CHAPTER THREE

152 3 2
                                    

CHAPTER THREE

4 days na ako dito sa Pinas, at wala namang masyadong interesting na nangyari this past few days. Lagi lang ako sa bahay at nakikipag-chat kay Francis. Ngayon naman ay tatawagan ko sina Lalaine at Katkat para sabihin na nakauwi na ako. I'm sure, todong chikahan na naman 'to. Hahaha. :D

Calling Lalaine...

[Beeeeeeeeeeeesssss!]

Agad kong nilayo sa tenga ko ang phone nang mabosesan ko si Lalaine. Aish! Ang OA naman makareact ng babaeng 'to. -___-

Ni-loudspeaker ko nalang 'yung phone, at dahil baka sumigaw na naman ang bruhang 'to. Tsk.

[Hui bes? Nandyan ka pa?]

"Oo naman. Ang lakas lang kasi ng boses mo kaya nilayo ko. Hmp!" Sabi ko while rolling my eyes. As if namang makita niya 'yung reaksyon ko, 'di ba?

[Oh, ba't bigla ka atang napㅡ]

"I'M BAAAAAAAACK!" Ako naman ang sumigaw ng malakas. Hahaha. Bawi bawi din pag may time. Nabingi ako sa kanya e. XD

[Ang exagge naman ng reaksyon mo. Mas todo pa kesa sa'kin.]

"Kasi nga, I'm back! Namiss kaya kita pati si Katkat. Let's hangout?!" Sabi ko habang nag-gigiggle. Gusto ko na kasi silang mayakap e. :)

[Hmp! Kailan ka pa ba bumalik?]

"4 days na ko dito. Kauuwi ko lang nung sabado."

[Eh, bakit ngayon mo lang sinabi?] Nahimigan ko ang pagtatampo sa kanya.

"Surprise nga kasi. 'Wag ka nang magtampo-tampo dyan. Hindi bagay sa'yo. Hihihi." Biglang bawi ko. Maarte kasi 'to e. Gusto pang sinusuyo. Feeling chix? Hahaha. :D

[Hehe. Alam mo talaga kung saan ang kiliti ko. Oh bueno, saan naman ang agenda natin?]

"Uhm. May imemeet kasi akong friend mamaya. Magkita nalang tayo sa Mall para makilala niyo rin. But I'm sure, kilala niyo na siya."

Malamang na kilala na nila si Francis dahil sa WA din naman sila nag-aaral ni Katkat. Pero, hindi ko nalang muna sasabihin sa kanya. Hahaba pa kasi 'tong conversation namin e. Amp! (- -,)v

[Nice naman. May friend kana agad, eh kauuwi mo palang, ah?] Usisa niya.

"Nako, mahabang pag-uusap na naman 'to. Mamaya ko nalang ikwekwento. Tsaka, 'wag mo munang sasabihin kay Katkat na umuwi na ako, ha?"

[Ang damot mo talaga sa details. Hmp!]

"Hahaha. Basta mamaya nalang bes! Kitakits." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at in-end na agad ang call.

Nagpunta naman ako sa kusina para magpaalam kay Yaya Melba.

"Ya, aalis po muna ako mamaya. Makikipagkita lang po ako kina Lalaine and Katkat." Paalam ko kay Yaya Melba na naghihiwa ng gulay.

"Sige. Basta 'wag kang gagabihin ng uwi tulad nung nakaraan. Alam mo naman dito sa Pilipinas, maraming aksidente. Mag-iingat ka parati." Pagpapaalala naman niya.

Napangiti ako sinabi niya at nayakap ko siya. "Opo, Yaya."

Lumabas na ako ng kitchen at nagtungo sa kwarto ko.

Si Yaya Melba kasi ang tumayong Nanay at Tatay namin ni Kuya simula nung mga bata pa kami. Lagi kasi silang busy kaya kumuha sila ng Yaya na magbabantay sa'min. Pero di naman ako nagtatampo sa Parents ko. As long as nabibigay nila lahat ng needs ko, masaya na ako dun. ü

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon