22: Past

16.9K 198 33
                                    

PANSININ NIYO NAMAN ANG AUTHOR'S NOTE KO! PLEASE!

May Facebook Accounts na sila Railey Medrana, Rebecca Canlas, at Roxanne de Asis. All you have to do is to search them on Facebook! Syempre 'wag niyo kong kalimutang i-add. Search Lee Miyaki

This chapter is dedicated to fallinginlove na grabe lang magpost sa MB ko para sa request. Sana maenjoy mo ang chapter na 'to.

PS. Sa lahat ng gustong magpadedicate, tweet me @imtheweirdapple. Explain why. Use #SirYoureHot r #SirYoureMine 

Sir Railey's twitter account is "sir_railey" PLEASE DO FOLLOW HIM. <3 

Munting request lang 'to ng isang munting author na tulad ko, pagbigyan niyo na. <3 <3 <3

Rebecca’s POV

“Sinong tumatawag?” tanong ko kay Railey. Bakit naman magmamadali siyang sagutin ‘yung cellphone niya kung alam niyang kasama niya ako?

“W-Wala,” sagot niya.

Tinignan ko siya simula ng iwanan niya ako sa sofa at nagmamadaling kunin ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Lumayo siya sa akin. Nakatalikod siya habang tinitignan niya ang cellphone niya. Actually, naiinis akong may mas mahalaga pa kesa sa akin sa mga oras na ito.

Kasasabi niya lang ng sorry, patawad, at kasalanan ko pero hayun siya at may inaasikaso ng iba. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa bawat pagkikita naming wala namang kalinawan. Napapagod na ko kakaisip kung papaano ba naming malulusutan ‘tong gulo ng relasyon naming. Napapagod na ako kakaisip sa kanya. Damn love. It keeps me blind.

“Kung patuloy mo kong babaliwalain, aalis na ko,” at hinawakan ko na ang bag ko.

Dumiretso na ako papalabas ng bahay nila. Hinawakan ko na ang door knob pero hindi pa rin ako nilalapitan at pinipigilan ni Rye. Busy pa rin siya sa pagtatype sa cellphone niya. Iritang-irita na ko!

“Bec. Please. Sandali lang. I just read the message. Wala na ngayon. Okay na,” at tumingin siya ng isang nakakaawang tingin sa akin. Pero hindi na ako magpapatinag. Bahala na siya simula ngayon.

“Mister Railey Medrana. Sawang-sawa na ko sa puro pag-sosorry mo. Tinanong ko kung sinong tumawag, hindi ka sumagot. Aalis ako, ang tagal mo mag-react. Ano ba talaga ako sa’yo?”

“Rebecca. Please. Stay. Hindi ko naman intensyong saktan ka. It’s just a text na hindi pwedeng sabihin sa iba,” sagot niya. Ngayon niya pa lang hinawakan ang kamay ko. Pilit niya akong pinapabalik sa kanya.

Nagpumiglas ako, “Ayoko na Rye. Salamat na lang sa KONTING effort na ipinakita mo. Mahal kita, kaya lang sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, inabuso mo na ako. Sorry, pero aalis na lang ako.”

Tuluyan na akong lumabas mula sa bahay nila. Nagkasalubong kami ng Kuya Rain niya. Tinawag niya ako pero dire-diretso na akong umalis sa lugar nila. Tang*na. Hindi ko na talaga babalikan ang lugar na ‘to.. Hindi ko na kaya ‘to. Nakakainis na nakakagigil. Ano bang kasalanan ko para gawin niya sakin ‘o.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon