29

812 24 6
                                    

I closed my eyes tightly as I tried to calm myself. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nakatingin pa rin siya sakin pagkadilat ko at seryosong seryoso ang itsura niya. I suddenly became speechless which is rare. Madaldal kasi ako and I say what I want to say but this time, para akong naputulan ng dila kaya naman tumango na lang ako.

I saw how his lips curved a smile before pulling away from me and leaned his head on the couch as he covered his eyes with his left arm. Tinitigan ko muna siya saka huminga ng malalim at pinagpatuloy ang pagtatype ng message para kay Nico para masundo na kami.

Hindi naman nagtagal at dumating na siya na parang kakagising lang at gulu-gulo pa yung buhok, pero imposible yun dahil sa pagkakatanda ko, palaging madaling araw na siya matulog. I grinned at him when he saw me pero umiling lang siya habang papalapit sa direksyon namin.

"Lasing?" tanong niya habang pinanliliitan ako ng mga mata.

Umiling ako saka tinuro yung pinsan niyang nakatulog na yata. "Siya siguro, ang dami niyang nainom e" sabi ko.

Nico shook his head again bago tapikin si Ethon. Mabilis namang nag-angat ng braso ang huli at naupo ng maayos after makita si Nico.

"Uwi na. Next time kung maglalasing ka, wag si Lala ang isama mo" sermon ni Nico habang inaalalayan yung pinsan niya.

"Leila?" Ethon asked in a muffled voice.

Bigla akong tinuro ni Nico pero ngumiti lang si Ethon nung makita ako at lumapit sakin. "Sorry.."

"Ayos lang"

"Anong ayos? Anong oras na kaya. Ilang minuto na lang magbubukas na 'tong bar" pagalit na sabi ni Nico.

Hindi na lang ako nakipagtalo at tumayo na rin. Nauna na kong lumabas sa kanila at hinintay sila sa parking lot sa tapat ng kotse ni Nico. Hinabilin niya sa driver yung kotse ni Ethon habang tahimik lang akong naupo sa backseat katabi ang tulog na si Ethon.

Nico frowned. "Bakit nandyan ka? Dito ka hayaan mong mag-isa si Ethon dyan"

Sumunod na lang ako at tahimik na lumipat sa passenger's seat. He didn't say anything as he started the engine pero ramdam kong may gusto siyang sabihin sakin kaya inunahan ko na siya. Masyado kasi siyang obvious at common sense na lang since lung hindi si Troy, yung dalawa naman palagi ang topic namin.

"Sinukuan na talaga niya si Melissa," I stated while looking through the window.

"Anong sinabi niya sayo?" Mabilis na tanong nito.

I looked at him and smiled as genuine as I can. "Nagpapatulong siya sakin," I chortled then shifted my gaze back at the window. "He said he's going to move on."

Narinig ko siyang bumulong pero hindi ko yun naintindihan. Hindi na lang ako nag-usisa kasi, im way too happy para isipin ang ibang bagay bukod sa sinabi ni Ethon. 

Nakarating agad kami sa bahay ko dahil malapit lang pala yung bar sa subdivision namin. I was about to emerge the car when Nico stopped me at seryosong tumingin sakin.

"Tutulungan mo ba siya?" he asked while looking at me intently.

I quickly nodded without any doubts and hesitations. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pakipot at para sakin, basta may opportunity, sunggab lang ng sunggab. Sabi nga nila, opportunity only knocks once kaya bakit ko sasayangin? Chance ko na 'to though aware ako na sobrang risky.

Napailing siya sa desisyon ko pero ngumiti din naman saka nagpaalam na aalis na. Hinintay ko munang makalayo yung kotse niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon