"Ta..." I was about to curse pero--

"MISTER AND MISS! COULD YOU JUST PLEASE GET OUT OF THE LIBRARY!"

And that's it. That's the finale. Umalingawngaw na ang boses ng librarian sa buong library. Gago kasi 'to si Railey e. Alam ng nasa library, kung anu-ano pang pagloloko ang ginagawa. Nakakainis. 'Wala na akong ibang matatambayan na tahimik. 

Isa-isa kong binitbit ang libro ko. I folded my laptop. I went out.  Dali-dali. Walang pause.

May pangisi-ngisi pang pagtingin sa akin si Railey habang tumatawang patago. Hawak niya ang writing book ng student ko habang sinusundan niya ako palabas.

Bitbit ko naman ang laptop ko. Pero habang pababa kami ng hagdan, kinuha niya lahat ng dala ko. Hinila niya rin ang kamay ko. Hinila niya rin ako pababa ng hadan at papalapit sa kanya. 

Paglabas ko ng sliding door ng library na ito, napansin kong nakasunod pa rin si Railey. Nasa likod ang mga kamay niya habang parang ibong sumisipol at sumusunod sa akin. 

Gustong-gusto ko na siyang itulak palabas. 

"Bec, dinner na tayo? It's getting late and dark. May pasok pa bukas. Please, 'wag mo kong piliting magpagabi dahil today, I will say no."

"Railey, ang dami mong sinabi. Please stop." Inirapan ko siya. Kaya lang, sa pag-irap kong 'yon, tsaka niya naman ako inakbayan. Itinulak ko siya palayo, sabay bigay sa kanya ng mga librong kanina ko pa bitbit. "Alam mo, buhatin mo na lang 'yan nang may magawa ka pa."


*** 


"Seriously, Rebecca? Are we going to eat in this caridenria?" tanong ni Railey. 

Nagpoproduce ng ingay ang mga nagsisikain sa loob ng tapsilog house na ito. Hindi ito bastang carinderia lamang. Ito ata ang best tapsilugang natikman ko sa buong buhay ko. Kahit maingay kumain ang mga customer, dito sulit naman ang pagkain. 

"Yes, I am serious. 'Wag kang mag-Ingles, Ingles rito at baka mapalabas ako ng mga tao." 

"Nang-ii-smart shame ka ba?" tanong niya sabay irap. Ay wow lang. 

"No, Railey. Gusto ko lang sabihing hindi sanay 'yung mga tao ritong makairinig ng ganyan mo."

"Fine," pagdadabog nito. 

Umorder na ako ng favorite kong tapsi, dalawa. Binilhan ko rin siya. Mabilis naman kumilos ang mga staff dito kaya hindi rin nagtagal ay inabot niya rin ang order ko. Napangiti lang siya nang makahulugan sa akin sabay turo sa kasama kong... 

"Ang pogi ng kasama mo, Girl, sino siya?" tanong ng staff sa counter. 

"Friend ko lang." 

"Friend lang? Ipakilala mo naman ako sa friend mo," sabi niya sabay tawa. Natigil lang siyang tumawa nang kumuha ako ng kutsara at tinidor at tumingin nang masama sa kanya. 

"Gusto mo pa bang makilala siya?" 

Umiling na si ate girl. Iniwasan niya na ako ng tingin at inabutan niya ako ng resibo.

Nakikita kong panay ang check niya sa phone niya. Parang ay iniiscroll. O baka naman may ka-text na naman na iba. Bakit hindi pa ba ako masanay?

Ibinaba ko ang tray sa mesa namin. Inilapag ko sa harap niya ang plato ng tapsi. Gayundin sa akin. Binigyan ko siya ng kutsara at tinidor. Parang maamo naman siyang tupa na naghihintay ng susunod kong gagawin. Palaging nagba-vibrate ang phone niya inilapag niya sa mesa. 

"Pakitabi nga 'yung phone mo. Baka mawala." 

"Don't worry, Bec, ikaw lang ka-text ko," sabi niya sabay wink. Ang landi.

"Soooo. Anong plano mo for the next days?" tanong ko sa kanya. "May limang araw ka pa para iparamdam sa akin kung bakit dapat kitang i-consider sa buhay ko. 

"Balak kong mag-sleep over sa inyo," sagot ni Railey. 

Baliw talaga. "Sleepover! Ang kapal! Bakit!" 

"Kaya nawawala 'yung sparks sa relationship ay dahil sa distance at time ng pagkakalayo." 

Matagal ulit siya bago nagsalita. Inisa-isa niyang himayin ang tapa sa plato niya. Wow. 

"Anong point natin?" tanong ko.

"What I mean, Bec, sa inyo ako matutulog dahil gusto kong mas maramdaman mo na I can go an extra mile para sabihing seryoso, at mas seryoso ako this time." 

"Feeling mo ba makukuha sa sleepover 'yan?" tanong ko ulit. Ang loko-loko talaga. 

"Yes, Bec, I guess makukuha sa sleepover ang lahat. In fact, nasa sasakyan ko na 'yung mga gamit ko for the next five days." Ngumiti siya nang makahulugan. Parang timang talaga. Nakakagigil. 

"Kainin mo na 'yang tapa." 

"Yes, at mamaya, isusunod kita." 



***

Author's Note:

Hello, friends. Miss you! Sana magtuloy-tuloy ang free time, holiday, at bakasyon para makapag-update tayo lagi hano? Please like our fb page: fb.com/lee.miyaki 


I appreciate comments and feedbacks. 

Please consider reading my other books, too. 

Thank you! 



Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now