Chapter Fourteen: New Job

13.5K 460 40
                                    

Jayce's POV...

Ramdam ang hingal ng sa wakas ay nakarating na rin ako sa Office Block kung tawagin dito sa Empire City Mall. Habang binabaybay ang mahabang hallway na maraming pinto na mukhang mga iba't ibang klaseng opisina ay natunton ko naman ang kaagad ang aking pakay. Nakita ko ang sign board na may nakalagay na "Fall in line (Job Interview)",  kaya pumila ako agad doon. Siguro ay may lagpas bente na rin ang nakapila rito sa pinipilahan ko kaya sakto lamang ang aking dating. Mabuti na lang talaga at may mga upuan dito kaya hindi ako mangangalay sa paghihintay bago dumating ang turn ko.


Nang makita ko sa 'di kalayuan sa pwesto ko ang table na may mga sandwich ay nakaramdam muli ako ng gutom. Oo nga pala, malaki ang pwesto ng kinaruruonan ng pila namin kaya kahit maraming tao ay payapa pa rin ito tignan at hindi siksikan. Maluwag ang office block, halatang mga matataas na tauhan ang mall ang mga nagta-trabaho rito.


Speaking of matataas na tauhan... totoo ba talaga na isa sa mga Boss ng ECM ang mag-iinterview sa amin? Grabe naman sila. Sales lady lang naman ang papasukan ko at hindi naman isa sa mga managers ng Mall, bakit kaya kailangan boss pa? Dahil sa naisip ko ay lalo tuloy akong kinabahan. Paano kung masungit 'yun at masyadong choosy sa pagpili? Haaaay naku talaga, idagdag pa ang sikmura kong naghahanap na ng pagkaing malalamon.


"Good afternoon, Applicants. Our Boss is here, in a few minutes we will start the interview. At sa mga wala pa pong almusal ay may provided snacks po ang Empire Mall para sa inyo, pwede po kayong kumuha ng pagkain dito sa table habang naghihintay po sa oras ng interview ninyo. Gusto po kasi namin na may energy ang lahat sa interview, lalong-lalo na po..." pabitin na bangit ng isang magandang babae na mukhang sekretarya ng kung sino man. Dahil sa sinabi niyang pwede kumuha ng pagkain ay nakahinga ako ng maluwag. May kalayuan pa naman ang turn ko sa interview kaya makakakain pa ako ng tinapay na bigay nila sa amin.


"Unexpected po ang pagdating ni Mr. Gavin dito ngayonsa ECM. Ayon po sa secretary ni Mr. Gavin ay siya po ang magha-handle ng interview ngayong araw, kaya po nais naming magka-energy kayo sa interview. Mr. Gavin is really professional and straight forward about this kind of stuff, kaya sana po ay maging maayos po ang interview niyo sa kaniya." tila ba naging bato ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang dinagdag na bangit ng babae sa amin.


Mr. Gavin? Sino? Si Jackson ba ang tinutukoy niya? Oh my gosh, hindi pwede... I mean, imposible naman ang bagay na iyon. Walang binalita na nasa bansa na si Jackson, imposible naman na hindi malaman ng media ang pagdating niya, diba? Tama! Baka si Mr. Johnny ang tinutukoy niya at hindi si Jackson.


Pero kung ano man ang totoo ay lalo lamang nadagdagan ang kaba sa aking dibdib, hindi na ako kinakabahan sa interview. Kinakabahan na akong malaman kung sinong Mr. Gavin ang tinutukoy ng sekretaryang ito. Kung si Jackson nga ito ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin... Hindi ko rin alam ang dapat kong maramdaman, hindi pa akong handang harapin siya, ngunit sa kabilang banda ay alam ko kung gaano ko siya namiss.


Sa loob ng tatlong taon ay ngayon ko lang napagtanto na namimiss ko siya, Oo na! Hindi ko naman talaga siya nakalimutan, desisyon ko lang talagang magpanggap sa lahat na nakalimutan ko na siya. Gayunpaman ay hindi pa talaga akong handang makita siya ngayong araw, baka hindi ko mapigil ang aking sarili at agad na lamang itong yakapin kung nagkataon.


Hindi, hinding-hindi ko gagawin ang nakahihiyang bagay na 'yon kailan man. Hindi ko dapat kalimutan kung gaano ito kasikat na personalidad, hindi ko nais gawin iyon dahil ayokong mabash ng maraming tao. Tama! Tama ka sa part na 'yan, Jayce. Wag kang kabahan.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon