis nya at pinaypayan ito.
Tapos yun mga make up artist na naka stand by ay inayos ang make up nya pati buhok para sa retake ng scene.
Nakita ko si Yael na pinapagalitan ni Mavix kasi pang siyam na take na nila ito at pirming ito ang cause ng retake.

"Miss Cassidy be ready na po to take na po tayo in five minutes" sabi ng isa sa mga crew.

"Okay"

"Ahm...Honey gusto mo na imassage kita?" Nahihiyang bulong ko dito.
Agad na nanlaki ang mga mata nito na lumingon ito sa akin.
Kinabahan ako bigla pero...

"Of course!" Nakangiting bulong nito.
Buti na lang nakahinga ako na maluwag.
Agad na minasahe ko ang mga balikat nya.

"Miss Cassidy ready na tayo!" Agad na sigaw ng assistant ni Mavix dito.
Agad na tumayo si Cathy at marahan na pinisil ako sa mga palad ko.

"I'll be back" bulong nito sa akin.
Takte! parang pinana ang puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko.
Pinanood ko na uli sila na magshoot at mukhang...

"Cut! Ano ba yan Yael? Para kang tuod ni mata mo walang emotion! Para ka lang tumutula!"galit na galit na sigaw dito ni Mavix.

"Sorry po Direct, aayusin ko na po next time" wika ni Yael pero si Mavix ay nakatingin sa wristwatch nya

"Ayusin mo Yael ang pag arte mo gusto ko bukas isang take lang tayo dahil kung hindi sasabihin ko sa management na ipatanggal ka na!" Wika nito kay Yael at bumaling na ito sa mga staff at crew. "Hala pack up na tayo, may kailangan pa akong tapusin na appointment" yun lang at umalis na ito at lumapit kay Cathy.
Nag usap ito ng may ilang minuto pagkaraan ay lumapit sa akin.

"Honey baka pagod ka na mabuti pa kaya'y umuwi ka muna para makapagpahinga ka kasi may next appoinment pa kami ni Mavix" bulong ni Cathy sa akin.
Ngumiti ako at umiling dito.

"Nope, it's alright honey di ako pagod sa'yo nga ako nag aalala kasi kanina ka pa walang pahinga baka magkasakit ka na naman kaya para mapanatag ako ay sasama na lang ako sa inyo" bulong ko din dito.

"Okay mapilit ka eh, sabay ka na sa amin ni Mavix" hinila na nya ako at pumunta kami sa likod ng building na pinagshoshootinggan nila at pumunta kami sa nakaparadang kotse dun.
Maya maya ay nakita ko na kasunod na namin si Mavix.

"Uy Kenneth kasama ka din pala?" Ani Mavix nang makita ako.
Tumango ako dito at pagkaraan ay sumakay na din kami sa kotse.
Ako at si Mavix sa unahan at nasa likod naman si Cathy pumuwesto.

"Okay punta na tayo sa next shooting appointment natin" wika ni Mavix sa amin at agad na binuhay ang makina ng sasakyan pagkaraan ng ilang sandali ay nagseat belt na kami at pinaandar na nito papalayo ang kotse.

Nang makarating na kami sa place na next shooting location nila medyo di agad sila makapagsimula kasi wala pa raw yun male model na kapareho ni Cathy sa Commercial.
Medyo nagpapanic na ang mga staff kasi eto na palang araw na ito ang deadline na binigay ng Kliyente nila para tapusin na ito kasi nadelay nang nadelay ito gawa nga nang busy yun male model na yun.

Busy? Eh mas busy pa sila Honey at Mavix sa kanya ah! Di na nga halos makatulog si Honey ko pati na rin si Mavix parang di ko na kilala seryosong seryoso ang mukha di na halos mangiti man lang! Katakot na aura nila.
Si Honey beautiful and fierce yet you find her lack of sleep reflect in her eyes ahm ano nga ba magandang decribe...smokey eyes, seductive gaze...waaahhh! Ang dyosa pa rin ni Honey kahit puyat sya. Naaakit ako sa mga titig nya.
Tapos si Mavix Serious and Dangerous na ang iniemit na aura parang dun sa Vampire movie na napanood ko may mga tumutubong hair na rin sa mukha nya tanda na ni makapag ahit ay di na nya magawa.. .... pero kaasar mas lumakas pa yata sex appeal nito pati buhok nito di na nya malagyan nang gel tulad nang malimit nyang gawin bagsak na bagsak tuloy buhok nya na lampas baba na nya pala bawat madaanan na babae nahihimatay....bakit ang gwapo nang hudas na ito lahat na lang nang kagwapuhan sinapo nya.
Buti wa effect ang hitsura nya kay Honey hahaha!!
Dapat si Mavix na lang kapareho ni Cathy para  itong ginagawa nilang commercial ay matapos na.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon