Journal Entry #2: The Issue with Fare Hikes

43 2 0
                                    

Nitong nakaraang linggo lang (tama ba?) e tumaas na 'yung minimum fare sa jeep sa Php 9.00. Syempre, tulad ng pag-angat ng mga ibang bilihin sa atin, inulan ng inis ng mga Pinoy ang sobrang sagabal na pisong taas-pasahe.

Sabihin na nating otso pesos ang pamasahe mo papuntang trabaho/eskwelahan, at anim na araw ang pasok mo kada linggo. Sa average na apat na linggo kada buwan, papalo ang dagdag na gastos mo sa pagsakay sa jeep sa tumataginting na (4 weeks * 6 days * Php 1.00 * 2 balikan) Php 48.00. Hindi ka na makakapag-load dahil sa lintik na fare hike na 'yan kaya mapipilitan ka na lang mag-Messenger kaysa mag-text. At kung gagawin pa nating isang taon 'yan, matatapyas ang halagang (261 days * Php 1.00 * 2 balikan) Php 522.00 sa savings mo na wala ka naman na in the first place. Parang sinabi ng LTFRB na maglakad ka na lang hanggang sa destinasyon mo. Nakatipid ka na ng disiotso kada araw, makakapagsunog ka pa ng 300 calories (male-late ka nga lang ng isang oras sa pasok mo). 

'Yan ay kung minimum fare pa lang ang binabayaran mo--paano na kaya kung higit na sa 4 km ang byahe mo? Naku, i-calculate na rin natin para masaya. Kung Php 30.00 ang pamasahe mo noon, at magtatrabaho ka ng 261 days hanggang July 2019, madadagdagan naman ng...Php 522.00 ang pamasahe mo in total. Kasi wala namang fare hike sa succeeding kms beyond the 4-km mark. Pero kahit na, sagabal pa rin, 'no? Kung wala lang sanang fare hike, e 'di sana nakapag-SB ka nang tatlong beses sa buong taon. Minsan na nga lang makapag-frappe nang sosyal, naunsyami pa! Pahirap na piso 'yan!

At syempre, dagdag din sa cost 'yan sa mga produkto na kailangang ibyahe. Bale, kada produkto na binibili mo ay madagdagan ng...wala. Walang madadagdag kasi hindi naman public transporation ang ginagamit sa mga produkto. 

~*~

Ayon sa naalala kong napanood ko dati, ang paraan daw ng judgment ng tao (hindi lang nating Pinoy) ay logarithmic, o base sa proportion ng value of change against basis. Joke lang 'yan. Hindi ko maalala kung logarithmic ba talaga 'yung term, pero seryoso may napanood akong ganoon (V Sauce 'ata?). Bale, example na lang para mas malinaw:

Scenario 1: Isipin mo may dalawang tore ng hollow blocks, parehas na walong pinagpatong-patong na piraso ang tangkad. Ngayon, dagdagan natin ng isang hollow block 'yung nasa kaliwa. Tanong: ano na ang mas matangkad na tore? Malamang ang isasagot mo e 'yung nasa kaliwa. Kasi, well, halata naman, 'di ba? Kitang-kita 'yung lamang n'ong nasa kaliwa.

Scenario 2: Ngayon, isipin ulit 'yung dalawang tore, pero imbes na tig-walo e tig-dalawandaang pinagpatong-patong na hollow blocks ang tangkad. Ngayon, dagdagan natin ng isang piraso 'yung nasa kanan naman. Tanong: ano na ang mas matangkad na tore? Well, obviously e 'yung kanan, tama? At 'yun 'yung maisasagot mo, tama? Mali! Ang totoo e hindi mo na mapapansin kung mas matangkad pa ba 'yung nasa kanan kasi it doesn't really matter. Sa tangkad na dalawandaang hollow blocks, malamang e bumagsak na 'yun sa'yo at natabunan ka na. At malamang na tatamaan ka pa sa mukha kasi pipilitin mong bilangin 'yung piraso ng pinagpatong-patong na hollow blocks kasi hindi na kaya ng utak mo na masabi kung ano ang mas matangkad na tore. E, 'di ba dinagdagan ng isang piraso 'yung kanan? Oo nga. Pero, malay mo, may extrang isa pala 'yung nasa kaliwa. At hindi mo 'yun mapapansin kasi nga by proportion tayo mag-estima ng mga bagay.

Sa perception natin, ganito ang nangyari:

Scenario 1 - The change we perceive from the left tower is 12.5%

Scenario 2 - The right tower changes only about 0.5%

At sa isang "logarithmic" na pag-iisip, mas malaki ang 12.5% kaysa 0.5%, kahit na parehas lang namang isa ang pagkakaiba.

Isa pang patunay: Kung may isang uri ka ng speaker at todo na ang volume, pero gusto mong doblihin 'yung lakas ng sound, ilan pang katulad na speaker ang kailangan mong bilhin? Isa lang ba? Mali. Ayon sa research [need citation here], kailangan mo ng sampung speaker para ma-doble ang volume ng isa. Kailangan mo pang bumili ng siyam na speakers.

~*~

So, ano bang issue talaga sa fare hike? Bakit ang daming naiinis at naiistorbo? Bakit nagiging BREAKING NEWS? Hindi naman dahil sa mareklamo tayong Pinoy at tadtad ng katwiran sa katawan, kundi dahil ganoon lang talaga ang takbo ng isip ng tao.

Isipin mo, kailangan ba talaga nating ipagkait sa mga tsuper nating madagdagan 'yung kita nila? Piso na lang 'yun, pwede nating isiping tulong natin 'yun sa kanila. Lahat naman kasi tayo gumagastos, nahihirapan. Kaunting sagabal lang 'yung piso isang byahe para sa'tin pero malaking tulong na rin 'yun sa kanila.

Sa tingin ko nga e dapat gawing Php 11.00 na 'yung minimum fare e. Hindi naman kasi charity 'yung mga PUJ para bigyan lang natin ng donation pang-maintain ng jeep. Nagtatrabaho sila, may pamilyang binubuhay. Oo, malaki sa isip natin 'yung 12.5% increase sa pasahe, pero hindi lang naman isip ang mayroon tayo--mayroon din tayong puso. Hindi masamang gamitin 'yun paminsan-minsan.

Open for InterpretationsWhere stories live. Discover now