Chapter 25

6.9K 154 0
                                    

"Ma, cake oh, yung favorite nyo pinabibigay sa yo ni Cathy" wika ko sabay abot ng dala kong na cake na ito.
Ang sabi ng Honey ko ito daw ang talagang favorite ni Mama di yun black forest cake,
Tingin ko naman mukhang masarap naman puti ang kulay ng cake tapos two layer na mukhang yung bread na name is inipit ang itsura ng cake.

"No, that's not my favorite black forest cake is my favorite" kaila nito pero inabot naman ang cake at akala nya nakaligtas sa akin ang pagliwanag ng mukha nya ng mapagtanto kung anung klase ng cake yun haha!

Nandito kami sa bahay ni Mama kasi si Papa pinatawag kami ni Jonas na dalawa.
Kasama pa nga nito si Macy eh.
Sila nang apat ang couple at ako na ang loner!
Kasi si Honey kinidnap na ni Mavix kasi nung sinundo pala nya ako kahapon tinakasan nya pala ang mga crew at co stars nya sa set at nagpatay pa sya ng cellphone.
Para lang masundo daw nya ako, how sweet naman talaga ng asawa ko.
And pagdating namin sa house ay she prepared pa ng food tapos pinaghanda pa nya ako ng tubig sa jacuzzi with matching scented rose petals and candles......
Oo may jacuzzi sa bahay namin at sa wakas nagamit ko na rin!!

I mean kaming dalawa kasi nahiya pa ako kasi naman eh she always never fails to amazed me and suprised me tapos lagi pa nya akong pinapamper nakakakilig kaya nabigla pa ako ng hinila nya ako sa jacuzzi at magkayakap kapwa na nagpatihulog.
Tawa ng tawa kami kasi napatay namin ang mga kandila sa paligid ng jacuzzi nang umapaw ang tubig at nabasa ang mga ito.
Oh god how I was so lucky to have her beside me everyday in my life.

Kinabukasan nagulat pa ako nang mapagbuksan ko nga nang pinto itong si Mavix na may dala nang lubid kasunod si Rafa.
Yun  pala ay para daw di na makatakas pa si Cathy.
Nakangisi lang si Rafa sa mga ito kasama pala nila Dawn ito kagabi kaya pala solo namin ang bahay kagabi .
Bago nila ako iwan ay binigyan ako ng cake ni Dawn nagtaka pa nga ako kung bakit pero sinabi ni Honey na nagtext pala kagabi si Papa at pinapapunta ako dito sa house nila at ibigay ko raw ang cake kay Mama.
Nagtaka pa nga ako kung bakit di ang paborito ni Mama yung binigay nya pero sabi naman ni Honey ay tumataginting na "trust me honey i know na magugustuhan nya yan 'coz it's her real favorite cake don't ask me honey how do i know because i want to give everything she wants and like 'coz she was my mother in law so i research and investigate what she likes and don't like, bye love you honey" iyon lang at inaresto na sya ni Mavix haha!
Shit naman eh! Kinikilig ako.

"Nandyan ka na pala Kenneth" bati ni Papa na papasok na nang receiving room.
Tumango ako dito pagkat puno nang cake yung bibig ko, masarap kasi kaya sunod sunod ang naging pagsubo ko kasi di naman sya masyadong matamis tapos nagmemelt sya sa bibig mo.
Papaubos na nga yung isang slice na cake na binigay ni Mama sa akin.
Tapos dito two slices ng cake...daya!
Di pala paborito ha!

Maya maya pa ay pumasok na rin sina Jonas at Macy at inalalayan pa ito ng dalawang lalake na umupo medyo malaki na rin ang tiyan ni Macy eh,
Nakita ko naman sa sulok ng mata ko na lumabi si Mama sa nakita nya na gesture ng dalawa kay Macy kasi sya ako lang ang umaalalay kahit noon pa eh,
Eto talagang si Papa masyadong alaga si Jonas at Macy lagi na ay nakaalalay sa mga kilos ni Macy.
Bagay na di nya pinaparamdam kay Mama o sinasabi man lang, kahit nga ako eh!
Parang kami ni Mama ang di kabilang sa family na ito base sa di pagpansin nitong tatlo sa amin ni Mama.

Hay! Bakit ko ba ngayon lang napapansin ang lahat ng ito?
Masyado na ba akong oblivious sa mga bagay bagay noon?
Kung di pa ako nakapag asawa di ko pa makikita at mararamdaman ang kaibahan ng trato nya sa amin.
Oo alam ko na si Jonas ang paborito nila.....kaya lang parang may mali dito di ko lang mawari kung ano yun.

"Thanks Dad" nakangiting wika ni Macy nang makaupo ito.

"It's my pleasure hija" ani Papa at promise nakita ko na lihim na umismid si Mama.
Don't tell me na pinagseselosan nya ang atensiyon na binibigay ni Papa kay Macy?
Wala akong pakialam ani naman ng isip ko.
At kinuha ko na ang remote ng TV at binuksan ito.
At ganda naman nang bumungad sa akin.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now