35

592 23 1
                                    

“I'm sorry..”

Kumunot ang noo kong napatingin kay Ethon, “Bakit ka nagso-sorry?” tanong ko.

Ethon touched his nape and sighed, “I didn't keep my promise to contact you last weekend,” sagot nito.

Medyo nagulat ako dun dahil hindi ko inaasahan na ioopen niya yung topic about it. And honestly, nawala na yun sa isip ko because of these past few days he's with me.

Smiling, I looked away as I say, “Hindi ka naman obligadong tawagan ako. I turned off my phone the whole weekend anyway. Kaya wala ka dapat i-apologize,” I chuckled.

“You mean.. You didn't wait for my calls?” mabilis na respond niya.

I turned to him and saw him scowling at me. Para siyang hindi makapaniwala na hindi ko hinintay yung tawag niya. Shrugging, I gave him a mischievous grin, “I grew up not expecting anything from anyone, Ethon,” paliwanag ko.

Dahan-dahan siyang umiling saka natawa nang bahagya. He stared at me with amused expression at parang gusto kong pisilin ang sarili ko para masigurong hindi ako nananaginip lang. Ang sarap isama sa isa sa mga achievements ko na
Napangiti ko si Ethon Esguera.

“You never fail to surprise me,” he stated.

Instantly, my eyes sparkled as I shifted my gaze on the road as we travel our way home, “My pleasure na nagugulat kita. It only means na hindi ako young tipo ng babaeng ini-expect mo,” I chuckled.

He didn't respond at that, pero kita ko sa peripheral vision ko na nakangiti pa rin siya kaya solve na ako kahit bigyan niya ulit ako ng silent treatment. Tahimik kaming nakarating sa tapat ng bahay ko. Kaya buong akala ko, wala na siyang sasabihin pa. Pero sabi nga nila, expect the unexpected kaya naman laking gulat ko nang bumaba rin siya ng sasakyan at hinila ako pupunta sa lugawan ni Nanay Milly.

“I'm really giving this a chance, this time,” sabi nito nang nagtataka ko siyang tinignan.

Automatically, my lips curved a lopsidedly as we find a vacant table. Gusto ko sanang itanong kung anong kinakain niya this week dahil ginugulat niya ko sa mga kinikilos niya this past three days. Aside kasi sa pagkausap niya na palagi sakin, tatlong araw na rin niya akong sinusundo at hinahatid mula bahay hanggang school and vise versa. But I'm not complaining. Isa akong malaking sinungaling kung sasabihin ko hindi ko gusto ang nangyayari dahil pabor na pabor sakin lahat.

“Hindi ko alam kung anong oorderin..” kunot-noong sabi niya, “Help me?”

Mabilis na sa alas kwatro akong tumango habang tumatayo at hinila siya pupunta sa counter.

I told him what I usually orders at hindi ko mapigilang mapatawa habang pinapanood siya, dahil never kong na-imagine na mawiwitness ko yung awkward side niya.

We are now sitting across each other with our lugaw nang bigla siyang magtanong. “Ganyan ba talaga mga tao dito?”

“Anong ganyan?” ganting tanong ko.

He looked around before he settled his eyes on me, “They're staring at us. Kilala mo ba sila?”

Mabilis akong umiling dahil hindi lang naman mga taga rito samin ang mga kumakain dito sa lugawan. Karamihan sa kanila mga dayo na.

“Yung iba lang. Bakit? Hindi ka pa rin ba sanay na pinagtitinginan ka?”

“I don't like attention,” he curtly replied.

Napangiti ako, “With your looks.. You cannot avoid getting attention,” sabi ko.

He scowled at me as if I said something wrong. Kaya nagkibit-balikat na lang ako at sinenyasan siyang kumain na. Shaking his head, he complied and ate the food as if he's been eating that everyday. Medyo nagulat pa ako dun pero hindi na lang ako nagcomment dahil baka mailang siya at tahimik na lang din akong kumain.

“Palagi ba kayo dito?” biglang tanong ni Ethon sa kalagitnaan ng pagkain namin.

I just nodded my head as a response since my mouth was full. And suddenly, he chuckled kaya salubong na kilay ko siyang tiningnan.

Ang laki ng ngiti niya na feeling ko, nasa isang commercial kami ng toothpaste at inaakit niya kong bumili ng produkto. Hindi ko tuloy maiwasang magpakurap-kurap dahil para akong nasisilaw.

“Para ka palang bata kumain,” he said as he extended his hand and wiped the side of my lips.

“Thanks,” nasabi ko na lang.

I heard him chuckled, pero hindi na ko tumingin dahil feeling ko namumula yung mukha ko. Nakakaconscious pala talaga kapag nasa harap ka ng taong gustong-gusto mo. Kahit hindi ako mahiyain, para akong biglang nahiya sa kanya. Ganito siguro talaga ang epekto kapag nagbubunga na yung pinaghirapan.

“You're cute,” biglang komento nito pagkaraan nang sandaling katahimikan.

Dahan-dahan kong inangat yung tingin ko sa kanya hanggang sa magtama na namam yung mga mata namin. I saw the amusement in his eyes na never kong naimagine na makikita ko. Kaya sino ako para magreklamo? Kaya ang ending, I become speechless habang nakatitig sa kanya.

Again, he chuckled which snapped me back from my reverie. Kinagat ko young ibabang labi ko saka nahihiyang kumalas ng tingin at bumaling ulit sa pagkain.

Nakakahiya!

For the first time in my life, I feel so embarrassed dahil sa pagkatulala ko sa kanya! Ganito pala yung feeling. Now I'm thankful na may pagkamakapal ang mukha ko kung hindi, baka hindi ako makasurvive ngayon. I know this is just a pace. Naninibago lang siguro ako sa kilos ni Ethon and eventually, masasanay din ako. Sana..

xxx

A week had passed and Ethon became more attentive to me. Napansin na din yun ni Troy, pero wala naman siyang comment bukod sa pagiging vocal niya about how he misses having me on his backseat or passenger's seat. Sa buong linggo kasi, hindi pumalya si Ethon sa pagsundo at hatid sakin. Yun nga lang, hindi na naulit yung pagkain namin sa labas. And I don't consider it as a date.

“Tahimik mo?” tanong ni Ethon habang nagdadrive.

Mabilis akong ngumiti at umiling. Napagtanto ko tuloy bigla na to too yung sabi-sabing 'love changes people' dahil feeling ko nag-iiba na ko. Kasi, kung ako talaga to, I will immediately say kung anong iniisip ko. Isa pa, nagiging mahiyain na ko!

“Leila..”

I shook my head once again, “Wala, I'm just sleepy,” sagot ko dahil partly, totoo naman yun.

“Sorry..” he quickly replied, “Napuyat kita. Hayaan mo, hindi na mauulit”

“What?” 

Ethon laughed as if I said something really funny. Hindi ko siya masisisi dahil parang gulat na gulat ako sa huling sinabi niya.

Shyly, I chuckled with him, “Okay lang. Sanay na naman akong mapuyat,” nasabi ko na lang.

“Really? So.. Pwede ulit akong tumawag mamaya?”

“Kung may sasabihin ka, why not?” I shrugged.

I glanced at him when I didn't any response. Binalewala ko na lang dahil mas sanay pa rin akong tahimik siya at nangdededma. Pero hindi naman yun nagtagal dahil nagsalita din siya after a few moment of silence.

“What if I just want to hear your voice, can I still call you?” he said it without looking at me.

If I'm Not In LoveWhere stories live. Discover now