CHAPTER ONE

198 4 1
                                    

CHAPTER ONE

"Kamusta?" Tanong sa'kin ni Manong Guard pagpasok ko sa loob ng campus.

"Ayos naman po!" Sagot ko at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa School Park. Naupo ako sa may bench na malapit sa puno ng mangga.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Ang dami nang nagbago sa school na 'to. Mas lumaki na siya at dumami rin ang mga buildings.

Walang pasok ngayon kaya malaya akong nakapasok sa loob. Naglalakad-lakad ako at nakarating ako sa dati kong classroom.

Naupo ako sa may armchair habang nakatingin sa board. Naalala ko tuloy 'yung paalis na kami. Iyak ako nang iyak habang nagpapaalam sa mga classmates ko.

[FLASHBACK 2008]

"Bes, mag-iingat ka dun, ha? Ikamusta mo nalang ako kay Mario Maurer." Halos mangiyak-ngiyak na sabi sa'kin ni Lalaine habang nakayakap sa'kin.

"Oo nga bes. Mamimiss ka talaga namin. Lalo na 'yang bangs mo na pina-fengshui mo pa." Dagdag pa ni Katkat.

Mamimiss ko talaga ang dalawang 'to. Lalo na 'yung mga tawanan, walang humpay na kwentuhan at pagkakaibigan. Asus! Para naman akong mawawala na. >.<

"Basta! Tayo paring ang Tres Marias ng West Academy. Ayos?" Sabi ko at nag-thumbs up sa kanila.

"AYOS!" Sabay nilang sabi at yumakap sa'kin.

"Teka, pa'no naman si Bestfriend Elvis mo? Magpaalam kana din sa kanya." Sabi ni Lalaine pagkakalas sa pagkakayakap sa'kin.

"Oo nga. Puntahan mo na." Si Katkat habang tinutulak pa ako.

Nasa last row kasi si Elvis habang may nakapasak na earphones sa tenga niya at nakatingin sa labas ng bintana.

Lumapit naman ako sa kanya at tinitigan niya lang ako. Tumayo na siya at naglakad. Pero tinawag ko siya.

"Elvis.." Agad siyang lumingon, kahit na may headset sa tenga niya.

Binigyan niya lang ako ng look na Bakit-look.

"P-pwede ba tayong mag-usap?"

Agad naman siyang tumango at naglakad ulit, at sinundan ko na siya.

Gusto kong magpaalam sa kanya at masabi 'yung matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Handa na ako.

**

Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa school park. Walang nag-iimikan. Parehas kaming nakatingin sa malayo.

"Aalis ka na pala?" Agad akong napatingin sa kanya, habang siya ay nakatingin sa langit.

"P-pasensya na k-kung hindi ko agad n-nasabi sa'yo. B-biglaan kasi e-eh." Sabi ko. Tumingin siya sa'kin at nginitian ako. Nilapit niya 'yung mukha niya sa'kin at nilapat ang noo niya sa noo ko.

"Ayos lang. Medyo nagtampo lang ako kasi sa iba ko pa nalaman na aalis kana pala. Basta, mag-iingat ka dun. Pagbalik mo, bestfriend parin tayo." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko at kiniss ko ako sa noo. Tumayo na siya at inayos ang sarili.

"Mamimiss kita, bestfriend. Basta, 'wag mo kong kakalimutan." At naglakad na siya paalis.

Hinawakan ko naman 'yung noo ko at inaalala ang ginawang pagkiss niya dito.

Tsk. Hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin sa kanya. Bukod kasi sa pagpapaalam, gusto ko ring sabihin sa kanya na mahal ko siya. Oo, mahal ko ang bestfriend ko.

Grade 5 nang malaman kong inlove ako sa kanya. Ewan! Paggising ko nalang isang araw, inlove na ako sa kanya.

Sana, kapag bumalik ako, masabi ko na sa kanya na mahal ko siya. At sana, hindi pa huli ang lahat.

Mahal kita Elvis..

[END OF FLASHBACK]

Naalala ko tuloy lahat ng masasayang samahan namin ni Elvis. Namimiss ko na 'yung Bestfriend ko. Kamusta na kaya siya?

Grade 3 nang maging classmate ko siya. Transferree siya at sa akin pinatabi ni Ma'am. Sobrang tahimik niya at di makabasag pinggan.

Naaawa namin kasi ako sa kanya noon dahil walang pumapansin sa kanya, kasi nga tahimik siya. Kaya naglakas loob akong kaibiganin siya.

Hanggang sa nakilala namin ang isa't-isa ng lubos, at nagturingan na kami as mag-bestfriends.

At nainlove ako sa kanya ng di niya nalalaman. Hayy!

Tumingin ako sa labas at maggagabi na pala. Tumayo na ako para lumabas ng room. Pero napatda ang mata ko sa naka-vandal sa pintuan.

I miss you, Bestfriend!

Ganyan ang nakasulat. Naisip ko tuloy kung si Elvis ang nagsulat non. Pero imposible! Limang taon na ang nakakalipas at malamang ibang estudyante na ang sumulat nun.

Naglakad na ako palabas hanggang sa makarating ako sa gate. Nagpaalam na ako kay Manong Guard,  at saktong pagtapak ko sa labas ng gate, bigla namang umulan. Tsk!

Dali-dali akong tumakbo sa may waiting shed sa kabilang side.

Ilang minuto na akong nag-aabang ng jeep, pero wala paring nadaan. Dumidilim na rin ang paligid at mas lalong lumalakas ang ulan. Tsk! Basang basa na ako at giniginaw pa. >__<

"Miss, gusto mo bang sumabay?" Napatingin ako bigla sa may likuran ko nang may magsalita.

Nakangiti siya sa'kin habang ako ay nagtatakang nakatingin sa kanya. Kilala ko ba 'to?

"Kanina pa kasi kita nakikitang nag-aabang ng jeep dito. Wala na kasing dumadaan kapag gabi. Kung gusto mo, sumabay ka nalang sa kotse ko. 'Wag kang mag-aalala, di naman ako masamang tao eh." Sabi pa niya at pinayungan ako. Di parin naaalis ang ngiti sa mukha niya.

Mukha naman siyang mabait at gwapo pa. Oo, lalaki 'yung kumakausap sa'kin ngayon. Chinito siya at pwedeng artista.

"Tara." Dagdag niya. Pinatong niya sa'kin 'yung cardigan, at hinawakan pa ang kamay ko hanggang makarating kami sa kotse niya.

---

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon