Tumingin ako sa sala na makitang nagkwe-kwentuhan ang dalawa. Nilapitan ko sila.

"Break na daw kayo ni coach Rayna?" tanong ni Linnett. Tumango ako at naupo. Sumandal ako sa upuan tsaka napapikit ng mga mata.

"Mabuti naman na tauhan ka." napangiti ako sa sinabi ni Steph.

Feeling ko napagod ako sa araw na 'to.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. Medyo malabo nung una kaya ipinikit ko na muna saglit at dumilat ulit. Napatingin ako sa cellphone na nasa harapan ko. Hawak iyon ng taong sinasandalan ko.

Pumikit ulit ako nang maamoy ko ang pabango ko. Alam ko na agad kung sino ito.

Dumilat ulit ako at tumingin sa cellphone nya. Nanonood sya ng basketball game pero nakahighlights naman sakin.

"Galing." sabi nya na mag-dunk ako. "Sexy pa." gusto kong mapailing pero malalaman nyang gising ako.

Tapos na syang manood at tumingin na lang sya sa Instagram ko. Doon na ako nagsimulang gumalaw. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"Hi." nakangiting bati nya.

Umiwas ako ng tingin. Hinanap ko ang orasan. Ala siyete na pala ng gabi.

"Gutom ka na ba?" tumayo ako at nag-unat pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya na ikabigla nya.

"Hi-hindi pa, hinihintay kasi kita." sabi nya at tumayo na din.

Hindi ko na sya sinagot pa. Naglakad ako patungo sa dinning area at alam kong nakasunod sya sakin. Nadatnan ko sila Mommy na kumakain na pagkarating ko sa dinning area.

"Halika na kayong dalawa." nakangiting sabi ni Mommy.

Umupo ako sa kaliwang ni Mommy. Pagkaupo ko napatingin ako kay Zoe na tumabi sakin.

"Baka bukas nandito na sila dahil hindi na din gaano kalakas ang ulan." sabi ni Mommy habang kumakain kami.

"Aw uuwi na si Zoe." sabi ni Steph. Tinignan ko lang ito tapos sinimulan kumain.

"Hindi pa siguro, hanggang tuhod ang baha sa bahay nila Astra ngayon, hindi din ako makakauwi." sagot ni Zoe.

"Wag na muna din tayo umuwi Steph─" pinutol ko ang sinasabi ni Linnett.

"Umuwi na kayo, kahit ngayon pa." sabi ko na hindi sila nililingon.

"May gustong masolo ang isa." umirap ako kahit hindi ako nakikita ni Steph.

"Hindi ba babalik na kayo sa camp?" nilingon ko si Steph. Tapos na ang Mini tournament kaya sigurado akong babalik na sila sa camp.

"Nope, since nandito daw si Zoe. Susulitin muna namin na makasama sya." tumango ako ng isang beses at kumain.

Pagkatapos namin kumain, kanya-kanya kami ng alis pwera lang kay Zoe na sumama sakin sa paglibot ng bahay.  Ang dami nyang kwento tungkol sa team nya na hindi naman ako interesado kaya hindi ako nakikinig sa kanya.

"At tapos─"

"Pwede bang tigilan mo na ang kakakwento tungkol sa kanila? hindi ako interesado sa kanila." napakamot sya ng ulo nya. Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Favorite kong kulay, blue at orange. Hindi naman ako nagsusuot ng dress dahil hindi ako girly kahit mukha akong girly." sabi nya at natawa.

"Bakit mo sinasabi ang mga yan?" tanong ko na hindi sya nililingon.

"Sabi mo hindi ka interesado kanila Silva kaya yung tungkol na lang sakin ang sasabihin ko baka lang interesado ka sakin." napatigil ako sa paglalakad at tinignan sya. Ang laki ng ngiti nya pagkatingin ko sa kanya.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now