fifteen

182 15 0
                                    


Light

nag sisi ako at naawa ako kay andreas hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang problema nya.  Ang totoo naguguilty ako dahil wala naman akong pinag kaiba sa mga taong nag huhusga kay andreas at mabababaw ang pang unawa dahil lang sa may nangyari sa amin kinalimutan ko na lahat ng pinag samahan namin at iniwasan sya.

Alam ko naman na nakakaoverwhelmed ang nanyari sa aming dalawa pero hindi ko dapat sya iniwasan na parang may kasalanan sya sa akin. Kahit nakadrugs at lasing ako non alam ko na isang salita ko lang sa kanya titigil sya pero hindi ko ginawa.  Ito ang ayaw kong aminin sa sarili ko kaya sobra akong naaapektuhan ng nangyari sa aming dalawa. Ginusto ko yon.  Gustong gusto

Ayaw ko mang aminin hindi mabubura non ang katotohanan na yon.  Ginusto ko lahat ng nangyari.  Ngayon na naamin ko na yon sa sarili ko gusto ko na lang isipin ang payo ng ate ko na balewalain ang lahat dahil hindi ganon kahalaga ang ano ko.

Ilang beses ko ng sinabi iyon pinag sigawan ko pa sa buong cafeteria kaya break muna para na kasing nakkuryente ang labi ko sa pagiging bargas ng bunganga ko.

Mas naging close kami ni andreas ngayon.  Nakikita ko din na nagiging masayahin na ulit si andreas. Masaya ako para sa kanya unti unting nagiging normal na ulit ang buhay nya sa campus.

Napapansin ko din na mas madalas na syang umuwi sa akin kesa sa Bahay nila nakwento nya na hindi maayos ngayon ang relasyon nya sa mga magulang nya.  Gustuhin ko mang mag tanong para makaisip ng solusyon sa Problema nya pero iniiwasan nya lagi ang topic pansin ko. Na sensitive para sa kanya ang issue ng pamilya kaya hindi na ako nakialam.

Sinusuportahan ko na lang sya sa. Paraang alam ko.  Lagi nya akong kasama to the point na assistant na nya ako mas inuuna ko pa sya kesa sa sarili ko.  Lahat ng kailangan nya kapag kasam nya ako binibigay ko.

Pinag luluto, pinag lalaba,  minamasahe, taga bili ng deodorant, taga bili ng snacks ng tubig at ng kung ano ano. Normal Na lang din sa  namin na gawin iyon. yes nasundan pa iyon ang totoo naging normal na nga lang sa akin na sa weekends mag tatalik kami. wala kamimg label o ano mang usapan. Parang nangyari na lang at walang salita na nag kaintindihan kami sa set up na iyon.

Pakiramdam ko lahat ng pag aalaga na hindi ko nagawa sa iba lahat ng pag aaruga na hiniling ko na meron ako  nabuhos ko iyon lahat sa kanya.

Kahit wala kaming label in fairness sa Kanya wala na syang iba ako lang kahit ang makipag landian sa iba hindi nya ginagawa. Umiiwas na din sya sa mga babae simula ng ginulo sya ni karin.  Sabi nya kung may magandang nangyari sa eskandalong nangyari sa kanya ay yung nakita nya kung sino ang mga tunay nyang kaibigan.

Naging mas maingat na din sya sa mga taong sinasamahan nya bukod sa akin at sa mga team mates nya hindi na sya sumasama sa iba.  Sabado ngayon at may practice siya ng basketball sa apartment ko sya matutulog ngayon.

Gabi na pero hindi pa rin sya umuuwi inaantay ko sya buong gabi at nag ttext ako sa kanya pero hindi sya sumasagot nag aalala na ako sa kanya hindi man lanh sya nag rereply.

Dumating na ang lunes pero absent din sya tinanong ko ang team mates nya at ang sabi nila sa akin ay Nag bakasyon ang buong pamilya nila sa eurupe.  Gumagawa ng mga organic make up ang mama nya at narecognize ito sa paris kaya para suporyahan ito sumama silang lahat kasabay na din amg bakasyon..

Nakalagay ang bakasyon nila sa facebook.  Hindi ako masyadong nag ffb nakakagulat pa ba yon??  Wala akong friends and family. Nakikita kong masaya sya sa mga puctures mukhang ok na sila ng pamilya nya.

Four days sila doon inaabamgan ko talaga na makabalik sila. Alm kong nasa Pilipinas na sya pero hindi pa sya nag papakita sa akin. Ng magkita kami sa. Klase kahit may konting tampo ako mas excited akong makita sya. Agad akong lumapit at hinampas ko sya sa ulo

"hoyyyyy nandito ka na palang hayop ka!!"

"aray ko"

"kamusta maganda ba sa europe?? "

"oo ang ganda don"

"bwisit ka enjoy na enjoy ka hindi ka man lang nag sabi sa akin na hindi ka pala matutulog sa bahay ko! "

Biglang kumukot ang noo nya at tumingin sa akin

"bakit kailangan ba? "

BOOM

Yan na nga ang sinasabi ko ehhh kunyari lang ako ang totoo umaasa na ako assuming feelingera lahat na.  Kailangan ko ng itigil to kailangan medyo ibaba ko yung pag aaruga mode ko. Pinilit kong hindi pahalata ang pag kapahiya kk

"hindi naman!! pare talaga.  Hindi ko lang alam na umalis ka pala ng bansa hinahanap kita"

Nakangiti akong tumalikod nag iinit ang tenga ko sa  sobrang pag kapahiya ko. Pinilit kong mag concentrate sa Klase buti na lang at kailangan ko talagang mag focus sa subject na ito kaya kahit papaano na divert ang isip ko

Naging normal pa din ang pakikitungo ko kay andreas pilit kong tinatanggal ang ego ko dahil ako naman ang may gawa sa sarili ko nito. 

Pinilit kong maging abala lalo na sa Weekends ayoko na parang nag hihintay ako sa bahay at parang nag eexpect na may mangyari sa amin ni andreas.

"hello pare nasan ka? "

"bakit?"

" Nandito ako sa bahay mo dito ako matutulog"

"umuwi ka muna sa inyo night shift ako ehh"

"bakit ka kasi night shift kausapin ko Na Lang si utol para maayos natin yung schedule mo"

"wag na ok na sabihan mo ako ng maaga kung dyan ka matutulog para mabigay ko sayo yung susi"

Matagal bago sya sumagot

"hello nandyan ka pa ba?? "

"light"

"ano?"

" wala lang"

"siraulo ka pare busy ako"

Binaba ko na agad ang phone at nag pasya na ngayong ok na siya dapat itigil ko na ang feeling nanay at girlfriend nya

I Am yoursWhere stories live. Discover now