31

847 33 10
                                    


I stared at Troy while he's busy with his phone. Nakakapanibago dahil ngayon lang siya natutok nang ganyan sa cellphone niya kapag magkasama kami.

“Katext mo si Melissa?” tanong ko.

Lumingon siya sa 'kin saka umiling pero hindi ako naniwala kaya sumiksik ako sa tabi niya at tiningnan ang ginagawa niya. Indeed, hindi nga sila magkatext ni Melissa dahil si Nico ang katext niya!

“Kung anuman yang iniisip mo, stop it,” agad na sabi nito habang nagtatype ng mahabang text message sa mala nobelang text ni Nico sa kanya.

“Wala naman akong iniisip,” tanggi ko.

Tumingin ulit siya sakin at hinila nang mahina ang buhok ko. “Kilala kita, Lala. May topak lang 'tong si Nico at ako ang napagtripan na pagdramahan.”

I chuckled, “Defensive!”

He shook his head and didn't respond anymore. Suplado. Nanahimik na rin ako at binasa ko na lang ang tinatype niya habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. We're here at their balcony, nagpapahangin lang, kasi kakatapos lang namin maglunch. Wala naman ang kambal kaya ginugulo ko na lang si Troy.

“Wala ka bang date?” he asked all of a sudden.

I shook my head and smiled upon seeing my name on the message. “Sa Perkins nakalaan ang weekend ko di ba?”

He frowned, “Hindi ba siya nagtataka?”

“Hindi. Alam naman niyang extended family niyo na 'ko.”

“Still. If I were Ethon, I'd ask you to date me every weekend,” sabi nito kaya napatingin ako.

“Wow. Ganon ka karomantic?”

Nginitian niya ko, yung ngiting Perkins' trademark. “I'm a sweet guy, Lala.”

I cringed then leaned my head back on his shoulder, “Hindi naman yata sweet si Ethon, gentleman lang,” sabi ko.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano pero never niyang nabanggit si Melissa kahit isang beses which made me curious. Sa pagkakaalam ko kasi at base na rin sa experience, kapag may gusto kang isang tao, sila palagi ang bukambibig mo. Parang ako kay Ethon.

I straightened on my seat and looked at Troy. Sumulyap siya sa 'kin bago ibaba ang cellphone niya para harapin ako.

“What?” he queried.

Kinuha ko ang throw pillow saka nagpangalumbabang tumingin sa kanya, “May tanong ako..”

He didn't say anything which means I should go ahead. Kaya hindi na ko nagpaligoy pa dahil wala naman sa vocabulary ko yun, especially kapag kay Troy.

“Bakit ayaw mo pang pormahan si Melissa?” curious na tanong ko.

He slightly shook his head as if he already expected the question. Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot as if naintindihan ko.

“I thought you like her?” I probed.

“I do like her.. as a person, but that doesn't mean I like her as a woman. There's a difference,” he anwered.

Tinitigan ko siya nang hindi makapaniwala. All this time, I thought their feelings are mutual! Grabe! Hindi ko alam kung nagpaplusot lang ang isang 'to pero never naman siyang nagsinungaling sakin.

“May nangyari ba na hindi mo sinasabi sakin?” I inquired suspiciously, as I narrowed my eyes on him.

Hindi agad siya sumagot at tinitigan muna ako nang matagal na para bang tinitimbang niya kung sasabihin ba niya o hindi which is so unlike him. Troy never hesitated when it comes to me at parang may biglang kumurot sa puso ko, dahil never pa kasi siyang nagdalawang isip na sagutin ang mga tanong ko kahit gaano pa kapersonal or kaweird and nonsense, pero ngayon..

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon