CHAPTER NINE

97 3 1
                                    

CHAPTER NINE

First day of School dito sa Western University (Former West Academy). First subject namin ang Baking at ako palang ang nasa room.

Blockmates kami nila Lalaine at Katkat, pero wala pa sila. Sino sino kaya ang mga bago naming Classmates?

"Excuse me, Ito ba ang 1-A?" Tanong sa'kin nung lalaking parang Gay (Actually, Gay nga siya). Tumango naman ako.

Ngumiti siya at umupo sa may unahan ko. "Ako nga pala si Jeremy. Pero, Rhie nalang for short." Pagpapakilala niya at nilahad ang kaliwang kamay.

"Nice meeting you. I'm Krissa."

"Bago ka lang ba dito?" Tanong niya.

"Hindi. Elementary nung nag-aral ako dito. Tapos nung Highschool, sa Thailand na." Tumango-tango naman siya.

"Ako kasi, galing pa ng States e. Dito kasi ni Mommy gustong mag-aral ako dahil dito daw siya grumaduate."

Biglang nagdatingan na ang mga kablockmates namin. Sumunod naman sina Lalaine at Katkat na umupo sa tabi ko.

"Mga bes, si Rhie nga pala." Pinakilala ko sa dalawa si Rhie.

"Hi girl, nice meeting you. I'm Katkat."

"Ako naman si Lalaine."

"Sana makabonding ko kayo minsan."

Saktong padating na 'yung Prof namin ng matapos silang magkwentuhan.

"Good morning class. Welcome to Western University. I hope you read very well the rules and regulations of this School. And I will be your Instructor for the whole semester of this subject. I'm Abbygail Trinidad, but you can call me Ma'am Abby. So for now, I want you to prepare a 1/2 index card. It will represent as your classcard in our subject. Write your name and your course as well." Pasimula ni Ma'am Abby.

Mukha naman siyang mabait at bata pa. So, naghanda na nga kami ng index card at sinulat ang pangalan. Isa isa naming pinasa kay Ma'am Abby ang index card.

"So, when I call your name, please say PRESENT." Inaayos niya muna 'yung mga index, tapos isa isa na kaming tinawag.

"Arandia, Jeremy E."

"PRESENT!"

"Beltran, Maria Lalaine P."

"PRESENT!"

"Chen, Maria Atasha Krissa L."

"PRESENT."

"De Leon, Maria Katrina B."

"PRESENT."

Marami pang mga tinawag si Ma'am at nag-start na rin siyang mag-lecture about sa Principles of Baking.

Maya-maya, nagpadismiss narin si Ma'am at may binigay siyang report sa'min.

"Okey, since 25 lang naman kayo ngayon, I will group you into 5 groups and by surnames nalang ang magiging bilang natin. Your group reports will be presented in our next meeting."

Kagrupo ko sina Lalaine, Rhie and Katkat. May sinama pa sa'min si Ma'am na isang kagrupo. Lalaki siya at Patrick Ferrer ang name niya. Hindi ako pamilyar sa mukha niya at ganun din 'yung dalawa.

Nag-meeting muna kami ng kanya-kanya naming ireresearch at naghiwahiwalay na. Pero si Rhie ay sumama pa sa'min.

1 hour vacant namin ngayon at nandito kami sa Canteen.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon