twenty

183 13 0
                                    

Light

Nag mamadali akong nag bihis at umalis sa kwarto kung saan ako nag paubaya kay andreas ang totoo natutuwa ako na sya ang nakabook sa akin.

Tinignan ko pa sya habang natutulog bago tumakbo papuntang ospital. Nakita ko sa labas ng operating room si ate halata ang pagod sa mukha nya.

"ate kamusta na eto ohh pera"

Tinignan lang ni ate ang perang  binayad sa akin ni andreas kanina at bigla akong sinampal.

"puta ka!!!  Pag katapos mo kaming maliitin ni nanay dahil pokpok kami!  Pag katapos mong paghirapang mag aral. Tang ina mauuwi ka lang din pala sa pag puputa! "

Nag maang maangan ako sa kanya dahil ayaw kong aminin na nag benta ako ng katawan para sa pera kahit sa sarili ko hindi ko yon matanggap

"ano bang sinasabi mo ate inutang ko to"

"inutang??  Mag sisinungaling ka pang hayop ka!  Tinawagan ako ni mama obet dahil sa eskandalong ginawa mo sa bar nya!! "

Hindi ko na natago ang nararamdaman ko at napaiyak ako sa harap nya

"ate kailangan natin ng pera. Ate, si nanay"

"kaya ko! ginagawan ko ng paraan"

Parang hirap na hirap na napaupo si ate kitang kita ko kung gaano nya pinipilit ang sarili nya

"tanginang hayop lang kasi yon si mr.  Ho napakababoy kung hindi lang malaki mag bayad yon hindi ko ako mag papabook don ehh kaya pala ang mga pumapatol lang don mga babaeng kapit sa patalim"

Nakikita ko kung gaano na nahihirapan si ate para matustusan ang operasyon ni nanay halos hindi na sya makalakad wala naman akong maitulong dahil minimun wage earner lang ako kahit nga gamot ni nanay hindi ko mabili sa sweldo ko kaya naman nilunok ko ang pride ko lahat ng kahihiyan ko at nag punta ako kay andreas.

Dama ko pa rin ang galit nya pero binaliwa ko ang takot ko,  ang hiya ko ang dignidad ko. Pumayag akong ibenta ang sarili ko wala akong pakialam. Galit na galit nya akong pinalayas kaya naman dumiretso ako sa isa sa mga bar kung saan nag sisideline si ate.

Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao wala akong maitulong man lang sa sitwasyon namin at ang ate ko halos wala ng natira sa kanya kaya naman napag desisyunan kong hahanap ako ng pera wala akong pakialam kung anong kapalit tama na ang sakripisyo ng ate ko sobra sobra na yon.

"ate hayaan mo na hindi na kaya ng katawan mo ehhh"

Umupo kami sa bench na nasa hallway at pinahiga ko si ate sa hita ko

"kamusta pinahirapan ka ba doon? "

"ate kaya ko pangako kakayanin ko"

Hindi na nag salita si ate nakita ko na nakatulog na sya hinaplos ko ang buhok nya at pinag masdan ang namumutla nyang mukha.

Bumalik ako ulit sa bar na pinasukan ko kahapon nakaligtas si mama sa una nyang operasyon pero marami pang susunod kaya kailangan kong mag ipon.

Nakita ko ang mga hilerang magagarang sasakyan.  Hindi mo iisipin na may sideline na ganito ang bar dahil napakasosyal nito sa labas kung hindi lang siguro dahil kay ate hindi ako makakapasok sa isang ganitong lugar.

Ng makita na kami ng potential customer mag aantay na lang kami ng booking kapag dalawa ang nag book sayo mamimili ka ng mas malaking offer.

"oiii liwanag ng buhay 2 ang nag book sayo sinong kukunin mo?"

"anong offer?"

"isang 5 isang 8"

"nasaan si 8?"

"halika samahan kita"

Nag punta kami sa table ng isang matandang lalaki binigyan nya ako ng card kung saan ko sya pupuntahan.

"room. 415 blend hotel"

Ngumiti ako at nauna na ang matanda ng makalabas ako ng club hinarang ako agad ni andreas at hinila papunta sa kotse nya pero nag pumiglas ako

"ano ba!!!! Bitawan mo ako!"

Hinampas ko sya hanggang sa mabitawan nya ako at tumakbo papuntang sakayan ng taxi pero inabutan nya ako at binuhat papunta sa kotse nya.

"ano ba bitawan mo ako! Tang ina mo nakabook ako ngayon hindi pwedeng hindi ko yon siputin mababanned ako sa club na yon"

"hindi ka pupunta don! Hayop ka nag puputa ka na talaga?? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo??"

"wala kang pakialam"

Pilit nya akong pinapapasok sa kotse nya pero nag pupumiglas talaga ako namuhay ako na kilos lalaki kaya hindi nya ako pwedeng kayan kayanin

Hinawakan nya ako sa dalawang balikat at sinandal sa kotse

"tang ina mo ang baboy mo binebenta mo ang katawan mo!"

Alam ko noon, ako ang unang tao na nandidiri sa mga babaeng binebenta ang katawan nila at habang nakikita ko ang mukha nya parang bumalik sa akin lahat ng masamang pag trato ko sa nanay ko. Ganito siguro kasakit ang mga salitang binibitawan ko noon pero lagi pa ring nakangiti ang nanay ko at hindi nagagalit sa akin.

Flashback

"ma wag nyo na po akong hatidan ng pag kain makikita ka ng mga classmate ko nakakahiya pag tatawanan na naman nila ako"

"ayy ganon ba anak? Pasensya na anak wag ka ng busangot dyan iiwan ko na lang kay titser yung baon mo dion mo na lang kunin ha"

"sige nay basta wag kang mag papakita sa mga classmate ko ha nag bebenta ka daw kasi ng laman ang dami mo daw kasing lalaki bakit kasi ganyan ka?"

"eto lang ang alam kong trabaho anak"

"nakakahiya kaya tawag sayo maduming babae"

Ngingitian lang ako ni nanay babaguhin ang topic pero hindi mo sya kakikitaan na napapahiya o nalulungkot lagi syang masayang mag kukwento hindi ko ito napansin noon dahil na din sa kabataan ko pero ng lumaon nakasanayan ko na na ganon ang trato sa nanay ko. Tulad ng ibang tao pinandirian at kinahiya ko din sya.

Hindi ko alam na lumuluha ako lumambot ang hawak sa akin ni andreas kaya naman napaluhod ako nawawala ang lakas ng loob ko at tapang na harapin ang desisyon ko ang panagatawanan na mag benta ng laman pero ng maalala ko ang itsura ng ate ko nabura iyong lahat

Inangat ko ang tingin ko at tinignan sya

"parang awa mo na!! Kailangan ko ng pera hayaan mo na ako"

Buong lakas akong tumayo at pumunta sa mga taxi na nag hihintay ng pasahero. Hinila nya ako ulit wala na akong lakas para lumaban. Bukas naman ulit ubos na ubos na ako ngayon.

Habang nasa sasakyan ako iniiisip kong mabuti kung paano nangyari ito sa akin  ano bang ginawa  kong masama sa buhay ko pinilit ko namang maging mabuting tao.

Bigla kaming tumigil pero wala na akong pakialam sa kanya bigla syang may inabot sa akin

"5 milyon binibili kita sa halagang yan. Mula ngayon sa akin ka lang nakabook hanggat hindi ako nag sasawa sayo"

I Am yoursWhere stories live. Discover now