4: New Chapter

23.1K 302 24
                                    

Pagkatanggap ko ng text ni Rye, nagmamadali akong nag-ayos ng sarili upang pumunta  ng N604.

Pumasok ako ng comfort room upang magretouch. Nakikita ko pa rin ang sarili ko sa harapan ng salamin. I am wearing a long dress. Sleeveless siya. Naka-heels rin ako. Normal na araw para sakin, kahit halos lahat ng nakakasalubong ko, tinitignan ako , simula pataas hanggang baba.

Nagmamadali akong pumunta sa may elevator upang mpabilis ang pag-akyat ko. Kaya lang, almost 10 minutes na, wala pa rin eh.

Hindi pa rin ako makasakay.

It’s either, puno ‘yung elevator, o ayaw lang talaga nila akong pasingitin.

Kaya naman, nagdesisyon akong gamitin ang hagdan.

Sa taas ng heels ko at sa haba ng dress, hindi ko lubos maisip na aakyat ako ng ganito kataas. Shocks. I’m not prepared.

Medyo na-stretch na masyado ang muscles sa binti ko. Hingal na hingal rin akong tumatakbo. At nang makarating ako sa sixth floor, sa room na sinabi niya…

Nagulat na naman ako, dahil lumabas mula roon si Ma’am Chloe.

Imbes na dumiretso ako sa room, I decided na hindi na lang pumasok roon.

I hate you Railey. I really really hate you.

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay 'yung sama ng loob ko ngayon. Parang unti-unting nawawalan ng pag-asa 'tong ugat sa puso ko na magkakabalikan pa kami.

Mabagal akong naglalakad. Kabaliktaran mula sa excitement ko kanina.

Ang sakit palang umibig. Sh*t, hindi bagay sakin mag-emote. Ang ganda ko pa naman ngayon.

Kaya lang, masakit talaga. Hindi ko na madescribe. 

***

Pagkatapos ko pumunta sa sixth floor, dumaan sa classroom nila Roxanne. Gusto ko munang maglabas ng sama ng loob dahil na naman sa nakita ko.

Nang makarating ako sa classroom nila, nakita kong may isang estudyante na nagrereport sa harapan. Hinanap ko kung nasaan ang professor nila, kaya lang hindi ko rin makita. Dahil lahat ng estudyante sa loob eh naka-civillian, walang nag-stand out na teacher among them.

Baka absent ‘yung prof. Tapos, nagpareport lang. Sa isip-isip ko.

Dumungaw ako sa may bintana nila at sinitsitan si Roxanne.

“Pssst! Roxanne!”

Nakita ko siyang lumingon, kaya lang, nagkunot ang noo niya pagkakita sa akin.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon