forty six

188 13 3
                                    

Di ba ang bait ko ang dami kong update. 

Amell

May check up ako ngayon. nag aalala si andreas dahil late na namin nalaman na buntis ako. Bigla ding laki ng tyan ko at hindi na mag kasya lahat ng pantalon ko. Ayaw rin naman akong magsuot ng pantalon ni andreas kahit garter na short kapag nakikita nya akong suot yon umiinit ang ulo nya at pinapagalitan ako.

Marami namang buntis na nakashort may maternity nga na short pero hindi ko na sya kinokontra ok na yon sunod na lang. Para walang stress dapat talaga may mag papakumbaba sa isang relasyon hindi pwedeng dalawa kayong palaging tama.

Ngayon nag bubuntis ako gusto ko pa din na lagi kong kasama si andreas ganito ako noon sa dati naming baby pero noon hindi ko masabi sa kanya at least ngayon pwede na.

Alam ko madalas clingy ako at sobrang matampuhin pero ayaw ko naman na abalahin sya  pero sabi naman ng mga  friends ko dapat nasusunod lahat ng gusto ko dahil gusto yon ng baby. para lumaki syang masaya at malusog  dapat masaya din ang nanay.  Sinabi ko yon kay andreas at mula nga noon lahat ng cravings ko sinasabi ko sa kanya at agad naman nya iyong sinusunod.  Dapat maging masaya si baby para mag stay sila sa tyan ko.

"andreas!!"

Nag pprepare na ako para sa check up namin.  Pero bigla na lang akong nahiga sa kama Agad na pumasok sa kwarto si andreas. At nakita ako na nakahiga sa kama

"bakit anong nangyari"

"ayaw nilang tumigil Gumalaw natatakot ako baka malaglag sila sa sobrang likot"

"ano ka ba wag ka ngang mag salita ng ganyan! "

Lumapit sya sa akin at tinaas ang bestida ko hinaplos nya ang tyan ko at hinalikan ang umbok

"hi babies naglalaro ba kayong dalawa dyan??? Wag kayong masyadong makulit nag woworry si mama"

Nakakapagtaka naman na medyo nabawasan ang pag galaw nila hindi ko pa masyadong Kinakausap ang mga ito dahil hanggang ngayon ay may kaba pa rin akong mararamdaman pero ngayong nakikita ko si andreas na nakikipagbonding sa Mga anak ko kahit nasa loob pa sila ng tyan ko parang nainggit naman ako.

Kinausap nya pa ng kung ano ano ang mga baby namin umupo ako at pinagmasdan syang tuwang tuwa sa tyan ko.  Hindi ko napigilan ang sarili ko hinaplos ko ang buhok nya habang kinakausap ang mga anak namin sandali lang syang natigilan pero hindi naman nya ako pinigilan

Mayamaya nakatulog na sya sa hita ko ang ganda nila tignan kaya naman kinuha ko ang phone ko at pinicturan ko siya kasama ang tyan ko

"my babies"

Ginawa kong  wallpaper sa phone ko ang pic.  Sobra pa akong kinilig pinagpatuloy ko pa ang pag hawak sa buhok nya habang mahinang kumakanta.

Mahigit isang oras ko din syang pinanood matulog hindi ako na bored ang weird. Nagulat ako ng bigla syang nagising.

"your check up!! anong oras na?? "

Tumayo sya agad at tinulungan akong magbihis. Umalis kami agad at dumiretso Sa OB ko.

"hello Mr.  & Mrs.

"sorry po doc nakatulog ako"

"hmmm mukhang ikaw ang naglilihi ahh"

"hindi naman doc wala nga po syang morning sickness"

"buti naman common sa multiple pregnancy ang sobrang paglilihi buti na lang at mabait ang babies kay mommy"

Nahiya naman ako hindi pa rin ako sanay na tinatawag na mommy.  Nag umpisa na ang check up nag timbang, bp, at kung ano anong tanong ng mag umpisa na kami sa ultrasound nalamigan ako sa jelly na nilagay pero napansin ko nagulat ang doc ng makita na nya ang mga anak ko sa Screen natakot ako dahil sa reaksyon ng mukha nya.

I Am yoursWhere stories live. Discover now