CHAPTER SEVEN

100 3 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"May gusto ka ba kay Elvis?"

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Alam niya bang may gusto ako kay Elvis? Nahahalata niya kaya ako?

Inaangat ko ang ulo ko at nakamasid lang siya sa'kin.

"Hindi naman siguro malabong magkagusto ka sa kanya, 'di ba? I'm sure, oo. Matagal kayong naging mag-kaibigan. Babae rin ako kaya hindi pwedeng hindi ko mahalata. But I'm sorry Krissa. Elvis is now mine. Itigil mo na ang pagpapantasya sa kanya. Pero don't worry, hindi ko naman sasabihin sa kanya e." Sabi niya at tumayo na. Saktong palabas na ng CR sina Rica at Smyleen kaya siya naman ang pumasok.

Nakatulala lang ako habang inaalala ang mga sinabi ni April.

Oo, matagal na nga akong may gusto kay Elvis. Ang tagal kong umasa na sana siya ang maging first boyfriend ko. Pero umaasa nga talaga ako. Kasi, hindi naman ako ang pipiliin niya. Kahit na ipilit ko ang sarili ko, sila parin ang itinakda. Parang mga lovestories lang 'to sa wattpad e. Tss!

Di ko na tuloy maiwasang mapaiyak. Ang sakit kasi ng sinabi ni April e! Tagos hanggang backbone ko.

'Wag na daw ako magpantasya kay Elvis? Ouch. Parang sinabi niya na layuan ko na si Elvis dahil kanya na ito. Grabe lang, ha?!

Tanggap ko naman na kanya na si Elvis e.

Tanggap ko nga ba talaga? Ang bitter ko pa nga rin eh. Kasi, gusto ko na kami ang magkatuluyan.

Pero kung hindi, tatanggapin ko nalang talaga. Kahit mahal ko pa siya.

**

Bumaba na ang lahat para sa dinner ng section namin. Katabi ko 'yung dalawa ngayon habang masaya sila sa pagkwekwentuhan.

"Hoy. Kanina mo pa hindi ginagalaw 'yang pagkain mo. Anyareh sa'yo bes?" Pansin sa'kin ni Katkat.

"W-wala.."

"Pwede ba namang wala? Hello! Kilala ka namin Krissa. Kapag may pag-eemo kang ganyan, alam naming may problema ka. Tell me, may ginawa ba sa'yo 'yung April bruhilda na 'yan?" Sabi naman ni Lalaine.

Tiningnan ko silang dalawa na parang nangungusap. Agad naman nila akong nagets at hinila palabas ng hotel.

Nandito kami ngayon sa Hotel Garden at nakaupo sa mga bermuda grass.

"Ano bang ginawa sa'yo ni April?" Agad na tanong ni Lalaine.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.

"T-tinanong niya kasi ako kung may gusto ako kay E-elvis."

"WHUUT?! Alam niya na ba?" Gulat na tanong ni Katkat. Napatango naman ako.

"Oh, anong sabi niya sa'yo?" Tanong naman ni Lalaine.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. 'Yung tingin na parang maluluha na.

"S-sabi niya.. itigil ko na raw ang pagpapantasya kay E-elvis. S-sa kanya na daw kasi ito." Napaiyak na nga ako ng tuluyan. Lumapit naman sila sa'kin at niyakap ako.

"Gahd! Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin niya 'yun?! Pag-aari niya na ba si Elvis at kung makㅡ" Tinakpan ni Lalaine 'yung bibig ni Katkat kaya napatigil ito sa pagsasalita.

"Naririnig niyo ba 'yun?" Sabi ni Lalaine habang nilalapit 'yung tenga sa parte na may kumakaluskos.

Maingat na nagtungo kami sa parteng iyon, at nakita namin si April at Elvis na naghahalikan.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon