CHAPTER SIXTEEN

109 2 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Krissa Chen's Point of View

[After 3 months ㅡ October]

"Sana naman, naipasa natin 'yung mga exams. Tsk!" Sabi ni Katkat habang kumakain kami dito sa KFC.

"Panigurado namang papasa tayo dyan. Nag-aral naman tayo e." Sagot naman ni Rhie.

"Oo nga. At sana, wala tayong 5. Hahaha. 'Yun ang mahirap!" Dagdag pa ni Lalaine.

Nagtawanan naman kami, at pagkatapos ay tinuloy nalang ang pagkain.

"Alam niyo bang dumating daw 'yung ex girlfriend ni Francis?" Biglang sabi ni Katkat out of nowhere.

Umiling naman kaming tatlo. Sinong ex? 'Yung Ellaiza kaya? Hmm..

"Kanino mo naman nalaman 'yan?" Tanong sa kanya ni Lalaine.

"Kina Jimraic. Ilang araw daw kasing hindi pumasok si Francis. Di nga din daw nakapag-exam e. Tapos nabalitaan nalang nila na dumating daw pala 'yung ex niya." Patuloy na kwento ni Katkat.

Kaya naman pala hindi ko siya nakikita sa loob ng campus e.

"Sinong ex ba niya 'yung dumating?" Tanong naman ni Rhie.

"Yung Ellaiza daw."

Nagkatinginan naman kami ni Lalaine. Nakwento ko nga kasi sa kanya 'yung about kay Ellaiza at Francis.

"Huy, kilala niyo ba 'yung Ellaiza?" Tanong ni Kat. Tumango naman ako sa kanya. "Pa'no mo nakilala?"

"Actually, di ko naman siya personal na kilala. Kwinento lang sa'kin ni Francis 'yung tungkol kay Ellaiza dahil nakwento ng mommy niya." Sagot ko. Tapos kwinento ko na rin sa kanila 'yung buong detalye tungkol kina Francis at Ellaiza.

"Okey lang naman na siguro sa'yo, 'di ba bes? Total naman, pinatigil mo na ang panliligaw ni Francis sa'yo." Sabi ni Lalaine at tumango tango ako.

"Teka nga, mamaya na 'yang ex ex na 'yan! Ang tanong, anong gagawin niyo ngayong sembreak natin?" Pag-iiba ng topic ni Rhie.

Nagkibit-balikat naman kaming tatlo. Ako, di ko kasi alam kung pa'no ko ie-spend ang sembreak ko e. Kung ano nalang ang kanila, gora ako. Hehehe. :)

"Hay nako! Kami kasi ni Pat, baka mag-bora kamiiiiiii." Dagdag pa ni Rhie habang nag-dedaydream.

"Asus! Maulan ngayon, tapos boracay pa ang trip niyo? Baka naman anurin kayo sa dagat niyan. Hahaha." Asar sa kanya ni Kat at nag-poutylips naman si Rhie.

"Oo nga naman beks. Bakit kaya, hindi nalang tayo mag-camping? Total naman, medyo mahaba-haba ang sembreak natin. What do you think guys?" Suggestion naman ni Lalaine.

Nagkatinginan naman kaming tatlo at sabay nagngitian. Hehehe. Good suggestion 'yun, ah. ;))

"OMG! Ang cool ng suggestion mo bes! Bet ko 'yung mga hiking, tapos matutulog sa tent then magkwekwentuhan with bonfire. Wow! I just love it!" Tuwang-tuwang sabi ni Katkat.

Kung may OA Awards lang siguro, paniguradong Hall of Famer 'tong si Katkat. Sobrang OA kung maka-react e. Hahahaha. :D

"Pwede namang mag-react lang ng tahimik e. Pinagtitinginan na tuloy tayo." Medyo inis na sabi sa kanya ni Lalaine.

"Hay nako! Tama na nga 'yan. Basta, camping nalang ang gawin natin this sembreak. Sino naman ang mga kasama?" Sabi ko naman.

Naglabas naman ng ballpen at notebook si Lalaine sa bag niya.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon