Chapter Twenty-Five: Quality Time

8.4K 249 19
                                    

Jayce's POV...

Maaga akong pinag-out sa trabaho ni Rexxie matapos ang nangyari kaninang umaga sa Office Block, ang sabi niya sa akin ay nireport niya ang nangyari sa amin ni Brooklyn kay Jackson kaya siya mismo ang nagpauwi s aakin ng maaga ngayon. Gusto pa nga ni Jackson na ala una pa lang ng tanghali ay umalis na ako, ngunit hindi ako pumayag at sinabing alas sais ang pinakamaaga kong pag-out sa trabaho ngayon. Dahil mukhang ayaw niyang makipagtalo ay wala itong nagawa at hinayaan na lamang ako sa gusto. Ewan ko ba riyan kay Jackson, sinabi ko naman sa kaniya na walang ibang nangyari o ginawa sa akin si Brooklyn kanina. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila ba sobra ang pag-aalala ang nababakas ko sa boses niya nang makausap ko siya sa telepono kanina.  


Mukhang malaki ang sama ng loob niya sa ex-wife niya, kaya siguro ayaw niyang madikit sa akin si Brooklyn. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na tila ba gusto kong makausap si Brooklyn ng kami lamang dalawa. Parang may bumubulong sa akin na kung anong masamang hangin na pilitin at gumawa ng paraan para makausap ng masinsinan si Brooklyn. Mula nang una ko siyang makita sa mall ay nararamdaman ko nang mayroon itong mabigat na pinagdadaanan sa likod ng panggugulo niya sa buhay ni Jackson ngayon. 


Naniniwala akong may dahilan siya kaya pilit niyang ginugulo ang buhay ng nobyo ko, lahat ng pagbabanta at galit niya sa akin ay alam ko may pinaghuhugutan kaya nais ko itong malaman. May mga bagay kasi akong hindi maitanong kay Jackson na maaaring alam ni Brooklyn. Ang problema lang ay hindi ko alam ang paraan para makausap ko siya ng kami lamang dalawa. Aminado naman ako na may inis akong naramdaman sa kaniya nung una, pero kasi ayoko mabuhay sa isang relasyon na may isang taong humahadlang sa akin at sa taong mahal ko. Ayokong magmahal ng may taong nagagalit, hindi ko alam kung bakit... ngunit gusto kong tulungan si Brooklyn sa bagay na hindi ko alam.


Parang gusto kong tulungan siyang makamove-on na kay Jackson, alam kong may pag-asa pa itong magbago kaya 'yon ang pipilitin kong gawin. Hindi man ngayon, ngunit sa tamang panahon.


"Nanay! Dito na po kayo?" masigla man ang bungad sa akin ng anak ko nang makapasok na ako sa bahay ay bakas pa rin sa mukha niya ang gulat dahil maaga ang naging uwi ko.


"Yes, baby ko! Uuwi na kasi si Daddy Jackson mo, kaya gusto kong maaga ako makauwi rito. Masaya ka ba buong araw dito kasama si Ate Mary?" masigla kong tanong sa kaniya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Narinig ko ang mahina niyang hagikgik at pagtango nang maghiwalay kami sa pagkakayakap, bakas sa mukha ni James ang saya. Ngayon ko lang ata nakitang ganito siya kabuhay at kasaya. Masaya naman ito araw-araw mula nang magkaisip siya, halata naman kasing masaya siya sa buhay mula noong maipanganak ko siya. Ngunit ang saya na nakikita ko sa kaniya ngayon ay tila ba ngayon ko lang nasaksihan sa aking buhay, kaya dahil do'n ay masaya rin ako para sa anak ko.


"Marami po kaming nilaro ni Ate Mary, Nanay! Mabait po silang lahat kaya masaya po ako na kasama ko sila sa buong araw po." mababakas sa boses niya ang ligaya habang ikinukwento sa akin ang lahat ng ginawa nila sa unang araw niya rito sa bagong bahay namin. Masaya kong pinapakinggan ang lahat ng sinasabi sa akin ng anak ko hanggang siya na mismo ang napagod sa kasasalita. Hindi ko alam na inabot ang kwentuhan namin ng anak ko ng kalahating oras, gano'n na ata ako kalibang habang pinapakinggan ang maliit ngunit madaldal na boses ng baby ko. 


Saktong pagtapos ng usapan naming mag-ina ay natanaw ko na ang nakangiting si Miss Reesmee na palapit na sa sala kung saan namin napagdesisyunang magkwentuhan ng anak ko kanina.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon