35: Sort of...

13K 152 16
                                    

Announcement:

Available na po ang Sir, You're Hot nationwide since March 15! Mabibili niyo siya sa NBS, Powerbooks, Pandayan Bookshop for only 160php! Complete na pong book 1 'yan. :>

May kasalukuyan pong give away contest para sa gustong magkaroon ng Sir, You're Hot Book. Just search the page, "Sir, You're Hot" for more details. Chance niyo ng magkaroon ng signed copies ng book ng hottest teacher on Wattpad. So join na! :>

Rebecca’s POV

 

                Nang matapos ang meeting, tinawag ako ni Sir Jael. Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero alam kong nakita niya si Railey at Chloe na magkasama sa labas ng meeting place. The ambiance is so different. Ang hirap rin palang isipin na ‘yung taong palagi mong kasama noon, ay kasama na ng iba ngayon. Ang sakit. Sa lahat ba ng mga naging boyfriend ko, kailangan ba laging nasasaktan ako? Pero syempre. Knowing Rebecca, hindi maniniwala ang taong nasasaktan ako.

                “Come here. Stay beside me.” Ito lang ang bulong ni Sir Jael sa akin. Sa totoo lang, naa-appreciate ko rin ang sweetness niya. Kahit medyo naaasar ako sa kanya noon. Sana ganito lagi siya kabait.

                Napansin ko ring kahawak si Chloe sa wrist ni Railey habang nag-uusap sila. Nagtatawanan. Nagngingitian. Nag-uusap na akala mo maglalayo pa sila, eh sobrang lapit na nga nila sa isa’t isa. Kailangan bang ganito?

                Pero mas nagulat ako ng hawakan ako ni Jael sa kamay. Take note, hinawakan niya ang palad ko. “Don’t envy them. Let’s just be naughty together,” ngumisi siya sa akin. Iba ang ngiti niya kay Railey. Siya ‘yung may ngiting mapang-asar pero nakaka-excite.

                Hinila niya ako papalapit sa kanya. At agad kaming dumaan sa lugar na kung saan rin nag-uusap sina Railey at Chloe. Sa totoo lang, sinadya ko talagang masanggi ng slight si Chloe. Napa-HUH with a smile na lang si Jael. Damn smile. Curse all the men who do that kind of smile.

                “That’s Rebecca. You’re not the type of person who hurts herself a lot. ‘Wag kang magselos sa kanila. Hayaan mong bumalik sa’yo si Railey.” Ang dami niyang sinasabi, kahit pabalik lang naman kami sa opisina ni Dean. Palibhasa, wala siyang love life kaya kung makapagsalita siya, gano’n na lang.

                Agad niya namang binitawan ang kamay ko bago pa kami pumasok sa office. Ako lang siguro ang babae sa college na gagawa ng ganitong klaseng record. Record na ang bibilangin ay lahat ng kapasawayan. Tss. Jael is a different kind of guy talaga.

                “Alam mo, nung nakita kita kanina, you seem dumb,” he said while seating on the couch. Upuan ‘yon para sa mga naghihintay ng something from Dean.

                “Maybe you mean, numb,” I replied. Inaayos ko na lahat ng naisulat ko from the meeting kanina. Never kong inisip na gagawin ko ‘to. Argh. Life.

                “You have a good vocabulary,” he said.

                “You have a good sense of humor naman pala,” I laughed.

                “So… Natatawa ka na sa akin?” he asked. He’s still smiling. Hindi niya inaalis ‘yung mga mata niya sa akin. Matang parang gustung-gusto akong angkinin.

                “Of course not,” pagtatanggi ko, pero sa totoo lang, natatawa na naiinis ako sa kanya. First impression doesn’t last talaga. Sort of.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon