23: Two Sides of Story

16.4K 185 32
                                    

A/N: Sorry for the delay of this chapter. Hehehe. Natulala lang ako ng lagpas isang linggo sa nabasa ko. Sorry, ang OA ko kasi magreact. Hehehe. Hehehe. :)

This chapter is dedicated to the girl who never gets tired of reading this story. Tadaaan! Ikaw na, DM. :)

Chapter 23: Two Sides of Story

Rebecca’s POV

Nandito ako sa tapat ng school gate. Iniisip ko pa kung papasok ako o hindi. Nawiweirduhan na ako sa sarili ko dahil since nang nagpunta ko sa bahay ni Railey. Napapamura na lang talaga ako habang naiisip kong pinagpalit niya lang ako sa phone call niya kagabi. Nakakabastos ‘di ba?

“Miss. Excuse me nga.”

“Ano ba ‘yan late na ko.”

“Paraan.”

Halos naitulak na ako ng tatlong matatandang professor na nasa likuran ko. Ay. Nasa gate nga kasi ako kaya halos itulak na ako ng mga pumapasok. Nadala naman ako ng tatlong professors na iyon hanggang sa natangay na nila ako papasok ng school. Sign na kailangan ko na ngang pumasok. Isang oras ang iniaga ng punta ko sa school para lang hindi ako ma-late sa pinakafavorite at nag-iisang subject ko. Hmp.

“Alam niyo na ba?”

“Ang alin Ma’am?”

“Si Sir Rye at Ma’am Chloe na talaga.”

“Paano nangyari?”

“No’ng Teambuilding raw ata sila na-develop.”

“Grabe naman, pati pagkadevelop, alam mo.”

“Papaano, sobrang close kaya nila sa isa’t isa.”

“’Yung tipong hindi mapaghiwalay?”

“Correct Ma’am.”

Napahinto ako sa narinig ko. Nauna nang maglakad ‘yung tatlong teacher sa likod ko. Napatigil talaga ako. ‘Yung puso ko, parang nawala. Kaya lang ako si Rebecca eh. Hindi ako dapat umaasta na parang nasasaktan. Hindi ako pwedeng umastang parang nakakaramdam. Tang*na. Lalaki lang ‘yun eh? Bakit ko pag-aaksayahan ng luha? Kinaya ko namang mabuhay nang mag-isa noon, bakit hindi ko ulitin ngayon?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Dumiretso ako sa canteen. Humanap ako ng isang bakanteng upuan upang magpalipas ng oras habang hinihintay si Roxanne na puntahan ako. Wala naman akong ibang kakilala rito bukod sa kanya. Sa tagal ko ring naghintay, tumayo muna ako at bumili ng isang malamig na Iced Tea na kahit kailan ay hindi pumapalyang magpakalma sa akin.

“Ate Bec!” tawag ata sa akin ng babaeng nasa likuran kong nakapila. Dala niya rin ang pagkain niyang obvious naman na isang meal na puro gulay. Ah, si Denise pala ‘to.

“Uy. Ikaw pala. Libre na kita,” random kong sinabi. Nawiweirduhan ako sa sarili ko. Anong cause nito?

“Hindi ate, okay na. Ako na lang magbabayad. Nga po pala, pinapatawag ka nga ni Ms. Soriano sa Registrar’s Office. After lunch ka raw pumunta sa office niya,” sabi niya sa akin habang hawak niya pa rin ‘yung tray na pinaglalagyan ng order niya.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon