three

342 34 9
                                    

Andreas

Natatawa ako sa itsura nya  ng matigilan sya dahil sa pizza pero ayaw kong ipahalata at baka lalo syang magalit.  Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako agad nakaalis ng pinalayas nya ako sa bahay nya kaya naman narinig ko ng sumigaw siya ng pizza.  Medyo naguilty ako dahil narealize ko kung gaano ko sya naperwisyo just because of my childish acts.

Hindi na ako nag isip dumiretso ako sa shakey's at bumili ng pagkain habang sinusubuan ko sya lalo akong nakokonsensya sa nagawa ko sunod sunod syang kumain halata mong gutom na gutom na sya ilang araw na mula ng maaksidente sya mula ba noon buscuit lang ang kinakain nya?

Habang nag uusap kami napapansin kong nakukuha nya ang interest ko kahit pa minsan sumasakit pa ang tenga ko sa mga astig na salita nya pero may cons din naman ang pakikipag usap sa tomboy na to. parang kasama ko lang ang mga team mates ko chill lang sya kausap wala syang arte dahil pare din sya

Ng sabihin nya sa akin ang nakaraan nya nakaramdam ako ng awa sa kanya i guess hindi mo dapat i categorize ang tao based sa preferrence mo nabuksan ang mga mata ko sa kababawan ko dati para tuloy akong nahiya sa sArili ko dahil naaksidete Sya ng dahil naiinis ako sa mga tomboy na tulad nya

Bago ako umuwi bumili pa ako ulit ng pizza para sa kanya nagulat sya ng bumalik ako at ng nag paalam sya doon ko lang nakita ang ganda nya bilang babae hindi ko ito napansin ng nasa loob ako ng bahay nya dahil medyo madilim doon mas maliwanag pa sa labas dahil sa mga street lights kaya naman ng lumabas kami  nakita ko ang grey nyang mga mata  bigla akong nahiya ng nakatingin ako sa kanya

Kinabukasan dumaan ako sa bahay nya para sunduin sya. ngayong na alam ko na, na hindi sya tumatanggap ng pera naisip kong bumawi na lang through actions kumatok ako at hindi ko inaasahan na nag aasikaso na sya papasok sa eskwelahan

"akala ko hindi ka pa  papasok ehh"

"meron ng laman ang bodega pwede na akong pumasok  bakit ka nandito? "

Hinimas nya ang tyan nya at nakita ko ang ubos ng pizza sa maliit nyang lamesa grabe ang lakas nyang kumain hindi mo aakalaing kasya yon sa maliit nyang katawan oo matangkad sya pero sobrang payat nya

"susunduin kita halika na?? "

Nakita ko na nakapants na sya pero  nakatwalya pa rin ang pang taas nya

"sige antayin mo na lang muna ako dyan "

Umupo sya sa isang monoblock at umupo sa harap ng electric fan akala ko pinapatuyo nya lang ang buhok nya pero nag taka ako ng sa dibdib nya tinatapat ang electric fan

"anong ginagawa mo?"

"ha nag papatuyo"

Pero napansin ko na napapangiti sya

"ano nga? "

Bigla syang humagalpak ng tawA

"kasi naman hindi ko matanggal yung hook ng bra ko ehh kaya kapag naliligo ako nilalabhan ko  na din tapos pinapatuyo ng ganito"

"ano??  Ilang araw na mula ng maaksidente ka"

Tawa pa rin sya ng tawa  napapatawa na din ako sa mga pinag gagawa nya pero  lumapit ako sa kanya nilagay ang kamay sa likod nya at wala pang limang segundo natanggal ko na ang hook ng bra nya

"hoyyyyy!!  Tol ano yon?? suntukin ko yang mukha mo"

"dugyot ka ilang araw mo ng suot yan palitan mo na ako na ang bahala'

Nakatingin lang sya sa akin at hindi malaman kung maiinis o mahihiya

"ohh bakit?? pare ka di ba TOL!!  Wala sa ating mga lalake yan.  Magtanggalan ng damit walang malis yan tol"

Natatawa syang binato sa akin ang kutsara sa lamesa nya at kumuha sya ng bra sa kabinet nya at pumasok sa banyo

"gago!! "

Paglabas nya suot na nya ang bra nya at i hook ko na lang

"bakit ka marunong nito nag susuot ka ba nito? "

I smiled and decided to tease her

"hindi no nag hububad lang"

"TANGINA MO HAYOP KA"

"HAHAAHHA!! "

Lumabas na kami ng makabihis na sya at pumasok na kami sa kotse

"nice car"

"thank you paki ingatan na lang binabayaran ko pa yan"

"ohhh ang yaman yaman nyo hindi ka pa nilibre ng nanay mo? "

"hindi kami ganon sa pamilya namin kung may gusto ka paghirapan mo"

"paano mo ito binabayaran"

"nag apply ako ng varsity scholarahip kaya wala akong tuition sabi ko sa parents ko kotse ang kapalit"

"siguro nawindang ang admin ng nag apply ka"

"sinabi mo pa ilang beses nila akong tinanong kung seryoso ba ako"

"ang galing mo pala tol"

"para wala na silang masabi"

"hindi ang galing mo talaga dati yabang na yabang ako sayo ehh spoiled rich kid pero may value ka rin pala bilang tao"

"anong ibig mong sabihin? "

" ibig kong sabihin yung mga rich kids na walang pinaghihirapan sa buhay at wala ding direksyon"

"so ganon ang tingin mo sa akin dati"

"hindi no... hanggang kanina"

Tinignan ko sya ng masama habang sya nakangisi lang sa akin

"baba ka na hanggagan dito ka na lang tol"

Pinara ko na ang sasakyan habang sya tawa pa rin ng tawa

"biro lang tol hindi ka na mabiro ehh"

Pag dating namin sa school nakakunot lahat ng tingin ng tao ng makita kaming lumabas ng sasakyan akala ko lalayuan nya ako pero Mas lalo pa syang dumikit sa akin at may binulong

"pang twilight ang drama natin tol"

Natawa ako lalo at inakbayan pa sya i never had this much fun recently dahil busy kaming lahat ng team mates ko dahil malapit na ang laban namin hindi ko ineexpect na mag mamatch ang sense of humor naming dalawa nag eenjoy akong kasama sya

Hanggang klase magkadikit pa din kami at dahil ako ang official tagasubo nya ng pag kain issue na naman kaming dalawa by the end of the day trending topic na kami sa campus at natatawa ako kung paano gawing katatawanan ni light ang lahat kaya hindi ako nailang o nahiya na kasama sya.

Wahhh alam nyo ba na ang first part nito nasulat ko na 10 years ago???  Sinulat ko ito sa notebook tapos ngayon nakaisip ako ng bagong  plot at naisip kong pwede idugtong silang dalawa wow!!!!!  Nasasayahan naman ako

I Am yoursWhere stories live. Discover now