"Wag kang kabahan. Matutuwa sila sigurado ako don at sigurado din ako na magbibiro din sila sa kasal."

"Gustong gusto talaga nilang maikasal na tayo." iling na sabi nya.

"Siguro dahil ang tagal bago naging tayo. Madaming boto para satin kaya sobrang natutuwa sila nung malaman nilang tayo na."

"Sino ba kasi dito ang pinapatagal?" napasimangot ako.

"Bakit ba." natawa sya kaya lalo akong napasimangot. Edi ako na!

Nakarating kami sa tapat ng bahay ni Papa. Sakto naman na paalis na si Papa pero dahil dumating kami ay hindi muna sya umalis.

"Oh! si Alexa, Ma oh." nakangising sabi ni Kuya habang karga-karga si Zaparta.

Pinanlakihan ko sya ng mata. Hinawakan ko ang kamay ni Alexa at lumapit sa kanila.

"Ma, Pa, Kuya at lola. Si Alexa, girlfriend ko." ang laki ng ngiti kong sabi.

"Sawakas!" sabi ni lola at Mama. Napakamot ako ng ulo at nakangiting tumingin kay Alexa.

Kita sa mukha nito ang pagtataka pero nakangiti din dahil alam nyang okay sya kanila Mama.

"Goodmorning po." magalang na sabi ni Alexa at nagmano kanila Mama.

"Mabuti naman at naging kayo na. Nako! ang tagal kong inasam asam na magkatuluyan kayo ni Zoe." sabi ni Mama. Napailing ako.

"Wala na akong iba pang sasabihin basta alagaan mo ang anak ko." sabi ni Papa.

"Nako, Pa. Si Zoe dapat ang mag-alaga kay Alexa dahil sinaktan nya si Alexa noon." pinanlakihan ko ng mata si Kuya. Daming sinasabi eh.

Ang dami pa nilang pinagsasabi kay Alexa. Nagpaalam na din si Papa na papasok na sa trabaho. Hindi nya na dinala si Zaparta dahil may mag-aalaga na din naman sa kanya. Nagpatuloy ang kwentuhan sa loob ng bahay. Ang dami nilang nilaglag sakin kay Alexa. Mas anak pa nila ituring si Alexa kaysa sakin.

Dito na din kami nagtanghalian ni Alexa tapos pagsapit ng hapon umalis din kami ni Alexa para pumunta ng mall. Wala lang, labas lang kami.

Magkahawak ang kamay namin habang tumitingin tingin sa mga store. Kadalasan na pinapasukan namin ang mga girly clothes para bumili ng dress nya. Mahilig talaga sya sa dress. Konti lang ang binibili nyang tshirt at jeans.

"Alexa, bili tayong couple shirt." sabi ko pagkakita ko sa isang couple shirt na blue.

Napataas ang isang kilay nya. Nagpuppy eyes naman ako sa harapan nya.

"Wag mong gawin yan. Ang panget mo." napanguso ako. Nginitian nya lang ako tapos kinuha ang couple shirt. Mukhang kasya naman samin kaya agad nyang binili.

Iba talaga ang mayayaman, hindi na pinag-iisipan ang pera.

Pagkatapos namin mamili. Nagmeryenda muna kami sa isang Japanese restaurant. Habang hinihintay ang order namin, naging busy si Alexa sa cellphone nya. Napansin ko naman sa leeg nya ang binili kong kwintas sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan kiligin.

"May interview ako ngayon sa Sports News, gusto mo bang sumama?" tanong ni Alexa. Isinantabi nya ang cellphone nya.

"Ayos lang ba?"

"Mas maganda kung nandon ka." napangiti ako. "For sure tatanungin nila ako about satin."

"Sasabihin mo na sa lahat na tayo na?" tanong ko. Medyo nag-aalala ako sa kanya. Isa na syang sikat na players ngayon.

"Oo naman. Hindi ko ipagkakahiya ang taong mahal ko." napakagat ako ng labi.

"Sige sasamahan kita. Susuportahan ko ang pinakamamahal kong girlfriend." sabay kindat sa kanya. Napangiti naman sya sakin.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon