11

1K 58 3
                                    

Stalking him became my routine every afternoon, pero unlike that one faithful afternoon, hindi na niya ulit ako nilingon pa. I know he felt my presence but he decided to just ignore me dahil alam niya, katulad niya, hindi ako titigil.

"Troy, pwede bang ikaw ang sumama sakin? We'll check the student na napilayan sa field," sabi ni Ate Ja.

Tumingin sakin si Troy, tumango ako at nginitian ko siya with two thumbs up pa para ipaalam sa kanya na okay lang ako dito. Marunong na naman akong magtahi ng sugat if ever may mahiwaan. Ilang weeks na din kaming nagduduty dito at hinahayaan naman kami ni Ate Ja na kumilos but of course with her assistance pa rin.

"Dito ka muna Leila. Just call me if anything gets beyond control," sabi ni Ate Ja.

"Alright! Sige na po," sabi ko.

They chuckled and nodded at me before they close the door. I took a deep breath and looked around. Masyadong tahimik dito, parang yung bahay namin. Pag umuwi kaya si Mama magiging maingay na kaya dun? Siguro hindi pero posible din naman na oo dahil for sure marami kaming pagkukwentuhan. Tumayo ako para tingnan ang stock ng mga gamot. I arranged everything but then, naiwan sa ere ang kamay ko nang biglang may magsalita sa likod ko. Tumalon ang puso ko sa gulat at napapikit ako. Darn it! Agad akong lumingon at nakita ko si Nico na ngiting ngiti.

"Jeez Nico! Matuto ka ngang  kumatok sa pinto!" I hissed at napahawak sa dibdib ko. "Nagulat ako sayo!"

He let out a small chuckle saka walang sabing naupo sa kama.

"Ngayon lang ako nakapasok dito," sabi nito habang nililibot ang tingin.

I titlted my head and watched him "You mean, never ka pang naclinic?" I asked amused.

He shook his head and smiled. "Malakas ang immune system ko kaya bihira akong magkasakit kahit ubo at sipon. And I don't have sports kaya walang reason para masugatan or mainjured ako."

"That also mean na hindi ka matulungin sa kapwa kaya hindi ka napapadpad dito," I chuckled.

Umiling siya na parang sinasabing totoo yung sinabi ko but too embarrassed to admit it.

"So, anung sadya mo dito?" I asked.

"Wala. Napadaan lang ako tapos napasilip sa bintana when I saw you. And for your information, I did knocked. Masyado ka lang preoccupied sa ginagawa mo kaya hindi mo narinig"

I eyed him suspiciously which caused him to laugh and raised both of his hands na parang sumusurender.

"Okay. I knocked once," he admitted then burst out laughing again.

Napailing na lang ako, saka ko siya tinalukuran at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Bakit nga pala ikaw lang mag-isa dito?" asked Nico.

"Nasa field sila, chinecheck yung na injured," I answered without looking at him.

"My gagawin ka ba mamaya? Lakad or anything?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Namimiss ko na kasi yung lugaw, too bad ayaw akong samahan ni Ethon kumain dun, baka daw hindi safe."

I tilted my head then a smile curved up my lips as I stared at him. Nagustuhan niya talaga yung lugaw. Buti naman.

"Sumama ka samin mamaya ni Troy, kakain kami dun," anyaya ko.

He scowled and looked hesistant for a moment.

My smile widened, "My best friend doesn't bite," I assured him then chuckled.

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon