CHAPTER TWELVE

115 2 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"Mga beks, bagay ba sa'kin?" Napatingin kaming tatlo kay Rhie paglabas niya ng fitting room. At sabay sabay din kaming napa-nganga pagkakita sa kanya.

O___O

"Alam mo Beks, hindi mo naman kailangan magsuot ng pambabaeng damit para lang ipamukhang bakla ka e. Sa galaw mo palang, alam na ng lahat ang tunay na pagkatao mo!" Natatawang sabi ni Kat.

Pa'no kasi, nakasuot ng tank top si Rhie habang naka-six inches heels.

Nag-poutylips naman si Rhie at pumasok ulit sa loob ng fitting room.

"Eh, hindi naman 'yun ang gusto kong ma-achieve eh! Gusto kong maging tunay na girl. As in, merlat, perlas, babae, babaihin, murat at kung anik-anik pa! Gusto ko kasing matupad ang dream ko na makasali sa Missc Universe." Sabi ni Rhie habang nasa loob.

"As if namang ma-achieve mo 'yang dream mo! Bawal kaya ang transgender sa Miss U. Kaya, wala kang pag-asa beks! Pang Miss Gay ka lang." Dagdag pa ni Lalaine.

Lumabas na si Rhie na naka-pameywang at Naka-irap sa'min.

"Ano naman? Walang imposible sa mundo. Malay niyo, ako ang kauna-unahang Miss Universe na beki at transgender dito sa Pilipinas. Just wait mga Beks."

"Don't worry Rhie. Naka-suporta kami sa'yo." Sabi ko at umakbay ako sa kanya. "Kaya kumain na muna tayo." Dagdag ko pa.

Lumabas na kami ng botique at naghanap ng makakainan.

**

"Mga bes, malapit na pala Debut ko. Ano bang magandang mottif? Pinepressure na kasi ako nila Mommy e." Saad ni Katkat habang naka-Ninoy Aquino look.

"Bakit kaya hindi mo itry 'yung Masquerade theme? Bongga 'yun!" Sabi ni Rhie.

"Masyado na kayang common 'yun Beks. Dapat 'yung bongga at bihira lang gawin. Like, pool party. Simple lang pero masaya." Suggestion ko.

"Oo nga beks. Bet ko 'yung suggestion ni Krissa. Atleast, makikita ang mga curve ng katawan natin. 'Di ba?" Masayang sabi ni Katkat habang nakipag-apir pa kay Rhie.

Nang masettle na namin ang plano ni Katkat for her debut, nag-umpisa na kaming kumain. Napansin naman namin na kanina pa tahimik si Lalaine.

"Bes, ba't parang ang tahimik mo?"Dati, ako lang ang mahilig mag-senti, tapos ikaw na ngayon?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang kami isa-isa at nag-umpisa na siyang kumain.

Nagkatinginan namang kaming tatlo na parang nagtataka sa nangyayari kay Lalaine. Ayos naman siya kanina eh.

"Bes, may problema ba?" Tanong ko ulit.

"Oo nga. Share mo naman! Bestfriends mo naman kami e." Sabi naman ni Katkat.

"Baka pwedeng maki-bestfriend narin sa inyo? Share mo na beks." Dagdag pa ni Rhie.

Tumigil sa pagkain si Lalaine at seryosong nakatingin sa'min. Tapos, bigla nalang siyang naiyak.

"N-nakita ko k-kasi si I-ivan pati 'yung b-bago niyang G-girlfriend e." Naiiyak na sagot niya.

"Saan mo naman nakita? Parang wala naman akong napansin na Ivan?" Tanong ni Katkat.

"K-kanina, sa l-loob ng isang botique h-habang naglalakad tayo at n-naghahanap ng makakainan. N-napansin ko s-sila.." Patuloy parin sa pag-iyak si Lalaine. Hinimas ko 'yung likod niya at niyakap siya.

"Tama na bes. Past is past nga, 'di ba?"Hayaan mo na silang maging masaya. Makakahanap ka rin ng magpapasaya sa'yo." Sabi ko.

"Malay mo naman bes, hindi talaga siya ang para sa'yo! Just wait bes, someone will come in your life, soon. Just wait." Dagdag pa ni Katkat.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon