CHAPTER TWENTY TWO

51 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

Kasalukuyan akong naghihintay rito sa waiting area ng Airport. Shucks! Ang tagal dumating ni ate Tine. Gusto ko na siyang makita eh. Waaaaah.

Tumayo na muna ako mula sa kinauupuan ko at naglakad-lakad. Ang aga ko kasing dumating rito sa Airport eh. Excited kasi masyado. Hehe.

"Ouch!" Nasapo ko agad ang ulo ko ng may matamaan akong medyo matigas na bagay. Inangat ko ang ulo ko para tingnan iyon.

Muntikan na kong mapamura sa pagkakakita sa nabangga ko. Shemz lang! Halos naka-nganga na ako at di alam ang sasabihin.

Ngumiti siya sa akin na parang wala lang sa kanya 'yung nangyari. Aisht! Di man lang nag-sorry.

"Anong ginagawa mo rito, Krissa?" Tanong ni Elvis sa akin. Oo, si Elvis nga po 'yung nakabangga ko. Tsk. Ang liit nga naman ng mundo, oh!

Ngumiti ako sa kanya. "A-ah, susunduin ko 'yung pinsan ko. Kaso, matagal pa ata boarding ng plane nila eh. Ikaw?"

"Hinatid ko si April pati Mama niya. Magbabakasyon daw muna sila sa Japan."

"Ah," sabi ko. Pagkatapos ay katahimikan na ang nanaig. Parehas kaming nakatingin sa malayo. Tsk!

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Lagi naman kasi kaming nagkikita eh. Sa school, kapag may bonding ang barkada, pati dito ngayon. Hindi ko naman ineexpect na magkikita kami ngayon eh. Nananadya na ata talaga 'tong tadhana. Tsk!

"Nga pala, nagkita raw kayo ni Francis kahapon?" Basag niya sa katahimikan namin.

"Oo, nagpatulong kasi siyang mag-prepare ng dinner para sa kanila ni Ellaiza."

Napatango naman si Elvis. "Gusto mo bang kumain?" Tanong niya.

Nag-aalangan pa ako kung papayag ba ako, dahil susunduin ko nga si ate Tine. Pero, kung dito lang kami kakain malapit sa Airport, walang problema.

"Dito lang ba malapit sa Airport?"

"Oo. May alam ako." Sagot niya.

Sabagay, medyo gutom narin kasi ako tsaka lunch na.

Nagsimula na kaming maglakad ni Elvis. Mga 5 minutes kaming naglakad bago narating ang lugar na kakainan namin.

Pumasok kami sa loob at agad nakahanap ng mauupuan. Nagsimula naring umorder si Elvis.

"Anong gusto mo, Krissa?" Tanong niya habang tinitingnan ang menu.

Ngumiti ako kahit na hindi niya nakikita. "Kung ano nalang 'yung oorderin mo, ganun narin ang akin." Matipid kong sagot. Agad naman siyang tumango at sumenyas sa waiter.

Habang naghihintay kami sa order, pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng Restauarant. Actually, isa siyang Chinese Restaurant. At kapag chinese restaurant, malamang ay chinese food din ang sineserve. Haha.

"Ang swerte ni Francis kay Ellaiza, 'no? Maganda na, mabait pa." Biglang sabi ni Elvis.

Napalunok ako. Sobrang swerte talaga. Kaya nga di ako nagsisisi na pinatigil ko sa panliligaw si Francis sa'kin eh.

Pero ako? Kailan kayo ako magiging maswerte sa pag-ibig? Sana dumating narin siya.

"Oo nga eh. They're perfect for each other. Sobrang bagay talaga sila." Sabi ko.

Ngumiti sa akin si Elvis. Pero iba 'yung ngiti niya eh. Sobrang unusual lang ng ngiti na 'yun. Basta! Hindi ko madalas makita sa kanya 'yun, pero parang may kakaiba akong naramdaman sa ngiti niya.

I smiled back, tapos ay dumating narin 'yung pagkaing inorder namin.

Tahimik kaming kumain ni Elvis.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon