31: Hot Kiss

16.5K 199 14
                                    

Recap:

 “Do. What. You. Want.” –Railey Medrana, (2013)

Chapter 31:

Rebecca’s POV

Lumipas na ang Pasko at New Year Celebration, at hindi man lang nagparamdam si Railey. I don’t know dahil hindi ko na naman siya kinulit after nang pagkikita naming sa office ni Dean. ‘Yon na ang huling pagkakataon na nakita ko siya. Ramdam kong galit siya, okay. Pero wala na kong magagawa r’on.

I’m tired. Nagsasawa na ko sa paulit-ulit na tampuhan, gulo, at napakaraming riot nang maging kami.

That was because of Jael. Pinagselos niya ng ultimate  si Railey. Hindi ko naman aakalaing seseryosohin niya lahat ng sasabihin ko—katulad na lang ng nangyari sa office ni Dean.

Flashback

“Do. What. You. Want.” Ito lang ang tanging isinagot sa akin ni Railey nang matapos ko siyang tanggihan sa kanyang alok. Slight naman akong nakunsensya pero kinaya ko pa rin. Pinanindigan kong sumabay kumain ng lunch ni Jael.

“You know what, Bec. Your boyfriend is really jealous. Akala niya naman papatol ako sa flat-chested.” Ito naman ang sabi niya nang lumabas kami sa loob ng office. Ramdam kong daig pa ng Habagat ang dalang hangin ng taong ito. Pasalamat siya at wala akong ibang choice.

“Tangna. Ako ba sinasabihan mong flat-chested?” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I never thought… Grr.

“Did I drop your name? Haha,” sagot niya sa akin. Sa totoo lang, hindi naman kami sabay nag-lunch no’n. Sinabi ko lang ‘yon sa harapan ni Railey para lumayo na siya sa akin. Dun na siya sa taong mas pinagkakaabalahan niya ‘di ba? Suffering is a choice. Thus, I choose not to suffer.

Tunay na buhay na.

Naglalakad ako pauwi. Alas onse na nang matapos ko lahat ng pinapalakad ni Dean sa akin. Friday night. Officially, hindi na ako estudyante. Isa na akong staff ng office ni Dean. Somehow, exciting as long as hindi ko nakikita si Railey.

Madilim na halos ang buong campus. Street lights na lang sa loo bang guide ko papalabas. Mangilan-ngilang tao na lang ang umuuwi ng ganitong oras. Guard at ilang empleyado na lang ang nasa loob para sa kani-kanilang gawain. Luckily, mababait naman sila at hindi na nagtanong kung bakit ako nagtagal sa school.

Papalabas na ako ng gate nang may nasalubong akong isang lalaking nakasakay sa isang single na motor. Mataas ang motor na ito kumpara sa normal lang na motor na nakikita ko. At isa pa, may suot siyang helmet. Nang makita niya ako, tinanggal niya ito at kumaway sa akin.

“Rebecca! Over here,” ngumiti siya sa akin.

“Jael?” nagtataka akong sumagot sa tawag niya. Anong kailangan ng taong ito sa akin.

Bumaba siya sa motor at inabutan pa ako ng isang helmet na kulay pula naman. “Wear this,” utos niya sa akin. Kinuha niya ang bag ko at hinayaan akong isuot ang helmet na iyon. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya. Wala akong kawala. Gusto ko ring magliwaliw.

“Where are we heading?” I asked.

Nagbanggit siya ng pangalan ng isang bar na palagi kong pinupuntahan noon. “Have you been there?”

“Yes. Million times, I think?” I answered.

Pinatakbo niya na ang sasakyan. Humawak naman ako sa bewang niya. Medyo stiff ang pagkakahawak ko sa kanya dahil hindi ko pa siya masyadong kabisado mag-drive. This is the first time na sasasama ako sa trip niya. Trip papunta sa dating bar na pinagtatrabahuan ng ex kong si Stanley.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon