sixty

176 20 10
                                    

Thank you po sa support nyo ilang araw kong ginawa ang chap na ito at sa huli umabot na ako ng almost 3k words at hindi ko pa rin nagawa yung climax mg chap kaya pinutol ko na lang.  Hayyyyyy dapat maayos ko na ito sa next chap.

Dedicated to my beautiful readers na laging nandyan para pasayahin ako.  Dati wala akong reader kaya bara bara lang ako pero ngayong may nag babasa na.  Nahiya naman ako kaya pipilitin ko pong ayusin.. Charr⊙_⊙

reigntira Simplyjustcecil MaLoidaMomper Dromenxhia08 lei_pineda Lavademonxx girlintheshadow01 PrettySherlock24 RosemeldaLeoparte LaLaEilish RositaLlagas rjadex AlloleaDawan crinaxe





Amell

"pakasal??  Ano namang pumasok sa isip mo at mag papakasal tayo? "

"di ba sabi mo peke ang kasal natin at wala kang bilib doon sa kasal natin kaya eto na. Siguro naman hindi mo na pag dududahan ang kasal natin ngayon"

Natigilan ako sa sinabi nya. Totoong pinagdududahan ko ang kasal namin. Pakiramdam ko any moment pwede nyang ipawalang bisa yon kapag nag sawa na sya sa akin o kaya naman nag decide sya na hindi nya na ako gustong makasama.noon pa man Pakiramdam ko palabas lang ang pagiging Mrs.  Andreas john soriano ko.

Hindi ko inaasahan na alam nya pala ang hinanakit kong ito sa kasal namin.  Teka lang nabasa nga pala nya ang mga baby diaries ko.  Bwisit ano pa kayang kalokohan ang mga nasulat ko doon.  Hindi ko na maalala. Hindi ko naman siguro sya namura doon.

"ano pa bang nabasa mo sa baby diary ko? "

Hindi nya ako sinagot at tumingin lang sa nag lelecture.  Pero nakita ko pa rin ang pag ngiti nya.

"wala naman siguro akong sinabing masama doon di ba? "

"makinig ka na lang"

"ikaw kasi dapat hindi mo binabasa yon ehh"

Hindi sya sumagot at seryosong nakikinig sa nag lelecture.

"papakasalan mo talaga ako?"

"oo  gusto ko rin na mag pakasal sa Simbahan. gusto ko na may basbas na ang pag sasama natin"

Nag init ang katawan ko. May basbas ang pag sasama namin???  Para bang ang seryoso ng mga salita nyang iyon.  Pakiramdam ko parang nagtapat na rin sya at sumusumpa sa dyos na ako lang ang mamahalin at aalagaan nya.  Grabe tinatanggal ko nga sa utak ko ang mga gantong imahinasyon ehh pero kapag ganito kaseryoso si andreas lumulundag ang puso ko. Sinikap ko na lang na pagaanin ang mood.

"mag gogown ako?? "

"kung gusto mo"

"ayaw "

I Am yoursحيث تعيش القصص. اكتشف الآن