fifty nine

171 18 15
                                    


Thanks to beverlycapuno09 DiosalynCarrasco jetaimeiloveyou143 MaLoidaMomper xxkim02xx rjadex PrettySherlock24 RosemeldaLeoparte girlintheshadow01 LaLaEilish Maiemarann

Salamat  sa pag support sa I am yours alam ko marami pa syang kailangang ayusin minsan naiisip ko walang nag babasa pero kahit isa lang na may mag sabi na nagandahan sila ang saya saya ko na po talaga. Salamat po talaga sa inyo more than 2k ang words ang sinusulat ko pero onw word lang galing sa reader ang mabasa ko at wala ng tatalo pa sa galak na aking nararamdaman.  ^ω^^ω(*´∇`*)
╰(*´︶'*)╯yiheeeee

Amell

Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos lumabas nang mga anak ko at dinala na ako sa recovery room dahil nakatulog na ako pag kagising ko. Nasa kwarto na ako at hawak hawak ni andreas ang kamay ko at ng makita nya na gising ako  agad nya akong inasikaso at maingat na inalalayan

"anong nararamdaman mo?  may kailangan ka ba?"

"ok lang ako kanina pa ba ako tulog nasaan na ang mga anak natin?"

"nasa NICU nandoon na din sila mama"

"bakit wala ka doon?"

"wala kang kasama ehh"

"ahhh ang sweet naman ng daddy"

Nakita ko na namula sya pero hind ko na pinansin. Dumating naman ang nurse dahil kailangan ko na daw magpa breastfeed. Nahihirapan ako dahil masakit ang sugat ko pero nasa tabi ko palagi si andreas para alalayan ako.

Pag pasok ko sa nursery nakita ko ang tatlo na walang tigil sa pag iyak. Para akong naoverwhelmed sa iyak nila.

"papadedehin ko ang tatlong yan?? Paano dalawa lang ang dede ko?"

"Tuturuan ko po kayo"

Pinadede nila sa akin Ng sabay ang dalawa. Sobrang sakit ng una silang dumede pero habang nakikita ko kung paano sila gutom tiniis ko lahat.  Habang pumapalahaw naman ng iyak ang isa may nilalayay lang na parang tubig sa bibig nya habang nag hihintay.

"kawawa naman si antonio bakit sya ang huli?"

"yung bunso po kasi sobrang baba ng timbang. Itong pangalawa naman po mahina ang baga. Sa kanilang tatlo ang panganay po ang pinakamaganda ang kalusugan"

"ayyy very good naman si antonio. Unahin muna natin yung mga bata mong kapatid ha pero pareparehas ko kayong mahal ha.  Kulang lang talaga ang dede ni mama"

Ng matapos ang dalawa si antonio naman ang pinadede ko. Mas may moment kami ni antonio napag masdan ko talaga syang maigi.  grabe halos dalawang oras ako nagpa breastfeed dapat madami akong i produce na gatas dahil tatlo sila.

Pag balik namin sa kwarto nandon na ang pamilya ni andreas. medyo naiilang pa ako pero sabi ni karla ito ang pinakamagandang moment kung saan nag kakasundo ang mga mag kakapamilya.  binati kami ni andreas ng mga kapatid nya pero tahimik lang ang magulang ni andreas.

I Am yoursWhere stories live. Discover now