Chapter 39

6.8K 155 4
                                    

"Papa!" Tawag ko agad kay Papa pagkakita ko pa lamang sa pigura nito.

Napalingon agad ito sa akin pagkaraan ay lumagpas ang paningin nito sa likod ko.

Nasa likod ko kasi si Mama.

"Ano na pong balita kay Macy?" Tanong ko dito nang makalapit kami ni Mama dito.

Napasugod agad kami ni Mama nun mag text si Papa na manganganak na daw si Macy kaya naman excited ako na niyaya si Mama na pumunta dito sa hospital na pinagdalhan kay Macy.

Di agad ito sumagot at sa halip nagtitigan sila ni Mama.

Hmmm.....parang may something sa mga stares nila sa isa't isa ha? Bulong ng isip ko at bahagyang lumayo sa mga ito.

Pagkaraan ay hinagilap ko nang tingin si Jonas at nakita ko sya na nakayuko at tahimik lamang sa isang sulok.

Kaya agad na lumapit ako dito at tinapik ito.

"Jonas" nakangiting tawag ko sa kapatid ko.

Nag angat ito ng mukha at nagtaka ako nang mapansin ko na tila umiyak ito.

Namumula kasi ang magkabilang mata nito.
Kaya agad na kinabahan ako.

"M--may nangyari ba kay Macy ha?"
Umiling ito at nakahinga ako nang maluwag.

Pero nagtaka ulit ako nang may butil nang luha na dumaloy sa pisngi nito.

"Jonas come on spilled it because di ako mapalagay sa reaksiyon mo" wika ko kay Jonas pero wala pa din tugon mula dito.

"Kenneth hayaan mo muna ang kapatid mo halika muna dito" sabat ni Mama at iginiya ako papalayo kay Jonas na nakayuko pa din.

Pagkatapos ay muli ay pinuntahan na namin ulit si Papa.

"Kenneth your niece...." niece?
Kung ganun babae ang anak nilang mag asawa.
"Patay na yun bata nun inilabas"

"What?!" Di makapaniwalang sabi ko at malungkot na tumango si Mama.

"Kahit ako man nagulat din pano pa kaya ang Papa mo at si Jonas"

"Panu nangyari yun akala ko ba healthy yun pamangkin ko tapos alagang alaga pa si Macy nina Papa at Jonas"

"Di ko alam ang detalye anak, ang sabi lamang nang Papa mo, nun nilabas yun bata  di na humihinga tila yata dalawang araw nang p--patay yun bata sa tiyan ni Macy" gumatol ang tinig ni Mama na tila pinipigilan na mapaiyak din.

Lumingon ako kay Jonas na nakayuko pa din habang kuyom kuyom ang kamao.

Di ko napigilan na lumapit ulit dito at tahimik na naupo sa tabi nito.
Tapos sumunod na din sina Papa at Mama.

Maya maya pa ay lumabas na yun doktora at tinawag si Jonas at pati na din kami.

Sinabi nito na okay na daw si Macy at natutulog na pagkatapos nilang turukan ito ng sedative dahil nagwawala daw ito pagkatapos na malaman ang nangyari sa anak nito.

At pagkatapos ay sinabi nito na pwede na naming makita ang sanggol kaya agad na pinuntahan na namin ang sanggol.

Nakakaawa talaga ang hitsura ni Jonas napakalungkot nito at parang hipan lang ng hangin ay tutumba na ito pero gustuhin ko man na aluin ito ay kilala ko ito at alam ko ang ugali nito na magagalit at iiwas lamang ito sa akin.

Nanatili pa kami ng ilang sandali pa bago ako tahimik na inaya ni Mama na iwan muna sina Papa at Jonas.

---------------

"Sorry to hear that Ken Ken" malungkot din ang boses ni Cathy after na sabihin ko dito ang nangyari.

"Yeah.....to think ang saya saya pa natin kahapon dahil nga birthday ko tapos ang kapatid ko at si Macy may nangyayari na palang di maganda nakaka guitly lang kasi Hon" sagot ko dito.
Umupo ito sa tabi ko at pinatong ang mukha nya sa balikat ko.

"Walang may gusto na mangyari yun sa pamangkin natin Ken Ken, don't feel sorry for them you know baka may ibang plano si Lord sa kanilang dalawa I mean baka di para sa kanila ang bata" ani Cathy.

Napatango ako sa sinabi nito dahil naisip ko na din ang anggulo na yun kaya lamang ay di ko na sinabi pa kay Jonas at baka di nya tanggapin ang payo ko at awayin nga ako nito.

"Kailan ang libing ni Maggie Ken Ken?" Tanong ni Kat Kat sa akin.

Maggie ang ipinangalan nina Jonas at Macy sa namatay na anak nila.

"Ang sabi ni Mama ipapa cremate daw nang mag asawa si Maggie pero wala na daw gaganapin na lamay pa ayaw na daw kasing patagalin pa ni Jonas at para maasikaso nya na si Macy kaya baka bukas na nga yun libing why?" Tanong ko dito.

"Gusto kong sumama para makiramay Ken Ken" di ko mapigilan ang  mapangiti dahil sa concern na nababakas ko sa mukha ni Kat Kat.

"Thank you Honey" sabi ko dito at saka niyakap ito.

Despite what bad happen to my brother and sister in law,
I cannot hide how happy I am that this woman I hug dearly is with me and stay with me....

Should I feel ashamed of myself for having this happy feeling? Napapikit ako nang mariin sa mga naiisip ko at nahalikan ko na lamang ang buhok ni Kat Kat.

More and more I drown to her and everyday that I hold her,I can't contained myself,
I want to be with her,
I want to claim her, and forget everything and everyone.....

Is this the same feeling that Jonas felt for Macy that time when she is with me?
Want to belong to her and be with her?
And don't want to lose her or being taken by others....
Because if that is, then maybe just maybe.... napahigpit ang yakap ko kay Kat Kat.

I love this woman so much....

"Kenneth?" Nagtatanong ang boses nito na tinawag ang pangalan ko.
Sinamyo ko ang buhok nito at saka hinalikan ang noo nito.

"Thank you for being with me Kat Kat" bulong ko dito.

"You're welcome and I'm your wife I will stay by you through thick and thin because I love you so much" tugon ni Kat Kat.

Tila sumirko ang puso ko dahil sa mga sinabi nito.

"Thank you Honey" wika ko dito.
Napangiti ito at saka hinaplos ang mukha ko.

"You want to eat, nakaluto na ako" yaya nito sa akin na tinanguan ko at ilang saglit pa ay pumunta na kami sa kusina para kumain.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon