forty five

163 12 2
                                    

Grabe kung may el nino sa pagsusulat kakagaling ko lang don.  Gusto k ok na itong tapusin pero wala pa akong magandang climax. Di ko rin alam kung mag bobook 2 ako or tuloy tuloy na. Hayyy
Anyway mailli. Lang to POV lang to ni amell







Amell

Masayaba ako???  Oo nararamdaman ko na gumaganda na ang relasyon namin ni andreas pero pakiramdam ko hindi pa rin ako pwedeng umarte na mrs.  Soriano at ipagmalaking akin sya, hindi dahil sa pakikitungo nya sa akin kundi dahil na din sa sarili kong insecurities

Pakiramdam ko wala akong karapatang umakto na ako lang ang babae sa buhay nya na close kaming dalawa.  Sa sulok ng magulo kong utak malinaw sa akin na binili nya lang ako, binayaran tuwing maiisip ko yon. Nawawala lahat ng pantasya ko na mahal nya ako. Na isa Kaming masayang pamilya na nag tutulungan. Magkatuwang sa lahat at sumusuporta sa bawat isa.

Isa akong bayarang babae.  Mag pasalamat na lang ako  dahil pinakasalan ako at least yung pagiging bayarang babae ko sa aming dalawa na lang.

Minsan naiisip ko kung paano ba namin gagawin to.  Magiging magulang na kaming dalawa paano namin patatakbuhin ang pamilya namin. Ang sabi nya walang ibang babae,  sapat na yon. Sabi nya tanggap nya ang anak nya na manggagaling sa akin tama na yon.

Sa sitwasyon ko ngayon ano pa ba ang mahihiling ko??  Ano pa ba ang kulang?? Legal kami, hindi nya ko tinatago, magiging pamilya na kami so ano pa ang kulang??  Ano ba ang hinahanap ko bakit hindi ko magawang ipagmalaki na ako si mrs.  Andreas john soriano??

Ginagamit,  ginagantihan, yun lagi ang sumasagi sa isip ko.  Tuwing malambing sya sa akin walang ibig sabihin yon hindi dahil mahal nya ako dapat alam ko na yon.  kapag iniingatan nya ako dahil yon sa bata at tuwing may nangyayari sa amin binayaran nya yon. yun lang ang iniisip ko dahil ayaw kong mag expect ng kahit ano sa kanya mahal ko sya at minsan gusto ko na mahalin nya rin ako pero alam ko na hindi iyon mangyayari dahil ako ay ako never akong mamahalin ng isang andreas john soriano.

Ayaw kong mag expect hindi dahil wala akong maaasahan kay andreas kung hindi dahil hindi ako dapat umasa.  Nabigay na ni andreas lahat sa akin sobra pa walang kapalit yon kaya dapat hindi na ako maghanap pa ang kapal naman ng mukha ko kung sasabihin ko sa kanya na i want more sa dami ng naitulong nya sa akin.

Ito rin ang dahilan kung bakit lahat ng kailangan nya kahit gaano pa ka tanga pakinggan binibigay ko Tulad ng pag papakasal ko sa kanya.  Di ba sino ba naman ang mag papakasal sa akin matapos nya akong i book sa club at bilhin. Nung ipagbili ko ang sarili ko sa kanya i expected the worst. Lahat ng masamang bagay na pwedeng gawin sa akin inasahan ko na yon.  Kaya naman ng sinabi nya na pakakasalan nya ako ako na ang hindi makapaniwala.  Ako na ang kumokontra sa kanya dahil parang nawawala na sya sa sarili nya.

Ng makita ko si abby at hinahanda na nila ang kasal nila. Hindi ko pala kaya na mawala sya sa buhay ko kaya pumayag ako sa kasal sinasabi ko lang na isang malaking kalokohan pero ang totoo gusto ko lang tumanggi para hindi nya ako masisi sa huli.

Lahat ng kailangan nya binibigay ko kahit anak.  Ito ang pinakamahirap na desisyon ko sa buhay ang mag buntis ulit.  Ayaw ko ng mag buntis sinumpa ko na buong buhay kong aalalahanin ang anak kong nawala.  Never akong magiging nanay dahil hinding hindi ako magiging mabuting ina.

Ang totoo ayaw ko talaga hanggang ngayon natatakot pa rin ako.  Pero dahil kailangan yon ni andreas pikit mata kong tinanggap na kailangan kong mag kaanak.

MAhal Na mahal ko si andreas at hindi ko mapigilan ang puso ko na gawin lahat ang mag papasaya sa kanya kaya naman ang isip ko ang gumagawa ng paraan para mapigilan ang damdamin ko kung hindi siguro kinausap ko na sya at nag expect ng relasyon na may pag mamahal.

Hindi ko sya sinisisi, hindi ako nag hahanap, kung may kulang ako anf mag aadjust. Hindi ako umaasa ng kahit ano mula sa kanya dahil ako naman ang pumunta sa Kanya at nag makaawa Inalok ang sarili ko.

hanggang ngayon sya pa rin ang sumosuporta sa pangangailan ng pamilya ko.  Kaya tuwing inaakusahan ako na mukhang pera ng pamilya nya tumatahimik lang ako totoo naman ehhh. wala akong kayang ibigay na kapalit katawan ko lang kaya naman ng sinabi nya na kailangan nya ng asawa pumayag ako  kailangan nya ng anak pumayag din ako dahil sa wakas may mabibigay na ko na kailangan nya.

Pathetic?? Alam ko. desperada?? Alam na alam ko pero anong magagawa ko mahal ko sya. Kung sunod sunoran man ako ok lang basta nandito sya kasama ko.  Hindi ko na iniisip yung mga masasakit na bagay.  Noong nag hiwalay kami noon parang nawalan na ako ng gana sa buhay nawalan na ako ng inspirasyon. Hindi ako nakapagtapos pero wala akong ginawa ok lang sa akin. Nawalan ng saysay ang buhay ko. Unang beses ko mag mahal ang saya saya ko ng maramdaman ko iyon at ng nawala sa akin yon gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kung paano makabangon.

Ng makita ko sya ulit doon lang ulit ako nag karoon ng pag asa, ng saya. Ng nagpunta ako sa club at nakita ko ang magiging buhay ko sya agad ang naisipan kong takbuhan kahit kakapalan na ng mukha.  I can take it if its with him. Kaya ako mismo ang nagbenta ng sarili ko. Kaya ngayon wala akonh karapatang magdemand. mag eexpect pa ba ako????  Pinakasalan na nga ako ehhh.

Nagpasya ako na mahalin ko na lang sya na walang hinihinging kapalit. Tahimik na susuporta sa kanya.  Mag bibigay ng kailangan nya.  Mag mamahal kahit hindi minamahal.  Sapat na yon sa isang tulad ko.

I Am yoursWhere stories live. Discover now