39: Reconciliation

11K 231 12
                                    

Babala: Ang susunod na palabas este update, ay rated SPG. Parang awa niyo na. 'Wag gayahin.

Chapter 39: Reconciliation

 

Railey’s POV

 

“Pwede bang dito na lang tay mag-usap?”

“Sure, Rebecca.”

                Naupo kami sa isang napakalawak ng green field. Nasa loob ito ng subdivision namin. Playground ng mga bata sa umaga, picnic area sa hapon, at tambayan naman sa gabi. Open to all ang lugar na ito. May green grass na kung saan malaya kang humiga at tumingin lang sa itaas. Tumingin sa langit at maghanap ng bituin.

                It’s almost three am in the morning. Kami na lang halos ang tao bukod sa security guard na nagbabantay malapit sa lugar na ito. Wala na ring nagbalak tumambay, umaga na kasi. Mas mabuti na nga na ganito dahil pagkakamalan nila kaming sira dahil we’re still wearing our formal dress.

                “Sige. Aminin mo na lahat ng kailangan mong aminin simula sa simula. Makikinig ako,” may kaunting pagtataray na sinabi niya sa akin. Humiga lang ako sa tabi niya habang siya naman ay nakaupo at yakap ang tuhod niya. Wala siyang pakialam kung naka-dress siya at ganoon na lang siya umupo. Well, she’s indeed my Rebecca.

                “First things first,” sabi ko habang ginamit ko ang mga braso ko upang makahiga. “I love you. This maybe corny but I’m true. I am deeply in love with you. Tested and proven ‘yan,” I said.

                “Oh. How come na lagi kayong magkasama ni Chloe?” mabilis na sagot niya.

                “This may sound odd, pero dahil pinagseselos kita.” I noticed that she blushed. “Do we have the same reason kung bakit kayo palaging magkasama ni Sir Jael? Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya.”

                “Yeah. Yes. We’re trying our best para pagselosin ka. Para pala tayong tanga,” at napansin kong natawa siya nang bahagya. Isa-isa na ngang nagkakaroon ng linaw sa amin ang lahat.

                “Ano bang tawag sa pag-uusap natin na ‘to?” tanong ulit ni Rebecca.

                “Reconciliation,” sagot ko naman. I think this one’s the best term to use for this kind of conversation. “Lika, higa ka sa tabi ko.” Ito naman ang yaya ko sa kanya.

                Agad naman siyang sumunod at humiga sa tabi ko. “Ang kati pala sa likod ng damo no?” iritableng sabi niya.

                Agad naman akong tumayo sandali at hinubad ang coat ko. Ibinigay ko iyon sa kanya para mahigaan niya. Well. we have to deal with the itchy grass para lang mapanindigan ang sweet moments under the stars.

                “Nakakamiss pala ‘yung ganito. ‘Yung tipong kahit isang gabi, hindi gag* yung boyfriend mo.”

                “Are you being sarcastic?”

                “No, Railey. I’m just being realistic here. Ikaw na walang malay kung gaano ako nagdurusa araw-araw. Palibahasa, lalaki, gwapo, madaming maghahabol kung sakaling iwan ko.”

                “Inamin mo na ding nagugwapuan ka sa akin? Inaamin mo na ring tayo pa? At inaamin mo na rin bang hindi mo ako iiwan?” tanong ko sa kanya na hindi naman niya sinagot.

                Humarap siya sa akin at ngumisi. “Alam mo, para talaga tayong tanga. Nakakailang buwan na ang lumipas pero pareho pa rin nating pinahihirapan ang sarili natin. Mental torture ba ito?” tanong ulit niya.

                “I really miss you, Rebecca. ‘Yang kadaldalan mo, ‘yang sarcasm mo, at pati na ‘yang metaphors na ginagamit mo.” Huminga ako sandal at humarap sa kanya. “Sana ganito na lang tayo palagi. I promise, I will be honest to you. Sasabihin ko na ang lahat ng totoo sa iyon. I’ll be the perfect boyfriend although I’m imperfect. I’ll still try to be one. I love you,” at hinalikan ko siya sa noo.

                Napausog ako nang maramdaman kong umupo ulit siya.

                “Ikaw, Railey Medrana. Maipapangako mo bang magsasabi ka na ng totoo sa akin?”

                “Oo. Bec. I promise,” at umupo rin ako sa tabi niya pagkatapos kong sabihin ito.

                Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan kaya patuloy akong nadala sa ginagawa niya sa akin. She’s driving me crazy.

 

Rebecca’s POV

 

Hinawakan ako ni Railey sa bewang habang patuloy ang pagkilos ng kanyang labi sa labi ko. Halos hindi na kami huminto dahil sa sensation na nararamdaman naming sa isa’t isa. I’m about to hold his face kaya lang napapikit ako sa liwanag na nagmula sa flashlight ng security guard.

                “Sir, Ma’am. Excuse me lang,” sabi nito sa amin.

                Pareho kaming nag-sorry. Paasaar kong pinunasan ang labi ko at sabay tumingin sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay na bumulong sa akin, “Naughty.”

                Nagmamadali kaming naglakad papunta sa bahay nila. Hoping na wala doon si Sir Rain dahil oh my fug. Hindi ko na alam kung papaano pa ako mag-rereact sa pwedeng mangyaring kahihiyan.

                Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng kwarto niya ay agad niya akong iniupo sa kama niya. There, nakalimutan ko na ng tuluyan kung sino ako. Halos kalimutan ko na rin ang lahat. Sht.

                Agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko habang patuloy niya akong hinahalikan. Nararamdaman kong sa bawat segundong lumilipas, mas umiinit at bumibilis ang halik niya. Gamit ang dalawang kamay niya, hinila niya na pababa ang suot ko. Mas lalo niya pa akong idinikit sa sarili niya.

                “Sht ka. You’re still as hot as ever,” bulong ko. Ngumiti lang siya, habang napansin kong nagmamadali rin siya sa paghubad ng pantaas niya.

                “Now, let’s see, kung hanggang saan ka pa tatagal,” bulong niya sa akin.

                Tuluyan niya na akong inihiga sa kama. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Mas mabilis na rin ang halik niya. Bumabababa ang kanyang mga labi patungo sa leeg ko. At higit pa dito, nararamdaman kong magkadikit na ang mga dibdib namin. Bahagya kong naramdaman ang kamay niya patungo sa aking mga dibdib. Hindi naman ako makakilos dahil deep inside, alam kong nasasarapan din ako. Nakakainis. Sa lahat ng lalaki na naging parte ng buhay ko, siya lang ang nakakagawa sa akin ng ganito.

                “Just promise me, you’ll be honest, okay?” random na tanong ko sa kanya.

                “Uh-hmm.” Ito lang ang narinig ko sa kanya. Ang tanging sagot niya na pakiramdam ko ay napilitan siya. Pero baka guni-guni ko lang.

 **** 

Note: If this chapter reaches 70 votes before midnight, I'll post chapter 40! Woooh! 

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon