8: Milk Tea

20.8K 256 18
                                    

Author's Note: Hi po! Invited po kayong lahat na sumali sa group namin sa Facebook. I know, medyo corny pero wala eh. Gumawa talaga ako. Hihi. Click the external click para makasali o kaya heto https://www.facebook.com/groups/174218409431219/. <33 Enjoy this chapter! 

***

Roxanne’s POV

Palubog na ang araw nang matapos ‘yung klase namin. Eh. Sobrang stressful dahil ang dami na agad naming requirements na kailangang tapusin kahit kakasimula pa lang ng semester. Naaawa nga lang ako kay Rebecca kasi sobrang pinaghirapan niya last sem para makagraduate last October, kaya lang wala pa rin.

Inayos ko muna ‘yung tatlong notebook ko na nakapatong sa desk ko. Isang planner, isang notebook para sa lahat ng subjects, at isang journal para sa pang-araw-araw na activities ko. Inilagay ko na silang lahat sa bagpack ko kasama ang gel pen ko at ang pang-highlight ko.

Syempre, dumaan na rin ako sa powder room para naman makapag-ayos. Uuwi ba akong haggard tingnan? Anyway, after that bumili muna ako ng milk tea sa may canteen. Oo, after a stressful day, hindi masamang magkaroon ng small refreshments.

Nasa tapat na ako ng tindera ng milk tea nang makita ko si Sir Jael.  Nakaupo siya sa table na nasa loob pa ng “teacher’s lounge” area ng canteen. Puro teachers ang nando’n. May kasama rin siyang teachers. Hindi ko kilala. Shocks. Nakakakilig. Parang gusto ko munang tumambay sa loob ng canteen. :) Kaso, teachers' lounge nga eh. Bawal.

Naupo ako sa bandang makikita ko siya. Nakasuot siya ng stripes na longsleeves ngayon. White and blue na maninipis na stripes to be exact. Brown ‘yung pants at shoes niya. Naka-tuck in pati ‘yung pantaas niya. Ang pormal niya tingnan. Tapos, ‘yung gupit pa ng buhok niya, ang linis tingnan.

Hindi naman sa tumutulad ako kay Bek, pero nagagwapuhan talaga ako sa professor na ‘to. As in, his hotness is killing me now. Tatambay talaga ako sa canteen dahil alam kong daig ko pa ang nanuod ng movie maghapon sa tuwing titignan ko si Sir. Sobrang kilig 'to. Daig pa ang kilig ko kay John Lloyd at Bea.

“Miss, iinumin mo ba yang milk tea mo o hindi?”

“Ay sorry po manang,” sagot ko sa isang matandang waitress na sumita sa akin.

Lutang na naman pala ako at hindi ko napapansing ilang minuto na ang nagdaan mula ng makita ko si Sir Jael. Siguro, early dinner na kinakain nila ngayon. Kasi naman, rice meal na ang kinakain nila.

Mula sa upuan ko, nakikita kong Adobo ang ulam ni Sir. Kaya lang, ang konti ng kanin niya. Sir, nag-dadiet ka po ba? Sana kasi… ‘wag kang mag-diet, gwapo pa rin po kayo kahit mataba. Ang pink po kasi ng balat niyo at ang sarap kurutin. Sobrang, sir. Bakit. Bakit kayo ganyan. Shocks.

Nakailang  titig muna ako kay Sir bago ko marealize na hindi ko pa pala binubuksan ‘yung binili kong milk tea. Anyway, binuksan ko na rin siya agad. Nakatingin pa rin ako kay Sir. Sobrang, hello. Ang cute po niya tignan. Hindi nakakasawa. Kaya kong gumawa ng imaginative na paraiso makasama lang siya. Sir, sobrang please. Wala na akong masabi. Na-captivate niyo na po ang puso ko. Sana kasi Friday na agad para may klase na ulit kami sa inyo.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon