Chapter Fifteen: Our Eyes

14K 489 90
                                    

Jayce's POV...

"Nanay?" nahinto ang paglalagay ko ng lipgloss sa aking labi nang marinig ko ang mahinang boses ni James. Nakayuko ito ngayon kaya pinantayan ko siya para makita ang napakacute niyang mukha. Base sa boses nito ay malungkot siya kaya nakaramdam naman ako ng pangamba. May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O baka may masama siyang nararamdaman kaya malungkot siya ngayon.


"Bakit malungkot ang baby ko? May bad dreams ka ba kanina sa pagtulog mo?" malambing kong tanong sa kaniya. Hindi dapat ako basta-basta nag-iisip ng kung ano-ano, baka may iniisip lang ang anak ko kaya siya malungkot.


Dahil sa tanong ko ay umangat sa akin ang tingin niya, bahagya siyang umiling sa akin at nanatiling nakanguso ang labi sa akin. Para bang may gusto itong sabihin ngayon na hindi niya masabi-sabi sa akin. Dahil sa naisip ko ay tago akong natawa, naalala ko kasi na ganitong-ganito rin si Jackson kahapon nang magkausap kami. Para siyang may gustong sabihin sa akin na hindi niya masabi.


Hay naku, Jayce! Umagang-umaga at si Jackson ang pumasok sa isipan mo. Hindi ko na siya manliligaw ngayon, maging close friend ay hindi na rin. Boss ko na ito, kaya hindi healthy sa akin na hinahayaan ang sarili kong isip-isipin siya.


"S-sama po ako sa'yo, Nanay." napabalik kay James ang atensyon ko nang marinig ko ang sinabi niya habang siya'y nakatingin sa akin at nahihiya pa. Tila ba naglalambing ito gamit ang magaganda niyang mata sa akin, pero dahil unang araw ko sa trabaho sa Empire City Mall ay hindi ako magpapaapekto sa cuteness niya ngayon.


Nang malungkot ko itong nginitian ay tila ba naramdaman niya na ang pagtanggi ko sa kaniyang hiling, kaya mas lalong lumungkot ang mukha ng anak ko. Dahil doon ay agad dumapo sa akin ang konsensya. Ayokong tinatanggihan ang anak ko, ngunit... wala na ako sa Harper Mall ngayon. Wala na ro'n ang office ni Tito William para mapag-iwanan ko sa kaniya habang nagdu-duty ako. Wala na rin doon si Perry na mabait na sekretarya ni Tito para mag-alaga sa kaniya habang nagta-trabaho ako. 


In short, hindi na pwedeng sumama si James sa trabaho ko.


"Sorry baby ko, pero unang araw ko ngayon sa trabaho. Isa pa ay wala na ako sa work ni Lolo William ngayon, anak. Pasensya ka na talaga, baby ko. Kailangan mo nang mag-stay dito everyday kasama si Lola Myra mo, okay ba 'yun? Babawi na lang ako sa sabado't linggo, baby, huh?" may lungkot sa aking ngiti nang ipaliwanag ko sa aking anak ang dahilan kung bakit hindi na siya pwedeng sumama sa akin. Halata naman na naintindihan niya ako, subalit nanatili siyang malungkot habang nakatingin lamang sa akin. Dahil hindi niya napigilan ang sarili ay niyakap niya ako gamit ang maliliit niyang braso't kamay, siyempre ay agad ko itong sinuklian ng yakap.


Sobrang dami ko nang utang na oras sa anak ko. Dahil sa trabaho ko ay unti-unti na ako nababaon ng utang kong oras sa anak ko. Gusto kong makasama siya habang lumalaki at nagkakaisip ito, ngunit sa sitwasyon naming mag-ina ay nakukulangan ako sa oras namin ng magkasama.


"B-bakit ka umiiyak, Baby? Wag ka nang umiyak, baby ko. Pangako ko at babawi talaga ako sa'yo, anak ko." nataranta agad ako nang marinig ko ang hikbi nito sa pagitan ng pagyayakapan naming dalawa. Siya ang naunang humiwalay sa akin, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang lumuluha niyang mga mata.


Aw, ang baby ko.... ayokong umiiyak ang anak ko dahil lamang gusto niya akong makasama.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon