Nakakaasar pa na pinagtabi tabi pa kami nila Ate Ella kasama ang mga ex ni Zoe. Nasusura ako sa mga oras na 'yon, tiniis ko lang. Hindi ko pinahalata sa kanila na naiinis ako dahil nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Alexa na kilala nila.

"Alexa..." napatingin ako kay Rayna na lumuhod. "Please, don't do this to me. I love you."

Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. "Alam mo ba ang salitang mahal? kasi hindi iyon ang nakikita ko sayo." tumayo ako at lumayo sa kanya.

Huminga sya ng malalim. "Sabihin mo sakin, please! sabihin mo kung ano ang mali at aayusin ko."

"Ayoko na."

"Anong klaseng dahilan yan?!" nagsisimula na naman syang sumigaw. "Napaka-non sense!"

"Non sense din naman ang relasyong ito." sumandal ako sa pader at tinignan sya. "Kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na. Break na tayo. Hiwalay na tayo."

Lumapit sya sakin at mabilis akong hinalikan ng mariin sa labi. Mabilis ko syang itinulak.

"Tangina naman Rayna!" inis na pinunasan ko ang labi ko. "Sinabi ko sayo na wag na wag mo akong hinahalikan sa labi! bakit ba hindi ka makaintindi huh?! ayoko na sayo! hindi kita minahal ko o ginusto man lang kaya tumigil ka na!"

"A-Alexa...I'm sorry..." tila na iiyak na sabi nya.

"Lumabas ka na!" inis na sigaw ko sa kanya habang nakaturo sa pintuan.

"I'm sorry, Alexa." lumuhod sya sa harapan ko. "Please, wag mong gawin sakin 'to."

"Labas." madiin na sabi ko. Umiling iling sya.

"No, hindi ako lalabas dito."

Sakto naman na may kumatok sa pintuan.

"Alexa, Mommy mo 'to." sabi ni Mommy sa labas.

"Umayos ka dyan." lumayo ako sa kanya at pinagbuksan ng pinto si Mommy pero hindi lang si Mommy ang nasa labas ng kwarto ko.

"Nasaan sya?" gumilid ako at niluwagan ang pinto ng kwarto para makapasok sila.

"Daddy?!" napaayos bigla si Rayna pagkakita sa ama nyang pumasok. "Ka-kailan pa kayo nakauwi?"

"Kahapon pa. Baka nakakalimutan mong kakausapin natin ang Chavez tungkol sa kasal ninyo?" pormal na sabi ni Tito sa anak nya.

"No Dad! ayoko sabing magpakasal sa kanya!" agad na lumapit sakin si Rayna. Kumapit sya sa braso ko. "Mahal ko si Alexa! hindi ko sya iiwanan."

Pinilit ko namang tanggalin ang mga kamay nya.

"Tapos na tayo, Rayna." malamig na sabi ko.

"Hindi ako papayag!" napapikit ako sa lakas ng boses nya.

"Kunin na ninyo sya." may dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto ko at hinawakan sa magkabilang balikat si Rayna. Nagpupumiglas si Rayna pero malakas ang dalawang lalaki.

"No! Alexa! tulungan mo ako!" tinignan ko lang sya habang pinilit na dinadala sya ng dalawang lalaki palabas ng kwarto.

Pagkalabas nila nagsalita muli si Tito.

"Thank you for taking care of my daughter." sabi ni Tito.

"Walang anuman po." magalang na sagot ko.

Hinawakan nya ang balikat ko at  lumabas ng kwarto. Nginitian muna ako ni Mommy bago sumunod kay Tito. Napabugha ako ng hangin. Tumingin ako sa kwarto ko. Medyo magulo ito.

Lumabas ako at naghanap ng kasambahay para linisin ang kwarto ko.

"Pakitanggal ang mga hindi sa akin don at lahat ng mga damit na isinuot ni Rayna, pakitapon na lang." sabi ko sa isang kasambahay. Mabilis itong sumunod sa utos ko.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now