Chapter 2 part one

14.1K 225 2
                                    

Tuloy tuloy lang sya sa paglagok sa alak na nasa kanyang tabi.Bakit ganito ang sabi nila pag nalasing ka na raw malilimutan mo ang lahat pero di pa rin mawala ang sakit sakit pa rin.Masakit dahil pareho silang mahalaga sa yo pero nagawa ka pa rin nilang lokohin,at ang masakit pa parang ikaw pa ang may kasalanan nang lahat.Masyado nga bang naging kampante sya at mapagtiwala?akala nya babae lang ang naloloko pati rin pala sa mga lalake mayroon, akala nya sa nobela lang nangyayari ito pati rin pala sa kanya.

"Damn "napadiin ang baba nya sa kopitang hawak nya,di na niya alam ang gagawin gusto nyang magalit gusto na nyang ipagsigawan na niloko sya gusto pa rin nyang ituloy ang kasal, pero di nya magawa dahil sa kabila ng mga nalaman nya mahal nya pa rin ang babae na yon,pero paano na si Jonas? ang baby?

"Hi, "nag angat siya tingin at nakita nya si Joker......di pala isang babae na masyadong makapal ang make up at naligaw yata ng pinasukan di kasi akma ang suot nya naka boots ito at naka mini skirt na maikli naka tube na dress pero may sweater sa loob at nakawig pa yata na kulay pula,  seriously pula na ang boots pula pa ang skirt pula rin ang sweater pati labi pula, parin ba buhok pula pa rin?para syang nagmumurang kamatis napangiti ako nang lihim sa naisip ko.

"Upo na ako ha,"at naupo na ito sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hello,kanina pa ako rito sa club kaya napansin ko na kanina ka pa dumating di ka ba sinipot ng ka date mo ,gusto mo ako na lang ang date mo? nga pala ako si Catherine anne Ledesma at your service ikaw anong name mo?tuloy tuloy na sabi nito

"Kenneth"

"Kenneth lang walang kasunod wag mong sabihin na wala kang apelyido ha di fair yan binigay ko nang buo ang name ko noh dapat lang na ibigay mo rin ang pangalan mo sa akin"naka taas kilay at nakangiting bigkas nito.

Napangiti na ako nang tuluyan sa narinig ko ibigay ang pangalan ko .....ibigay ang pangalan ko, bakit di ko naisip to kanina pa eto na ang solusyon sa problema ko, ang ibigay ang pangalan ko sa kanya.

"Kennedy Cervantes ang pangalan ko twenty-four years old may matinong trabaho at kayang kaya kang buhayin ng marangya"sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Natigilan ito at namula maya maya inangat na rin nito ang kamay nya para abutin ang palad ko."Catherine anne Ledesma twenty two years old single at naghahanap ng mayamang asawa  Kennedy Cervantes, Catherine Cervantes mukhang mas bagay sa akin"napangiti ito at tumingin sa mga mata ko .mukhang lasing na ko dahil nakikita ko sa kislap ng mga mata nya ang paghanga sa akin at    pagmamahal ,,tama lasing na nga ako imposible naman na ma inlove ito sa akin. Hindi sa wala akong tiwala sa sarili ko pero mas lamang nang dalawang paligo si Jonas sa akin may salamin pa ako ngayon dahil near sighted ako ......jonas.... muli na naman sumalakay ang sakit sa dibdib ko pagkaisip sa kanila.
Tinitigan ko si Catherine at biglang naisip ko ma pamilyar ang hubog ng mukha nito di ko lang maiisip kung saan ko sya nakita at kailan.Nagkwentuhan pa kami ng iba't-ibang paksa nakakatuwa syang kausap, maya't maya akong napapangiti sa kanya magaan ang pakiramdam ko sa kanya at pakiramdam ko pa matagal ko na syang kilala.
Maya maya pa nagpaalam na ito,napatingin siya sa orasan, two o'clock lang naman ha bakit nagpapaalam na ito two o'clock seryoso mahigit apat na oras silang nag usap, first time tong nangyari sa kanya sya pa naman ay mainipin na tao madali syang mainip, kay Macy at Jonas lang mahaba ang pasensya nya , muli na naman naalala nya ang tagpo kanina.
Bigla syang tumayo at inalalayan si Catherine para makatayo.

"San ang address ihahatid na kita madaling araw na pala baka mapano ka nyan"

"Sa_______________ako nakatira"

Binuksan ni Catherine ang pintuan at kinapa ang switch ng ilaw maya maya nagliwanag na sa apartment nito.

"Mag-isa ka lang rito?"tanong rito pinagmasdan ko ang kabuan ng tinitirhan nya masyadong tong malaki para sa kanya kung mag isa lang ito.

"Yes,humiwalay na ako ng bahay sa mga magulang ko since college pa,gusto mong magkape?"tanong nito,tumango ako at pinaupo na nya ako sala.
Maya maya pa lumabas na siya na may dalang kape at naupo sa tabi ko
Tinitigan ko ang mukha nito, bakit pakiramdam ko lalong tong gumaganda?nilapit ko pang lalo ang mukha ko rito.

"Bakit may dumi ba sa mukha ko?"sabay kapa sa mukha nito."gosh ang make up ko"
Natawa ako sa itsura nya dahil hinawakan nya ang mukha nya kumalat tuloy ang lipstick nito, mukha na talaga syang payaso kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at marahan kong pinunasan ang mukha nito.

"Thank you, pero ako na ang magtutuloy nahihiya na ko sa yo eh "nakalabing sambit nito.
Habang pinupunasan nya ang mukha nya patuloy pa rin akong nakatitig dito,

"Um, nakatitig ka naman,baka matunaw na ako nyan"puna nito at tinigil na nito ang pagpunas sa mukha nya.Umusod pa ito ng bahagya palapit sa akin at hinawakan ng dalawang palad nya ang mukha ko.

"Alam mo kung huhubarin mo lang tong salamin mo gwapo mo lalo"sabay alis nito sa salamin sa mata ko."Yan tapos ayusin lang natin ang buhok mo tapos yun pananamit mo na pangmatanda okay na okay na minus yun katawan mo wala ka kasing kamasel-masel sa katawan anong kinakain mo ba?hayaan mo pag ako ang ginirfriend mo ako di ka magsisisi, aalagaan kita at pagsisilbihan lahat ng kailangan mo at lahat ng gusto mo ibibigay ko"pagbubuild up nito sa sarili nito.

Natawa ako sa sinabi nya, at napapansin ko pa sa sarili ko na gumagaan ang kalooban ko pag kinakausap nya ako ng kinakausap nakakalimutan ko yun mga nangyari kanina sa office.

"Para naman nilalako mo na ang sarili mo sa akin ah"

"Di ba nga sabi mo kaya mo akong buhayin ng marangya kaya naisip ko pag di pa kita binakuran baka mabingwit ka pa ng iba"

"Alam mo ba na malapit na akong ikasal"sabi ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya iyon at lalo pa nya nilapit ang mukha sa akin.

"Masaya ka ba?"

"Ha what do you mean?"ganting tanong ko.

"Dahil kung masaya ka di ka magmumukmok doon sa isang sulok ng bar at umiiyak"

"Di ako umiiyak"tanggi ko.

"Umiiyak ka alam ko kahit madilim dun dahil matagal na kitang pinagmamasdan......matagal na matagal na"anas nito at tuluyan na nyan tinawid ang distansiya sa pagitan namin at hinalikan ako.....

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon