CHAPTER TWENTY THREE

91 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

I advice na iplay niyo 'yung Sa'yo Nalang Ako version of Regine Velasquez habang binabasa niyo 'yung whole story. Sobrang ganda nang song na 'yun, at fit rin siya dito. Ciao. :)

---------------------

"Elvis, thanks ha?" Sabi ko kay Elvis pagkababa ng kotse. Hinatid niya kasi kami dito sa bahay, at nauna nang pumasok si ate Tine.

"For what?" Nakangiti niyang tanong.

Napayuko ako, dahil may bigla nalang may umikot sa tyan ko. Tapos bumilis pa 'yung tibok nang puso ko. Ikaw ba naman ang kiligin sa ngiti niya eh.

Hihi.

Nilaro-laro ko ang daliri ko habang nakayuko. Shucks! Ang tagal kong makarecover sa pagkakakilig ko. Tss!

"K-kasi, hinatid mo kami pauwi."

Tumawa siya nang malakas kaya napaangat ako ng ulo. Seriously?

"Tss, wala 'yun. Tsaka, masaya namang kasama ang ate Tine mo eh. Tsaka, ikaw. Masaya kong makasama ka ulit."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Eeeeeeeeh! Kilig overload naman ako dun. Hihihihi.

Muli akong napayuko. "A-ako rin.." Mahina kong sinabi. Haha. Ang arte ko lang.

"May sinabi ka?" Pagpapaulit niya.

"A-ah, wala!" Dahilan ko. Ngumiti lang siya.

Pagkatapos ay parehas na kaming natahimik. Tsk. Lagi nalang ganito. Palagi nalang walang kasunod 'yung sasabihin ko sa kanya. Hay!

"Nga pala," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "May sasabihin sana ako sa'yo," dagdag niya, at sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito.

"Ano 'yun?" Kinakabahan kong tanong.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Para kasing may kinalaman 'yung gusto niyang sabihin ngayon sa nakita kong kakaibang pagngiti niya kanina eh. Ewan ko!

Napabuntong-hininga si Elvis at naupo sa may gutter ng bahay namin. Tumabi naman ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya habang nakayuko. Ang gwapo niya parin kahit saang anggulo tingnan.

"Ano kasi," Sabi niya tapos tumingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

"B-buntis si April." Pagpapatuloy niya.

Habang ako naman ay pinoproseso sa utak ko kung ano 'yung sinabi niya.

Ano raw? Buntis si April?

Ah, okaㅡ What?! Buntis si April? Paano at kailan pa?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaya minarapat ko nalang na ngumiti sa kanya. Plastic ko.

"G-good. I'm happy for both of y-you. Kaya pala kakaiba 'yung ngiti mo kanina. Hehe. N-nice." Pinilit kong sabihin sa kanya.

Kahit na deep inside, sobrang sakit na at gusto kong maiyak. Argh! Ayoko nang ganitong feeling eh. Akala ko, magiging okay na ako kasi inamin ko na sa kanya 'yung totoo. Pero, hindi pa pala. Parang mas lalo pa akong nahihirapan ngayon. Shit! Parang sinampal ako ni John Cena sa sinabi niyang 'yun.

Ngumiti siya pabalik sa'kin. "Kaya nga eh. Ang sarap lang sa feeling na magiging tatay na ako,"

Pero, halata naman sa mukha ni Elvis ang lungkot. Bakit?

"Tsaka, nextweek ay tuloy na ang wedding namin ni April." Dagdag pa niya.

Mas lalong nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Parang ayoko ng makarinig ng salitang galing sa kanya. Sobrang sakit na talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon