Chapter Twenty-Eight: Brooklyn

6.1K 164 20
                                    

Jayce's POV...

"B-beshie ko... Hindi ka ba talaga bababa?" naramdaman ko ang paglubog ng dulong parte ng kama na aking kinahihigaan. Ngayon ang birthday ng anak ko, pero heto ako at nakahiga. Nang makauwi kami galing sa palawan ay hindi ko na magawang tumagal kasama si Jackson.


Sobrang sama ng loob ko, hanggang ngayon ay nasa punto pa rin akong hindi makapaniwala tuwing iniisip ko. Sobrang sakit dahil nilihim niya sa akin ang lahat ng ito.


Naiintindihan ko na natatakot siya sa mga posibleng mangyari sa relasyon namin, naiintindihan ko ang nararamdaman niya tungkol dito. Ang hindi ko lang nagustuhan sa lahat na nangyari ay pinaabot niya pa sa puntong ikabibigla ko. Umaasa na akong magiging masaya kami sa buong durasyon ng out of town naming tatlo, plano kong maging masaya kaming tatlo ng mga oras na iyon. Ngunit lahat ng inaasahan ko ay nasira ng dahil sa rebelasyon niyang nalaman ko.


Masaya na ako, e. Bakit pa niya pinaabot sa puntong masaya na ako sa kaniya bago niya sa akin sabihin na siya ang lalaking kinamumuhian ko noon pa man. Nagalit ako, nainis, at kung ano-ano pang maaari kong maramdaman sa lahat ng nalaman ko ng araw na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit at sasama ng loob kung nasa posisyon ko ngayon? Kaya pala gano'n na lang kapamilyar sa akin ang lahat ng mayroon siya.


Una pa lang ay kilalang-kilala ko na ang asul niyang mga mata. Una pa lang ay nararamdaman ko nang may koneksyon na kaming dalawa. Subalit masyado akong nabulag sa pagmamahal na unti-unti ko nang nabubuo sa kaniya noon, na buong-buo na sa puso ko ngayon. Dahil sa pagmamahal na iyon kaya kahit sinasampal na ako ng katotohanan ay hindi pa rin ako naging bukas na maaaring siya nga ang estranghero noong gabing iyon.


Masakit siyempre, sobra. Hindi ko magawang matukoy ang sakit na sinasabi't nararamdaman ko. Nang makita ko ang tattoo niya noong gabing iyon ay mabilis na bumalik sa akin ang lahat ng bangungot na tatlong taon ko nang binabaon sa limot. Lahat ng sakit na naidulot niya sa buhay ko noon ay bumalik sa akin nang mga oras na nalaman ko ang katotohanan. Pero tuwing naiisip ko ang lahat ng pagmamahal na ipinakita ni Jackson sa akin at maging sa anak ko mula noong una pa lang ay nawawala na sa akin kaagad ang masamang bangungot na gumagambala sa akin. Tila ba siya mismo ang nagbura sa akin ng bangungot na idinulot niya sa akin noon.


Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Hindi ko na kayang pakawalan si Jackson, kaso nahihirapan akong pigilan ang sakit na nararamdaman tuwing naiisip ko na siya ang lalakeng dahilan ng pagkasira ng buhay ko noon. Lahat ng pinagdaanan ko habang nilalabanan ko ang takot sa araw-araw dahil sa nangyari sa akin, mga trauma, at pangamba. Kung babalikan ko ang lahat ng pinagdaanan ko noon sa tatlong taon ay sobrang nakasasama ng loob.


Kinuha niya ang pangarap ko. Dahil sa isang pagkakamali ng gabing iyon ay tuluyan nang nawala sa akin ang teenage dream ko. Hindi ko matanggap na ang lalakeng mahal na mahal ko ngayon at ang lalaking kinatatakutan, kinagagalitan, at sumira sa maayos kong buhay noon ay iisa lamang. Siguro nga ay tamang kailangan ko lang ng oras para mapatawad siya-- para maunawaan ang lahat at mapag-isipan ng maigi ang magiging desisyon ko sa bagay na ito ngayon.


Labag man sa kalooban kong aminin na mas matimbang sa akin ngayon ang pagmamahal kay Jackson, ay wala na akong magawa. Wala akong ibang maisip na bagay na tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ito, kun'di siya. Galit ako sa estrangherong sinamantala ang kahinaan ko three years ago, ngunit ngayon na alam ko nang si Jackson ang estrangherong iyon ay hindi ko na maipaliwanag kung bakit hindi ko kayang magalit sa kaniya ng lubusan.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon