32

665 26 7
                                    


“Lala?”

I immediately looked away and grabbed the spoon and fork as if I was famished. Ramdam ko pa rin yung titig niya kaya hindi ako makapagbuga ng hangin para bumalik ulit sa normal yung tibok ng puso ko. Never did I imagine myself feeling nervous in front of Troy, my best friend. Ang sarap itanong sa sarili kong, 'bakit?' dahil wala namang dahilan o wala naman akong kasalanan na ginawa para kabahan.

Absentmindedly, I shoved a large slice of steak in my mouth followed by a spoon full of rice.

“Dahan-dahan,” he reminded.

My mouth was full when I looked up on him and he chuckled at the sight of me. Normally, I would just smiled goofily and chewed like a goat pero feeling ko, hindi tama yun kaya tinakpan ko bigla yung bibig ko with my two hands to hide how I chewed the food in my mouth.

“Look who's suddenly got conscious,” tukso niya saka inabot sakin yung tubig. “Nagmamadali ka ba?”

I shook my head then finally swallowed the food and drunk the water in one gulp. “Magkakasakit yata ako,” I said then placed my hand on my left chest. “Nagpapalpitate,” I added, truthfully.

We've finished our meal in record time at hindi na nag-aksaya ng oras si Troy na umuwi. Hindi rin siya matigil sa kakatanong kung anong nararamdaman ko habang nasa byahe kami at inalalayan ako hanggang sa makahiga ako sa kwarto ko sa bahay nila. He's worried, actually, too worried go the point he wanted to go straight to the hospital so that I could get check. Kung hindi ko pa napilit na okay lang ako, baka sinugod niya talaga ko.

“Rest. Baka napagod ka lang. Wala ka namang sakit sa puso, di ba?” he queried with deep frown as if racking his brain to remember the moment I was diagnosed with any kind of disease and illness.

Umiling ako saka mahina siyang hinampas sa braso. “Stop overthinking. Baka nga napagod lang ako o nasobrahan sa masahe. Sige na, umuwi ka na.”

“I'll stay here”

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nakipagtalo. What for? Alam ko namang wala akong magagawa kapag nag-insist siya. Baka isumbong pa ko kay Mama na matigas ang ulo ko, mas mahirap na.. baka umuwi yun nang wala sa oras.

I watched him picked the book on my side table and settled on the floor beside my bed. Sumandal pa siya sa kama at nagsimulang magbasa. Tahimik ko lang siyang pinanood hanggang sa magsalita siya. “Sleep, Lala,” sabi niya nang hindi inaalis ang mga mata sa libro.

I pouted and hugged my pillow, “Ayoko nga.”

Bigla siyang lumingon sakin, “Mas gusto mo kong titigan?” inosenteng tanong niya.

Napakunot ang ko hanggang sa marealize ko na nagpapa-inosente lang siya kaya mahina ko siyang sinipa sa likod. “Hindi ako makakatulog mamayang gabi pag natulog ako ngayon. Anong sinasabi mo dyan?”

Troy chuckled then went back on the book while shaking his head. “Nakatitig ka kasi. Ano bang itatanong mo?” he asked.

I cringed. I wonder if there are things I can hide on this guy. Lahat na lang kasi nababasa niya sa kilos ko, samantalang siya.. I sighed.

Dahan-dahan niyang sinara tung libro at nilapag sa gilid niya bago umayos ng upo paharap sakin. He intently stared at me as if looking through my soul, then lean on the bed without tearing off our gazes.

“What are you thinking?” tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot, because I suddenly wanted to just lost in his eyes. As far as I know, this is not the first time na gusto ko lang titigan ang mga mata niya, ang ganda kasi, hazel brown, ang expressive na parang in love na in love siya sakin kapag nakatingin siya, nakakainggit.

“Iniisip ko lang kung may maiitago pa ko sayo. Alam na alam mo na lahat ng kilos ko. What if maisipan mo biglang maging pulis tapos ako, naging murderer, edi kulong na agad ako kasi alam mo kung magsisinungaling ako”

“Kung anu-anong iniisip mo. Gutom ka pa yata,” he snikered while tucking my hair on the back of my ear. “Gusto mo pa yata ng peace offering”

“Meron pa?”

“Depende sa level ng tampo mo. Nagtatampo ka pa ba?”

Mabilis ako tumango na ikinatawa na naman niya, sabay hila nang mahina sa dulo ng buhok ko. Umiling din siya habang tumatayo saka nagpaalam na magluluto lang siya. Hindi ko na natanong kung anong lulutuin niya kasi mabilis siyang nakalabas ng kwarto ko.

Napailing na lang ako saka kinuha tung cellphone ko at chineck kung nagtext ba si Ethon. Unfortunately, wala. Pero may messages na galing kay Tai at Tan-tan. Hinahanap nila ko. Saka ko lang narealize na dapat nga pala nandun kami at hindi dito. I checked all the unread messages until another one came.

It's Nico.

Palagi naman siyang nagtetext sakin pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong basahin yung message niya. At ako yung tipo ng tao na sinusunod yung instinct kaya hindi ko mun binasa.

I placed it back on the side table and decided to follow Troy in the kitchen to divert my attention. Feeling ko kasi bad news yung laman ng message at ayokong mas bumigat ang pakiramdam ko after kong magtampo for the first time sa best friend ko.

Automatic na napangiti ako nang makita ko siyang kunut na kunot ang noo habang nakatingala sa cupboard.
“Puro cup noodles, really Lala?” he voiced out, disbelievingly.

I gave him a sheepish smile then stopped in front of him before I smoothened his knitted eyebrows. “Hindi pa kasi ako nakakapaggrocery. At last month pa yan, hindi ko nakakain kaya naipon ng ganyan.” paliwanag ko.

Hindi muna siya nagsalita at hinayaan akong paglaruan yung kilay niya. Pero ilang sandali lang din, hinawakan na niya yung wrists ko saka ako hinila palabas ng bahay.

“Uuwi na tayo sa inyo? Yung cellphone ko--”

“Maggrogrocery lang tayo”

“Okay,” sabi ko na lang saka nagpahila sa papunta sa sasakyan niya.

“Anong bibilhin natin?” I asked, when we arrived at the nearest supermarket.

But instead of getting answer, he just continued walking with eyes forward while holding my wrist. Mukha tuloy siyang supladong boyfriend ko na nagtatantrums. I grinned at the thought.

I've never seen him with girls aside from his sister, mother and Melissa. Though, naniniwala pa rin akong may gusto or magkagusto siya kay Melissa, I've never seen him acted like a lovesick puppy or something like that towards her. So, I wonder how does he as a boyfriend. Sweet kaya siya? Hopeless romantic? Tsudere? Sure lang ako na maalaga siya at hindi seloso.

“What are you thinking?” he asked, now frowning at me.

Mas lalo akong napangiti at feeling ko nagniningning pa ang mga mata ko dahil mas lalong kumunot yung noo niya habang tinititigan ako.

“Naisip ko lamg kung anong klase ka kayang boyfriend. Clingy ka ba?”

Hindi agad siya sumagot at nakatitig lang sakin na parang hindi makapaniwala sa iniisip ko. Then, he shook his head and let go of my wrist to let his hand rested on my shoulder.

“I don't know yet. I've never had a girlfriend.”

“Bakit kasi hindi ka pa nag-gi-girlfriend?”

I felt him squeezed my shoulder, “Kasi, hinihintay ko pa siya”

My ears immediately perked up and my steps halted kaya napatigil din siya sa paglalakad. I looked at him with wide eyes, “Sino?” I asked excitedly.

The corner of his lips tugged upward rather slowly as if we were in a slow motion. Kitang-kita yung glints sa nga mata niya at hindi ako makapaniwala dahil first time ko siyang makitang ganito. Now, im very curious. Baka masakal ko siya nang wala sa oras kapag hindi niya ko sinabi kung sino ang gumawa sa kanya ng ganito.

“My princess,” he answered.


If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon