33: What's Next?

13.8K 162 18
                                    

Dedication: This chapter is dedicated to @rosypink74. Salamat po sa comment mo dahil kahit wala ako sa mood magupdate, ay nakaisip ako ng update. Nakakapangiti talaga 'yung comment mo sa last chapter. Hindi ko po inexpect na may magkakagusto ng mga stories ko. Huhuhu. :') Thank you!

So there, sinipag na akong mag-update. Hopefully, maipost ko na rin 'yung new story ko. <3

33: What’s Next?

Railey’s POV

“Rayling, what’s up with you and Bec?”

“Nothing, Kuya. Totally nothing.

I’m staying in the faculty room while waiting for my next class. It’s just me and my kuya because the other teachers do have their classes. I’m totally fvcked up since that night that I saw Rebecca kissing Jael. Of all people on earth, why Jael? Mabuti na lang, last period ko na lang ang hinihintay ko.

Sinubukan kong basahin ang susunod kong topic, pero wala. Walang akong ma-absorb mula sa librong hawak ko. Argh.

“Railey. You look disturbed. What happened last weekend? Okay ka naman no’ng Christmas and New Year Celeb., ah.”

“Stressed lang siguro kuya. Malapit na kasi ang midterms. Wala pa akong exams,” excuse ko naman.

“Rayling my dear brother, you don’t have to keep secrets from me. Is that about Rebecca?”

“I saw him with Jael the other night. I was with Chloe naman. Nag-meet kaming apat. Tell me, isn’t it complicated?” hindi talaga ako makakapagtago ng sikreto sa kuya ko.

“Wala namang magiging komplikado kung noong una pa lang, nag-sorry ka na. Well, Railey,” huminto siya. Bihira niya lang ako tawagin sa totoong pangalan ko. At pag nangyari naman ‘yon, seryoso talaga siya. “I think you already left Rebecca for real. You stopped chasing him. Tama ba hula ko?”

At some point, tama si Kuya. Naging mas malabo pa sa pinakamalabong bagay ang sa amin ni Rebecca. Actually, kasalanan ni Rebecca ‘yon. Sinasadya niya na sigurong inisin ako gamit si Jael. She really knows how competitive I am. Ayokong ipinagpapalit ako basta-basta lalo pa sa lalaking tumalo sa akin sa contest. That is definitely a slap on my face.

“Hindi ka na naman sumagot, bro. What’s next? Iiwanan mo na lang ba si Rebecca katulad ng pag-iwan mo sa mga naging babae mo noon?”

“No bro.” I answered. “I have my own way of making her come back to me.”

***

 

Lumabas na rin ako ng faculty room after thirty minutes. Hindi naging maganda ang outcome ng pag-uusap naming ni Kuya. It’s okay, wala akong magagawa. Ako lang rin naman ang makapagbibigay ng solusyon sa problema ko. Anyway, ayoko munang isipin lahat. Problems are normal. Kailangan ko lang ng magandang solution someday.

“Sir! Happy new year pala. Musta po?” bati sa akin ng isa sa mga estudyante ko. Si Joe. Yeah, mukhang hanggang ngayon ay nanliligaw na siya kay Pamela na presidente ng English club.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon