25

972 36 8
                                    

Hindi ako nakasagot at napatingin lang ulit sa kamay naming magka-intertwined. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko, which is hindi ko maintindihan kung bakit dahil hindi naman siya si Ethon. Buong akala ko, si Ethon lang ang kayang magpabilis ng tibok ng puso ko dahil may gusto ako sa kanya.

I felt a squeezed in my hand then Troy let go of it afterwards. Bigla akong nanghinayang. Now, I feel so empty. Ganito pala ang feeling ng may kaholding hands tapos bigla ka na lang bibitawan. Parang may bigla nawala sayo.

"Hindi tayo pwedeng magholding hands sa loob ng classroom," bulong ni Troy sabay tawa.

Bigla akong napatingin sa kanya saka siya hinampas sa braso. Nasa mood na siyang mang-asar ngayon? Para talaga siyang babae. Magulo. Napailing na lang ako.

"Leila! Troy! Uy nakita namin yon! Ano? Kayo na?" salubong samin ng classmates namin.

Umiling ako saka tumawa. Grabe sila, hanggang ngayon pala may malisya pa rin sila samin. Bigla akong inakbayan ni Troy na tumatawa rin saka ako hinila papunta sa  upuan namin.

"Sagutin mo na daw ako," sabi niya pagkaupo namin habang tatawa tawa pa rin. "I didn't know, I'm courting you, Lala"

Natawa na lang din ako saka napailing. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dumi ng isip nang ibang tao. Porke't palaging magkasama ang isang babae at lalaki, nagliligawan o magnobyo na. Alam naman namin ni Troy ang limits namin sa isa't isa and we respect that. Atsaka, si Ethon ang gusto ko ngayon. Kahit hindi ako sigurado kung hanggang kelan ko siya gusto dahil wala namang kasiguraduhan sa mundo, but the thing is, I like him now. Present tense.

May humila ng mahina sa buhok ko. "Lala"

Lumingon ako kay Troy na napangalumbaba sa desk ko habang nakatingin sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kamusta na kayo ni Ethon? May progress na ba?"

Agad akong napangiti sa tanong niya. Kung progress ang pag-uusapan, meron na. Parang traffic sa Edsa, mabagal pero atleast umuusad.

"Kinakausap na niya ko," ngiting ngiti na sagot ko.

Umangat ang kilay ni Troy saka ngumisi. "Is that so?"

I nodded saka pareho na kaming umayos ng upo nang pumasok na yung professor namin.

May biglang umakbay sakin pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom pero agad din namang naalis ito.

"Tss. Why are you here?" narinig kong tanong ni Troy kay Nico na nasa tabi ko na.

Ngumisi si Nico saka binalik na naman yung kamay niya sa balikat ko. "Sasabay maglunch, ano pa ba?" sagot nito.

I saw Troy shook his head pero hindi na umimik. Nico chuckled then wrapped his arm around my neck para ilapit ang tenga ko sa bibig niya. "Nasa likod si Ethon," bulong nito.

Mabilis akong lumingon sa likod and confirmed that Nico's not lying. I smiled instantly nang magtama ang mga mata namin. Pero hindi siya ngumiti pabalik. Seryoso lang siyang nakatingin sakin at hindi rin naman nagtagal ang titigan namin, dahil mabilis siyang nag-iwas pagkatapos ng two to three seconds. Typical Ethon Esguera, pero sabi ko nga, may progress dahil naging three seconds na yung tinatagal nang titig niya. My smile gets wider at the thought.

"Sasabay din siya, okay lang ba?"

Binalik ko ang tingin kay Nico saka tumango. "Alam mong hindi mo na kailangan tanungin yan, because obviously, 'yes' will always be my answer for Ethon"

Nico laughed that caught Troy's attention. He nudged me and asked me what's Nico's problem. Sinabi ko sa kanya yung sinabi ko kay Nico. Umiling lang siya saka tipid na ngumiti at binalik na yung tingin sa daan. Mabilis kong nakita si Melissa na kumakaway samin pagkapasok namin sa canteen. But her smile slowly vanished habang papalapit kami na para bang may hindi siya nagustuhan sa nakikita niya kaya tumungo agad siya.

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon