Nagkwentuhan kaming lima. Minsan kapag hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila ay tumitingin tingin ako sa mga halaman at bulaklak na nandito sa greenhouse. Ang ganda lang tapos may butterfly pa sila dito.

Sa tingin ko mas mayaman si Alexa kaysa kanila Astra kahit na agaran binili ni Astra yung gym ng Meteor dati. Mas malaki ang mansyon nila Alexa kaysa kanila Astra tapos ang daming mamahalin na bagay ang meron kanila Alexa.

"Mauuna na ako sa inyo. Magliligo pa ako." sabi ni Tito at tumayo. "Hintayin ninyo ako." sabi nya pa habang nakatingin kanila Kuya Al.

"Sige po Dad." sagot ni Kuya Al. Umalis na si Tito.

"May trabaho pa po si Tito?" tanong ko.

"Umulan o umaraw ang mga employee, mga immortal yan." natatawang sabi ni Kuya Al. "Kahit mga lasing kami kahapon, kailangan pa din namin magtrabaho."

"Kayo naman ang boss doon kaya okay lang na hindi kayo pumasok." sabi ni Tita. Natatawa na lang si Kuya Al sa sinabi ng Mommy nya.

Kalhating oras, nagpaalam na din sila Kuya Al na papasok na sa trabaho nila. CEO si Kuya Al habang secretary nya naman si Ate Lovely. Ang kulit nga nila, ginawang secretary ni Kuya Al si Ate Lovely para lagi silang magkasama. Grabe hindi nanawa sa isa't isa.

Si Tito tumutulong tulong na lang kay Kuya Al sa pag-manage sa mga kompanya nila para sa oras na mag-retire na sya ay maayos nyang maiiwan kay Kuya Al ang kompanya.

Tahimik lang kami ni Tita na naiwan. Nakatingin kami sa mga halaman at bulaklak habang pinapakinggan ang mga patak ng ulan. Medyo lumiliwanag na din ng konti dahil mag-aala siyete na din ng umaga.

"Oh, goodmorning anak." napatingin ako sa likuran ko. "So cold." parang wala lang kay Tita na pagiging cold ni Alexa dahil hindi sya sinagot ni Alexa.

"Goodmorning beautiful." nakangiting bati ko sa kanya. As usual hindi sya namansin, naupo lang sya sa katapat ko.

Tahimik namin pinagmasdan si Alexa na nagtitimpla ng kape nya at nagpalaman ng pandesal nya. Ewan ko kung napapansin nya bang nakatingin kami ni Tita sa kanya o talaga ayaw nya lang kaming tignan.

"So, anak, kamusta tulog mo?" tanong ni Tita.

"Good." tipid na sagot ni Alexa. Napailing ako. Kahit sa Mommy nya ang cold nya pa din.

"Oh." sabi na lang ni Tita. Mahirap talaga kausapin ang tipid sumagot. "Aabangan ko na lang muna si Steph sa sala, maaga daw sya dadating ngayon." tumayo na si Tita.

"Sige po." ako na sumagot dahil hindi naman sasagot ang isa.

Nakangiting iniwan kami ni Tita. Nilingon ko ulit si Alexa na nakamasid sa labas ng greenhouse. Pinapanood nya ang ulan. Ako naman pinapanood sya. Gusto ko sanang humalumbaba kaso masama 'yon sa harap ng pagkain kaya sumandal na lang ako habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Alexa.

Napangiti ako dahil nakakainlove talaga ang mukha ni Alexa kahit wala syang emosyon na pinapakita. Namimiss ko ulit ang amazona na mukha nyang laging galit sakin. Tipong hahabulin nya ako hanggang sa mapagod ako dahil wala syang kapaguran basta mahampas nya lang ako. Tatarayan at susungitan ako. Oww nakakamiss.

Bigla syang napatingin sakin pero hindi ako umiwas ng tingin. Nakipagtitigan ako sa kanya at syempre hindi naman sya nagpatalo. Sobra-sobra naman ang kilig ko habang magkatitig kaming dalawa. Kahit na parang kinukumbulsyon ako dahil may kung ano meron sa tyan ko habang nakatitig kay Alexa hindi ako umiwas ng tingin. Gusto kong makipagtitigan kay Alexa kahit whole day pa yan!

Natawa ako ng bahagya dahil sya na mismo ang umiwas ng tingin saming dalawa. Talo sya! Tuwang tuwa ako kahit walang reaction syang umiwas ng tingin.

"Goodmorning." nagulat ako na may humalik sa pisngi ko. Pagtingin ko si Steph na may nakakaloko ngiti sa mga labi tapos tumabi sya sakin.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon