CHAPTER THIRTEEN

93 3 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Hinatid na ako pauwi ni Francis at nandito na kami sa harap ng bahay. Hindi pa ako bumababa ng kotse.

"F-francis, sino 'yung Ellaiza?" Tanong ko at tumingin naman siya sa'kin na parang maiiyak na.

"Siya 'yung Ex Girlfriend ko. Kaso, nasa states siya para magpagamot dun. May sakit kasi siya sa puso at kinailangan niyang magpagamot  kaya naghiwalay kami."

Hinawakan ko 'yung kamay niya para icomfort siya.

"P-pasensya na Krissa. Baka isipin mo na kaya lang kita nililigawan ay para kalimutan si Ellaiza. Sincere talaga ako sa panliligaw sa'yo." Dagdag pa niya.

"Hindi. Naiintindihan naman kita e. Past mo siya at kadikit na siya ng buhay mo."

"Thankyou."

Bumaba na ako ng kotse niya at pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso na agad ako ng kwarto ko at nagpalit ng pantulog.

Humiga ako sa kama ko at hindi pa pinipikit ang mga mata ko.

Iniisip ko kasi si Francis at 'yung Ellaiza. Parang nahalata ko kasi sa mata niya na mahal niya pa si Ellaiza e.

At maswerte din si Ellaiza dahil naging boyfriend niya si Francis. Bukod sa gwapo na, mabait na anak pa.

I think, dapat ko na siyang sagutin. Para narin makalimutan ko ang feelings ko kay Elvis. Pero hindi ko naman siya gagawing panakip butas.

Sa tagal naming magkasama, hindi mahirap mahalin si Francis. Kaya totoo 'tong nararamdaman ko sa kanya.

**

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko 'to sa ilalim ng unan ko para tingnan kung sino ang nagtext.

Pupungas-pungas kong binasa 'yung message.

From: Beks Rhie

Kung pwede ko lang sanang angkinin ang puso mo, ginawa ko na.

Kaya lang sa ngayon, dalawang bagay lang ang kaya kong gawin.

Ang lihim kang mahalin, at hintayin ang panahong pwede kang maging akin.

Rise and Shine. ;)

Gm.

Parang tinamaan ako sa quotes na pinasa ni Rhie. Sapol na sapol sa'kin e.

Tama! Lihim ko siyang minamahal, pero 'yung panahon na hihintayin ko para maging akin siya ay hindi na mangyayari.

Tsk! Di ko na nga pala dapat iniisip 'yung feelings ko kay Elvis. Tama na Krissa. Move on ka na. Nandyan naman na si Francis para pasayahin ka e.

Wala kaming pasok ngayon kaya medyo tinanghali ako ng gising. Pero magkikita kami ng mga kagrupo ko sa Bakery Booth. Mamimili kaso kami ng mga gagamitin namin for the booth.

Makapaglinis na nga ng katawan. Gutom na rin ako e. Hehe. :)

**

[Mall]

"Kamusta naman ang birthday ng Mama ni Francis?" Tanong sa'kin ni Lalaine habang tinutulak namin 'yung cart.

Nandito kami ngayong lima sa supermarket at kasalukuyang namimili ng ingerdients namin para sa Foundation Day. Kaming dalawa ni Lalaine ang nahuhuli, habang 'yung tatlo ay may kanya-kanyang mundo.

"Masaya naman. Mabait 'yung Mama niya at masarap kausap."

"Pwede bang Mother In-law?" Tudyo niya habang sinusundot ang tagiliran ko.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon