CHAPTER TEN

98 4 1
                                    

CHAPTER TEN

Dinala ako dito sa isang park ni Francis. Dito nalang daw namin ituloy ang dinner. Pero parang wala akong balak na kumain. -___-

"Kumakain ka ba ng fishball?" Tanong niya sa'kin kaya bigla akong napatingin sa kanya.

Pinilit kong ngumiti at tumango. Hinigit niya naman ang kamay ko at nagtungo sa may nagtitinda ng fishball.

"Kuha ka na." Inabot niya sa'kin 'yung hawak niyang stick at nagsimula na kong magtusok.

Habang kumakain kami, tinititigan ko lang ang bawat paggalaw ni Francis. Ibang iba nga siya kay Elvis, pero bakit parang may mga ways siya na magkatulad sila?

"Ayaw mo ba?" Tanong niya na nagpabalik sa realidad ko.

"A-ahㅡ" Itinuon ko nalang ang pagkain ng fishball.

"Bakit umalis ka kanina sa restaurant?" Napatingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at tumayo para maglakad-lakad. Alam kong nakasunod siya sa'kin kaya hinayaan ko lang.

"W-wala lang. Para kasing hindi naman maganda na p-pakinggan natin ang pag-uusap ng pamilya nila."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Wala namang masama kung marinig natin eh. Sila na ang magkakatuluyan at hindi kana dapat magpaapekto." Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya.

'Yun naman talaga ang ginagawa ko e. Hindi ako na ako nagpapaapekto kada makikita ko silang magkasama. Pero, hindi ko talaga maiwasan eh. Masokista na ata talaga ako. >__<

"D-don't worry, I'll be fine!" Naglakad-lakad na ulit kami.

Ang dami naming naging usapan ni Francis. Pero hindi na namin naging topic si Elvis. Hindi sa umiiwas ako, dahil hindi naman na kailangan.

Hanggang sa hinatid niya na ako pauwi. Sobrang late na kasi at paniguradong nag-aalala na si Yaya Melba.

"Thankyou nga pala Frans. Nag-enjoy ako."

Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Nandito lang ako kung kailangan mo nang mahihingahan. I can be your bestfriend."

Pumasok na ako sa loob ng bahay at umalis na din siya.

Sana nga.. sana nga siya nalang ang bestfriend ko. Para hindi ako nahihirapan ng ganito.

Hay Krissa! Sana, hindi nalang totoo ang lahat ng 'to. Sana tulad nalang din ng dati. -____-

**

Tapos na ang first subject namin at nandito kami ngayong apat sa canteen. Walang nagsasalita at lahat sila ay nakakatitig lang sa'kin.

Anyareh?!

"Bakit kanina ka pa tahimik?"

"May problema ba?"

"Tsaka, bakit parang ang lungkot mo?"

Ano bang mga tanong nila? Porke't hindi lang ako nagsasalita malungkot na agad? Tch.

"Pwede ba, 'wag kayong paranoid?! Wala akong problema. Tsaka, hindi rin ako malungkot. Gusto ko lang ng tahimik na buhay!"

"ANO?! GUSTO MO NANG MAMATAY?!" Sabay sabay nilang sabi kaya napatingin ang lahat ng mga tao dito sa loob.

"Huy. 'Wag nga kayong OA. Kapag gusto ng tahimik na buhay, gusto na agad mamatay? OA niyo. Masama bang hindi magsalita kahit ngayon lang? Tss."

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon