twenty seven

189 10 1
                                    

Andreas

Nag pakasal kami sa isang huwes Kinabukasan lang din wala man lang espesyal ni hindi nga kami nag bihis akala ko hindi sya papayag pero nahila ko din syang pumunta sa judge at pumirma sa marriage contract.  Yung mga kaibigan lang ng ate nya sa club ang nag witness.

Parang nakakaloko ang ngiti ng ate nya pero wala akong pakialam. Hinding hindi ako magagawang tanga ng pamilya ko

"pakaSalan??? Bakit?"

"syempre para tumigil na ang issue sa akin. Isa pa nabili na kita for life at ayaw kitang tigilan. Kapag nag pakasal ako doon magiging kabit lang kita gusto mo ba yon? isa pa alam mo na kung anong gusto ko sa kama ayaw ko ng mag train pa ng iba"

"magtrain??..    Tangina! anong tingin mo sa akin?? Nag mamartial arts sa kama?? sira ulo hayop!!!"

"isipin mo mahahassle tayong dalawa kapag naging kabit pa kita ikaw na lang din parehas lang yon walang mababago ganon pa din ang
Magiging papel mo"


Hindi nya ako sinagot at lumabas na sa kwarto pero ng sinabi ko sa kanya na ikakasal na kami at pupunta na kami sa judge hindi naman sya tumanggi


Bumalik kami sa bahay na parang walang nangyari. I set up a meeting with my family para ipakilala si light nagulat sila ng makita nilang kasama ko sya. And light being light hindi man lang nag ayos para maging presentable sa harap ng magulang ko. Halos atakihin ang mama ko ng ipakilala ko siya bilang asawa ko.

"ma asawa ko po naaalala pa po ba niyo sya?"

"anong kalokohan ito andreas!!"

"why ma?? Its your idea di ba??? Kapag nag pakasal ako matitigil na ang issue. Tha's what i did hindi ko maintindihan kung bakit kayo nagagalit?"

"andreas hinding hindi ko matatanggap ang basura na yan sa pamilya natin"

Tinignan ko si light na parang walang naririnig at patuloy lang na kumakain

"pamilya ng mga prostitue, nag palaglag ng bata sa sinapupunan nya ganon bang klase ng babae ang gusto mong mag dala ng pangalan mo?"

"ahh about that ma we already talked about it she did not abort our child she had a miacarriage its all settled so were good"

"that doesn't changed kung anong klaseng babae yan tignan mo nga ang itsura nyan?"

Tinignan ko si light na naka t-shirt at tsinelas lang at sarap na sarap na kumakain ng ulam naming lenggua parang wala lang sa kanya na pinag uusapan sya na parang asong gala na pinandidirihan. Ng tumingin sya sa akin ngiting ngiti pa aya sa akin

"baby tikman mo to ang sarap!! Aaralin ko ito luluto ko to sa bahay"

Sinubuan nya ako nagulat man ako sa kinilos nya pero natutuwa na din ako na hindi sya naapektuhan sa pang lalait ng pamilya ko

"sarap talaga nito aaralin ko to"

Hindi nakatiis ang mama ko at nilapitan sya at tinapon ang kinakain nya sa kanya

"hinding hindi ka magiging kabilang sa pamilya ko. Never kitang tatanggapin. Hindi ako papayag na ikalat mo pa ang baho nyo sa pamilya namin!"

Parang wala lang na tinignan ni light ang damit nya

"ma!! Hindi ako papayag na ganyanin nyo sya kahit anong gawin nyo kasal na kami!"

"Andreas alam kong ginagawa mo lang ito para hindi matuloy ang kasal mo! Hindi ako naniniwala sa palabas mo. itutuloy ko pa rin ang kasal itigil mo na to di ko yan matatanggap kahit kailan"

tumayo na ako para umalis pero nagulat ako ng nag paalam pa si light

"mama in law papa in law alis na po kami balik na lang po kami next family dinner"

I Am yoursWhere stories live. Discover now