CHAPTER TWENTY

72 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Birthday Party mamaya ni Katkat, at kami naman ni Lalaine ay naghahanap ng pwedeng igift sa kanya. Sa totoo lang, di kami makapag-decide nitong si Lalaine kung anong pwedeng ibigay sa babaitang 'yun. Napaka-arte kasi e. So, we have to make sure na maganda ang regalong ibibigay namin for her. Birthday niya naman e. Hehe.

"Bes, okay ba 'to?" Tanong sa'kin ni Lalaine. Humarap ako sa kanya para tingnan kung ano ang hawak niya. Isa 'yung floral dress na kulay white.

Tumango ako sa kanya. "Ang ganda, bes. Paniguradong titili si Katkat niyang kapag nakita iyan." Dagdag ko habang natatawa ng bahagya, ganun din si Lalaine.

"Nakakainis talaga 'yang si Katkat! Ang hirap bigyan ng regalo. Laging may side comments, hindi niya nalang tanggapin at magpasalamat. Mabuti pa nga at binigyan pa siya e." Sambit pa ni Lalaine. Natawa nalang ako sa kanya.

Sa aming tatlo kasi, si Katkat ang medyo maarte. Ay, hindi! Maarte pala talaga siya. Hehe. Naalala ko tuloy n'ung nakaraang birthday niya. Nagpadala ako ng gift sa kanya, isa 'yong jade necklace. The day after niyang mareceive 'yung gift ko, tumawag pa talaga siya sa'kin para sabihin na hindi niya nagustuhan 'yung necklace. Syempre, na-shock ako dahil pinag-ipunan ko ang pagbili sa necklace na 'yun, pero naalala ko na hindi niya nga pala paborito ang mga necklace, kaya sabi ko nalang sa kanya na babawi nalang ako for her next birthday. Kaya ito, hindi kami magkanda-ugaga ni Lalaine sa pamimili ng regalo kay Katkat.

"Hayaan mo na, kaibigan naman natin siya e. I mean, bestfriend pala." Dagdag ko at ngumiti kay Lalaine. Nag-makeface lang siya sa'kin.

Nag-umpisa muli kaming maghanap ng dress ni Lalaine. Mamaya na kasi ang party ni Katkat. Pagkatapos naming makapamili ng panregalo, kumain na muna kami ni Lalaine.

By the way, wedge shoes ang napili kong gift para kay Katkat. Medyo maliit kasi 'yung bestfriend namin kaya kailangan niyang mag-heels kapag kasama kami. Hehe. While si Lalaine naman 'yung floral dress na pinakita niya sa'kin 'yung naisipan niyang ipanregalo. Tinamad na raw kasi siyang maghanap. Hahaha.

"So, ano nga palang balita sa inyo ni Elvis?" Pag-uumpisa ni Lalaine. Hindi nakatuon ang tingin niya sa'kin at nanatili lang ito sa pagnguya ng kinakain.

"Ayos naman na. Mabuti nga, hindi masyadong awkward eh. Tsaka atleast, maluwag narin ang loob ko na wala na akong tinatago sa kanya."

Napatingin sa'kin si Lalaine at nag-sadface. Pinagtakhan ko iyon kaya napakunot ang noo ko.

"Hayy. Sobrang sayang talaga kayo ni Elvis, bes. Edi sana, kayo na ang bagong loveteam ng WU. Ang saya kaya n'un. Basta ako, SAVIS FOR THE WIN." Medyo isinigaw pa ni Lalaine 'yung huli niyang sinabi kaya pinagtinginan tuloy siya ng ibang tao sa loob ng restaurant.

Natawa nalang ako sa kanya. "Teka, ano naman 'yung SAVIS?"

"Yung SA, sa huling pangalan mo na Krissa. While 'yung VIS, sa huling name naman ni Elvis. Diba, parang match made in heaven lang kayo? Hehe." Nakangiting paliwanag ni Lalaine.

"Ano ka ba?! Mamaya malaman pa ni April ang tungkol dyan e."

Napairap naman si Lalaine. "Duh! 'Wag mo ngang intindihin ang bruhang 'yun. Hayaan mo siyang mag-ngitngit sa galit kung malaman man niya. Kayo naman talaga dapat ni Elvis e. Umepal lang 'yang si April. Kaya 'wag siyang mag-inarte dyan."

Napabuntong-hininga ako. "Alam mo bes, kahit naman sinabi ni Elvis na ako parin ang mahal niya, ayoko naman na mawala narin ang pagmamahal niya kay April. Paano nalang kung ikasal na sila? Baka mauwi lang sa annulment 'yung pagsasama nila. Kaya sana, huwag na nating ipilit pa 'yung sa'min ni Elvis. Gusto ko lang naman na mapanatag na 'yung loob ko. Tsaka atleast, alam ko rin naman na mahal din ako ni Elvis. Mag-sstick nalang ako sa pagiging bestfriends namin. Masaya naman ako para sa kanya."

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon