1

3.2K 66 13
                                    


Sabi sa facebook na nababasa ko sa newsfeed ko, ang crush daw kapag tumagal nagiging love.

Noon, hindi ko maintindihan yun dahil sa nineteen years of existence ko dito sa earth, never pa 'kong nagkacrush. Sure, kinikilig din naman ako kapag nakakakita ako ng mga gwapo sa palagid o artista, pero hanggang doon lang yun. Hindi sila nagtatagal sa isip ko. Pero hanggang nineteen years of existence lang rin yun dahil last sem, ang pinaka hystorical and memorable moment of my life. Yun yung time na finally! May butterflies in my stomach na akong nafeel. Yung kapag nakita ko siya, parang biglang tumitigil ang mundo ko at mapapangiti na lang ako na parang baliw kapag naiisip ko siya.

Si Ethon Esguera. Yung matangkad, moreno, undercut ang buhok at mukhang good boy na seryoso sa buhay. Third year comparative literature student, twenty years old, 5'9" ang height, member ng editorial slash journalism club ng school na si Melissa ang President. Only child yata, may family business, mahilig magbasa ng libro at magkape - take note, double shot espresso. Bilang ang kaibigan, katulad ko. Yeah, I know all of that. Medyo creepy siguro pakinggan pero I kinda stalked him last sem in social media.

Nung moment na na-realize ko na gusto ko siya, I told myself then that i'll do anything to know everything about him. Pero hindi naman kami mayaman kaya imposibleng malaman ko lahat ng tungkol sa kanya, dahil wala naman akong perang pambayad sa imbestigador. All by myself lang ang peg ko. Salamat sa facebook, twitter at instagram.

"Huy, kanina ka pa tulala dyan!" sita ni Melissa na nakaupo sa harapan ko.

I sighed and rested my chin on my palm habang hindi inaalis ang tingin kay Ethon.

First crush ko si Ethon. After months of stalking, that simple feeling i've felt towards him grew deeper. Simula sa simpleng paghanga dahil sa pagkagentleman niya, sa tingin ko lumalim na ito at naging ultimate crush ko na siya nang may malaman akong konting impormasyon tungkol sa kanya. Normal naman siguro yun. Ganun naman siguro talaga ang proseso at baka nga kapag mas nakilala ko pa siya, baka mainlove na talaga ko sa kanya, which is hindi naman malabo yun dahil attracted talaga ako sa kanya. And I'm open with the possibility of falling in love. Hello, love life! Ready na 'ko!

"Lala," pinitik ni Troy ang noo ko.

"Ouch!" napahawak ako sa noo ko, but then I took a deep breath and sighed dreamily. "Buo na ang desisyon ko," sabi ko.

Nagtataka akong tinitigan ni Troy at Melissa. "What?" sabay na tanong pa nilang dalawa.

Nginitian ko sila ng pagkatamis tamis saka binalik ko ang tingin ko kay Ethon. "Magpapakilala na ko sa kanya," sakto na pagkasabi ko nun, tumingin si Ethon sa direksyon namin.

Mas lumaki ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin at nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya. Pero hindi naman nagtagal ang tingin niya, two seconds ang pinakamatagal na eye contact namin simula ng magkita kami.

"'Di ba naipakilala na kita sa kanya noon?" tanong ni Melissa.

I looked at her and nodded. "Yep, last sem, pero sigurado ako na hindi niya tanda yun kasi hindi naman kami nagpapansinan pag nagkakasalubong kami sa corridor," Naupo ako ng maayos, "This time, I'm going to introduce myself to him and I'll make sure na matatandaan niya ko," I said with determination.

"Creepy," narinig kong sabi ni Troy.

I just smiled at him. Napansin kong tumayo na si Ethon nang tumayo si Melissa. "I have to go. May klase na ko," paalam ni Melissa.

I just nodded at her at binalik ko ang tingin kay Ethon na nakasunod na sa may bandang likod ni Melissa. Magkaklase kasi sila. Naiinggit nga ako kay Melissa. Kung pwede lang makipagpalit sa kanya ng schedules ginawa ko na, ang kaso, magkaiba kami ng program. Ang layo naman ng nursing sa language and literature course.

"Huy!" Troy nudged my shoulder. "Anong plano mo?" tanong niya nang mawala na sa paningin namin yung dalawa.

"Magpapakilala," I answered nonchalantly.

He shook his head, "Kilala ka na naman”

"You don't understand Troy. Maybe natatandaan niya ko, kilala niya ko sa mukha pero hindi niya matandaan ang name ko. Or he may be knew me by my name, but hindi sapat para pansinin niya ko or batiin man lang or tapunan man lang ng tingin or anything that considered as recognition. I want him to recognized me, kahit one second na sulyap lang na nagsasabing kilala niya ko," paliwanag ko.

I saw him shook his head again as if im impossible, "Ewan ko sayo, Lala. Lika na nga, baka malate pa tayo," sabay hila niya sakin papunta sa classroom namin.

Palagi naman ganito. Whenever I make a fuzz about my ultimate crush, he'll shut me up. Palibhasa torpe. Hindi alam kung paano poporma.

I let him dragged me hanggang sa madaanan namin yung classroom nila Melissa. I kept my eyes inside at hindi ko mapigilan mapangiti nung makita ko si Ethon. Magkatapat lang sila ng inuupuan ni Melissa, nasa likod siya. I knew he's the silent type of guy. Tipid magsalita pero hindi naman mayabang, I think. Actually, hindi ko pa naririnig ang boses niya after the first encounter I had with him in the clinic, if it can be considered encounter talaga. Anyways, that's a mystery to me, sa ilang buwan kong pag-i-stalk sa kanya, kahit isang letter wala pa akong narinig na lumabas sa bibig niya.

I smiled. It'll happen.. Very very soon. Tiwala lang.

*

"Anong gagawin mo?" tanong ni Troy habang naglalakad kami sa hallway. Kakatapos lang kasi ng klase namin.

I saw Ethon sitting at one of the benches with Melissa and their org mates. I smiled sweetly at Troy and mouthed, "Watch me."

Naglakad ako papalapit sa inuupuan ni Ethon, without tearing my gaze off him  Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. I don't care kung anuman ang maging reaction niya, but I'm definitely and absolutely sure he'll remember me by my name and by my face after this. He'll never forget this even after ten years! I giggled.

"Leila!" tawag ni Melissa at kumaway pa.

I waved back at lumapit sa kanya. "Matatapos na kayo?" tanong ko.

She nodded, "We're done actually. Pauwi na ba kayo? Where's Troy?" tanong niya sabay tingin sa likod ko.

"Uuwi ka na?" Troy wrapped his arms around my shoulder. "Sabay ka na samin"

"Sige. Ako ba talaga sinadya niyo dito?" Melissa asked accusingly.

Biglang ngumiti si Troy at umiling, "We'll watch Lala's show today," he said as he nudged my shoulder, "Tutuloy ka pa ba?"

"Ofcourse! I never leave my business unfinished. You know that," nabilis na sagot ko. Ako pa ba? I never back out with my plans!

He patted the top of my head as if saying he knew. Alam ko namang suportado niya ko all the way kahit saan at anuman ang gawin ko kaya malakas din ang loob ko.

"Show us then," he stated then I felt him pushed me forward a little.

I smiled at them and looked around. Wala na yung org mates nila pero nakaupo pa rin si Ethon sa bench habang nakasandal at nakapikit at may nakasalpak na earphones sa magkabilang tenga niya.

"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ni Melissa.

I didn't answer and Troy just shrugged his shoulders. Humakbang ako palapit kay Ethon. I took a deep breath before I leaned down on him and cupped his face. He jerked from his seat, surprised. His eyes quickly snapped opened and locked on me, pero hindi na 'ko nag-aksaya ng oras. May right time para sa lock gazing at hindi ito ngayon. Without any warning, I immediately pressed my lips on his and bit his bottom lip painfully, which made him gasped. Ngiting ngiti akong lumayo at tumayo nang maayos saka saglit siyang tiningnan para makita at mamukhaan niya 'ko bago ako tumakbo palayo.

Whatever the outcome is, whether he'll like me or hate me, I don't care, as long as he'll remember me. And I'm sure by now, he'll definitely and absolutely recognize me when our paths crosses again. Two second glance would increase for sure.

Way to go prince charming!

Step one. Check.

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon