Chapter One: Aftermath

29.6K 658 28
                                    

Jayce's POV...

[One Month After]

"Hoy Jayce!! Spacing-out drama ka ulit? Ano ba kasing problema mo? Mind if you tell me. Ano pa't naging kaibigan mo ako kung hindi mo sinasabi sa akin ang bumabagabag sa'yo, kanina ka pa wala sa sarili mo, remind lang kita." bahagya akong napakurap sa pagkakatulala nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Anna. Ramdaman ko ang kamay niyang humihila sa braso ko, pero hindi ko siya nagawang lingunin dahil sa mga bagay na iniisip ko. Tila ba wala akong maramdaman sa sariling sistema at nakatulala lang sa blankong white board na nasa harapan namin ngayon.


Kasalukuyan kaming narito sa classroom habang hinihintay ang susunod naming Professor, ngunit gaya kaninang nasa klase ay wala pa ring kahit anong bagay ang pumapasok sa isipan ko maliban sa konsensya't bangungot na naaalala ko. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko, at hanggang ngayon ay bumabalik-balik pa rin sa utak ko ang bagay na 'yon. Alam kong wala akong ginawa para pigilan siya sa ginagawa, ngunit matapos ng gabi na iyon ay nagsisisi na ako sa lahat ng pariwarang desisyon ko.


Pilit ko nang binubura at inaalis sa memorya ko ang gabing iyon para manumbalik na ang sigla sa buhay ko, subalit kahit anong pilit ko ay unti-unti akong nilalamon ng ala-alang 'yon.  Nagmistulang multo ang gabing iyon  sa buhay ko na bawat minuto ay nagpaparamdam sa isipan ko, hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko ngayon. Hindi ko na maintindihan ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko dahil sa nararamdaman kong pagsisisi sa mga desisyon ko nang gabing iyon.


Nawala ako sa sarili ko at binigyan pahintulot ang estrangherong angkinin ako. Alam kong mali ang mangyayari sa amin, pero parang wala ako sa sarili at nagpadala sa bugso ng damdamin. Saka ko lamang napagtanto na nalinlang niya ako sa mga halik niya nang matapos na ang pag-iisa naming dalawa. Wala na akong nagawa kun'di umiyak at pagsisishan ang bagay na hindi ko na kailanman maibabalik pa.


Noong umaga matapos ng gabing 'yon ay tandang-tanda ko pa, maingat pa sa daga ang naging kilos ko para makabangon nang hindi nagigising ang estrangherong umangkin sa akin. May unting liwanag na ang umagang iyon, ngunit hindi sapat para makita ko ang mukha nito at kilalanin ang pagkatao niya. Nakababa ang lahat ng kurtina sa kwarto at unting liwanag lamang ang nasisinagan gawa ng araw sa labas. Nakatalikod ito sa akin nang umagang iyon, naisipan ko man kuhanan ng litrato ang lalake ngunit natakot ako sa ideyang baka magising ito at muli akong mahuli at manipulahin. Dala ng adrenaline rush nang mga sandaling iyon ay mabilis kong kinuha ang mga gamit kong nakakalat sa lapag at nagbihis, nang gumalaw ito nang mga oras na iyon ay para bang may kung anong nagpagalaw sa mga paa ko para tumakas na lang kaagad ng hindi man lang nasisilayan ang mukha ng lalakeng gumamit sa kahinaan ko.


Nang makalabas ako sa silid kung saan nangyari ang pagtatalik namin na pinagsisisihan ko ay nakita ko kung gaano kaganda ang condo na mayroon siya. Kahit ilang segundo ko lamang natitigan ang may kalakihang condo na iyon dahil sa pagmamadali ko ay alam kung mamahalin ang buong lugar base sa nakita ko. Ang tanging bumabagabag lang sa akin nang mga oras na iyon ay kung bakit niya ginawa sa akin ang bangungot na 'yon? Alam kong ginusto ko ang nangyari nung mga oras na iyon, pero alam kong dala lamang iyon ng takot, kahinaan ko, at paninipula niya sa akin gamit ang mga bagay na ginagawa niya sa akin.


Parang ako'y nahulog sa bitag niya nang mga sandaling iyon. Gustuhin ko man tumutol ngunit parang may sariling utak ang bibig at puso ko na hinayaan na lamang siya. Ngayon na isang buwan na ang nakararaan ay patuloy akong ginagambala ng desisyon kong iyon. Maling-maling, at alam ko iyon.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon