Chapter Twenty-Four: Plans

8.5K 260 18
                                    

Jayce's POV...

"Good morning po Ma'am Jayce, nandito na po ang driver ni Sir Jackson para maging personal driver niyo. Dumating na rin po ang mga bodyguards na kinuha ni Sir Jackson para sa inyo ni Baby James." ito agad ang bungad sa akin ni Miss Reesmee. Siya ang head ng mga maids na kinuha ni Jackson dito sa bago naming tahanan upang magtrabaho. Napag-usapan na namin ni Jackson na kahit wala nang bodyguard para sa amin ni James ay ayos lang. Kaya nang marinig ko ang sinabi ni Miss Reesmee ay napabuntong hininga na lang ako sa hangin dahil sa kakulitan ni Jackson.


Bilang pagpapakita ng paggalang kay Miss Reesmee ay napatango na lamang ako bilang sagot. "Si Baby James nga po pala?" usisa ko namang tanong sa kaniya nang hindi ko matanaw ang anak kong si James ngayon. Magandang ngiti ang nakita ko kay Miss Reesmee nang marinig niya ang tanong ko, kaya napangiti rin ako rito. Mukhang masungit lamang itong si Miss Reesmee ngunit mabait naman. Siguro ay mid 40's pa lang ito kaya nang makalipat kami kahapon dito ni James ay inakala kong masungit siya, subalit nang makausap ko na siya kagabi tungkol sa mansyon ay nalaman kong mabait naman ito.


Sa katunayan nga ay nakikita ko sa kaniya ang ugali ni Mama. Ang kaibahan lang ay walang anak si Miss Reesmee kaya medyo bagets pa rin at nakasasabay sa ibang mga maids. 29-35 ang range ng edad ng mga maids namin, nakipag-usap ako sa kanilang lahat habang tinutulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit kahapon nang makalipat kami rito.


Buong araw wala si Jackson sa bahay hanggang ngayon, pero okay lang dahil madalas naman itong tumawag sa akin para kumustahin ang lahat ng mga nangyayari. Kagaya ng sinabi niya kagabi sa akin ay mamaya na siya uuwi rito sa mansyon, marami lang raw kasing ginagawa sa kumpanya kaya hindi siya nakasama sa amin ni James papunta rito. Buti na lang at may mga driver at iba pang tauhan ang aking nobyo na inutusan para tulungan ako sa paglilipat bahay.


"Maaga pong nagising si Baby James, Ma'am. Kasama na po siya ni Mary sa dining area at nag-aalmusal. Bilin po ni Sir Jackson na pakainin kayo tuwing breakfast bago po pumasok kaya nakahanda na po ang almusal niyo, Ma'am." nakangiti, ngunit pormal na sagot at paliwanag sa akin ni Miss Reesmee. Nakaramdam man ako ng hiya sa kaniya dahil sa mga bilin ni Jackson na hindi naman talaga kailangan pa ay napatango na lang ako.


Idagdag pa na hindi ako sanay na may tumatawag sa akin ng Ma'am na mas matanda sa akin, nakaiilang dahil mas matanda ito ngunit itinuturing akong mas mataas sa bahay na ito. Sinabi ko na sa kanila na pwedeng Jayce na lang, ngunit tumanggi silang lahat dahil amo raw ako rito at ginagalang nila ako.


Ito ang sinasabi ko kay Jackson nung nakaraan nang una naming mapag-usapan ang tungkol sa mga maids na gusto niyang i-hire para sa aming tatlo. Alam ko namang kailangan namin ng katulong dahil sa malaking mansyon na ito para sa amin lang, pero kasi hindi talaga ako sanay maging amo. Sanay lang akong may amo. Isa pa 'yung personal driver, kaya ko namang bumyahe papuntang trabaho araw-araw, ngunit ayaw niyang pumayag na wala akong sariling driver. Ewan ko ba, masyado siyang makapangyarihan para tutulan, kaya ngayon ay kailangan ko na lang masanay sa lahat ng pagbabagong ito sa aking buhay.


"Good morning po, Nanay! Sarap po ng tulog ko po ngayon, magpi-play din po kami ni Ate Mary sa garden mamaya." maligayang bati sa akin ng napaka-cute kong anak. Hindi pa ito nakuntento at bumaba pa sa upuan para salubungin ako sa maganda naming hapag. Sinundan naman siya ng kanyang babysitter na si Ate Mary, 30 years old na ito at gaya ni Miss Reesmee ay walang anak, kaya nang makita niya si James kagabi ay tuwang-tuwa ito sa anak ko.

Marked By A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon